Kahulugan Ng Panaginip Na Ikaw Ay Nakabaon Sa Lupa

0
77

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Isipin mo pa lang ay siguradong gagapangan ka na ng kilabot kung ikaw ay nakabaon na sa lupa na tulad ng mga patay na nakalibing na subalit ang kaibahan lang, ikaw ay buhay pa. Nakakatakot na makita ang ganitong senaryo kahit sa imahinasyon mo lang. Yung wala kang ibang makikita kundi kadiliman, walang ibang maririnig kundi kaluskos ng mga insekto at higit sa lahat uni-unti kang kakapusin sa paghinga. May mga napanood na tayo sa pelikulang inilibing ng buhay. At natakot tayo para sa kanila, sa atin pa kayang sarili? Kung maranasan mo ito sa iyong panaginip, ano kaya ang mararamdaman mo? Siguradong may mensahe itong nais iparating sa’yo.

Ang managinip na ikaw ay nakabaon sa lupa ay hindi magandang senyales. Maaaring ikaw ay mapunta sa isang hindi magandang sitwasyon nang hindi mo namamalayan. May mga tao sa paligid mo ang nagnanais na trumaydor sa’yo at itulak ka sa kapahamakan. Ito ay nagpapahiwatig na malalagay ka sa isang hindi magandang senaryo ng buhay at mahihirapan ka na makaalis dito. Hindi mo ito makakayang masolusyunan na mag-isa. Kakailanganin mo ang tulong ng mga tao na tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa’yo. Pero hindi mo agad malalaman kung sinu-sino sila hangga’t hindi ka nalalagay sa alanganing sitwasyon ng iyong buhay.

Nangangahulugan din ito na ikaw ay dadaan sa butas ng karayom mahanap lamang ang solusyon sa iyong problema. Kaya’t kung napanaginipan mo na ito at ikaw ay humihingi ng tulong subalit walang lumalabas sa iyong bibig, kapag ikaw ay nagising dapat ka na agad kumilos at paghandaan ang pagdating ng mga araw. Matutong makiramdam sa mga tao sa paligid mo at huwag magpapadala sa matatamis na dila. Sikapin din na maiparamdam ang iyong pagmamahal sa mga taong nasa paligid mo nang sa gayon ay wala kang pagsisihan sa huli.Kung babalewalain mo ang ganitong uri ng panaginip, ito ay maaaring mangahulugan ng isang pagwawakas o kamatayan kung hindi ka mag-iingat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here