Kahulugan Ng Panaginip Na Ikaw Ay Patay Na

1309

Nakakatakot man pero nakapanaginip ka na ba na ikaw ay patay na o isa na lamang kaluluwa sa iyong panaginip? Ito ay isang panaginip na hindi pangkaraniwan. Siguro ay pili lamang ang mga taong nananaginip ng ganito at karamihan sa kanila ay iyong mga tinatawag nating psychic. Sapagkat ang managinip na ikaw ay isa nang kaluluwa, ay nangangahulugan ng pagtuklas sa maraming bagay. Mula sa mundong iyong pinanggalingan hanggang sa kabilang dimensyon ng mundo. Kung ikaw ay patay na sa iyong panaginip ay makikita mo ang mga bagay na hindi mo nakikita noong ikaw ay buhay pa. Mararanasan mong maglagos sa pader, hindi makahawak ng kahit anong materyal na bagay, maging invisible sa mga buhay na tao sa iyong panaginip at makakakita ka rin ng mga kaluluwang tulad mo’y kasalukuyan pang gumagala. Hindi ito basta panaginip lang. May nais itong ipahiwatig sa iyong buhay.

Kung sa panaginip , bilang isa kang kaluluwa ay nakikita mo na nananangis ang iyong mga mahal sa buhay sa harap ng iyong labi, ang kahulugan nito ay isang mahalagang relasyon ang nakatakdang masira o magwakas. Maaaring relasyon sa pamilya, matalik na kaibigan o relasyong pampag-ibig. At sa problemang ito na kakaharapin ay wala kang magagawa.

Kung ang kaluluwa mo naman ay naglalayag , nagpupunta sa kung saan-saang lugar at nagpapatangay sa hangin papunta sa mas malawak na mundo ng kalawakan, ito ay nagpapahiwatig na maraming bagay kang kailangang ayusin sa iyong buhay. Kabilang na ang problema sa iyong pagkatao. Ang paraan mo ng pakikisalamuha, pakikisama at ang iyo mismong pananaw sa buhay.

Ang isa pang nais ipahiwatig nito sa’yo ay may kaugnayan sa natatago mong kakayahan bilang psychic. Kung hindi mo pa man ito alam sa totoong buhay, dapat mo itong tuklasin. Dapat mong bigyan ng atensyon ang iyong third eye na hindi mo pa nagagamit ni minsan. Kaya ka meron nito ay upang magamit mo sa iyong misyon. Napanaginipan mo ang sarili mo na patay na dahil hindi mo nagagamit ang iyong tunay na kakayahan. Kailangan mong makita sa panaginip ang kaugnayan mo sa mundo ng psychic.

1 COMMENT

  1. Good morning. I’m into real estate selling, and lately po is hindi maganda ang performance ko, di po ako nakakabenta. Last night nanaginip po ako about ballpen, and ang ballpen po sa amin is napakahalaga dahil, ito po ang ginagamit namis kapag pumipirma ng cotract ang mga client namin. Eto po ang panaginip ko, pumipirma daw ako sa isang form, at that time ang kasama ko po is a lady friend na very close po sa akin. Actually we are very close mukha na kaming magjowa. Bale ang nangyare sa ballpen is nagtae sya, black ballpen sya na nagtae habang sinusulat ko ung full name ko. Kaya ang ginawa ko is pinalitan ko ung ballpen ko and doon naputol ung dream ko. Thank you

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here