KAHULUGAN NG PANAGINIP Part 2

#BUKID🌾

⚛️Ang bukid sa panaginip ay representasyon ng pag-unlad at kasaganahan.

Ang bukid ay nagpapahiwatig din ng isang masaganang career at masayang pakikipagrelasyon na mauuwi sa kasalan na ang nasabing itatayong pamilya ay mamumunga ng malulusog at matatalinong mga anak.

#TUMATAKBO🏃‍♂️🏃🏻‍♀️

⚛️kapag ikaw ay tumatakbo at may humahabol sa iyo, ibig sabihin agad nito ay “may tinatakasan kang problema, pagkakamali guilty feeling, kahinaan o kasalanan sa sarili mo o sa iyong kapwa” kaya ikaw ay takbo ng takbo habang may humahabol sa iyo.

#TUMATAKBOnaNAKALUTANG💃🏼🧘🏻‍♀️

⚛️ang panaginip “tumatakbo ka na lumulutang” ay nagsasabi may isang pangarap kang medyo mataas sa kasalukuyan mong posisyon o estado ng pagkatao, pero matutupad at maabot mo rin ito.

#STRANGER🙅🏻‍♂️

⚛️Kapag may lalaki o stranger na biglang lumabas sa ating panaginip na hindi natin kakilala, ang ibig sabihin ito ay “may sorpresang darating sa ating buhay sa susunod na mga araw”.

#BULAKLAK💐🌺🌹🌸

⚛️ang bulaklak sa panaginip ay nagpapahiwatig ng sa susunod na mga araw makadadama ka ng masayang damdamin dulot ng isang romantikong pag-ibig at masarap na relasyon.

#BABOY🐷🐽

⚛️Negative and possitive ang pananaginip ng BABOY,

Maaring ipinapahiwatig nito na ang iyong mga kaibigan ay hindi mapagkakatiwalaan.

Sa pag-ibig, ito ay nangangahulugan na ang minamahal ay tutoo at tunay na nagmamahal sa iyo.

Nagpapahiwatig din ito nang pagsubok, ngunit ng dahil sa iyong pagsusumikap lahat ng ito ay iyong malalampasan.

#BARYAorCOINS💰

⚛️ito ay nangangahulugan ng pag-unlad at kasaganahan.

Barya ang inilalagay sa “aras” ng mga bagong kasal na ginagamit sa mismong oras ng kasal ng magkasintahan, na sumisimbolo ng itatayong pamilya ng bagong kasal, kaya naman bukod sa kasaganahan ang barya sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng masaya at masaganang pag-iibigan ng magkasintahan o ng mag-asawa.

#BARKO🛳🚢

⚛️ kapag nanaginip ka ng barko, ito ay malinaw na pahiwatig ng isang malayuang paglalakbay. Kung payapa ang alon sa iyong panaginip habang nakasakay ka  sa barko ito ay nagpapahiwatig ng isang mabunga at mabiyayang paglalakbay. Samantala, kung sadyang maalon ang karagatan o kaya naman ay may malaking unos o bagyo habang nakasakay ka sa barko, ito ay tanda ng isang masalimuot, mahirap at maraming problemang pangingibang bansa.

Kung tinitingnan mo lamang ang barko sa iyong panaginip habang ikaw ay nasa dalampasigan at ang barko ay nasa laot ng dagat,  ito ay tanda na nangangarap kang mag-abroad sa kasalukuyan, pero malayo-layo pang matupad.

Kung ikaw ang pasahero, ito ay tanda na sa kasalukuyan may maliit na bagay kang gusto mong makamit at makakamit mo naman ito sa tulong ng ibang tao.

#INANGYUMAOnaDUMALAWsaPANAGINIP👩‍👦

⚛️kadalasan, napapanagipan natin ang mga taong matagal ng patay, dahil may isang katangi-tanging bagay na nais ipahiwatig ang ating unconscious self  – at  ito ay ang “sobrang mahal na mahal natin ang nasabing tao kaya siya  ay madalas nating mapapanaginipan!”

#NALIGAWkaNALIGAWkayo🚶🏾‍♀️👯‍♂️

⚛️ito nangangahulugang sa kasalukuyan hindi mo sure o hindi mo tiyak ang tinatahak mong direksyon sa’yong buhay. Maaari ring hindi mo tiyak ang mithiin o layunin mo sa buhay kung tama ang iyong ginagawa o ito bang kasalukuyan mong buhay.

#ASO🐶

⚛️Kung tinatahulan o inaangilan ka ng aso sa iyong panaginip ito ay babala na maaaring may naiinggit sa iyong kaibigan o kaya naman’y may lihim kang makakaaway sa susunod na mga araw at palihim kang sisiraan.

#BEACH⛱🏝

⚛️naliligo sa beach at napakalinaw ng tubig” ay nangangahulugang “sa susunod na mga araw, magkakaroon ka ng isang masarap at masayang karanasan sa relasyong may kaugnayan sa pag-ibig, sa sex o kaya’y sa damdamin, na sobrang ikatutuwa ng kaluluwa mo at ng buo mong pagkatao.”

#WHITESANDsaBEACH🏖

⚛️“white sand”ang kulay na puti ay nagpapatiwatig ng “purity at  newness”. Ibig sabihin ang emosyon o ang masayang damdamin na iyong mararanasan sa susunod na mga araw ay “bagong-bagong experience lamang na maghahatid sa iyo sa isang masarap at walang kahulilip na kaligayahan.” 

#BAGYO💨⛈

⚛️Ang bagyo sa panaginip ay nagbabala ng malaking suliranin at mga hindi inaasahang balakid. Ito ay tanda rin ng pagsubok, pagkakasakit, hinanakit at galit.

#BUKANGLIWAYWAY🌅

⚛️Ang panaginip na pagbubukang liwayway ay nagpapahiwatig ng “rebirth, renewal, new beginning” at ito rin ay naghahayag ng “spring” o “tag-sibol”.

#UMAAKYATsaBUNDOK🧗🏾‍♂️

⚛️Kapag “umaayat sa bundok at ikaw ay nadadalian ito ay tanda na madali mong maabot o makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay, higit lalo kung sa iyong panaginip ay “nakarating ka sa tuktok ng bundok.”

#DRAGON🐲🐉

⚛️ang “dragon” naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng “isang kakaibang  animal creature” na kaya lumalabas sa ating panaginip ay dahil sa may binabantayang mahalagang bagay.

#KRUS✝️

⚛️Para sa mga sinaunang matatanda sinasabing “ang krus ay nangangahulugan ng kalbaryo, pasaki