Kahulugan ng Panaginip 37

373

Cezz

In reply to Kenneth lim.

Maestro, magandang Araw po, may napanigipan po akong lalaki, At sa panaginip naun kinasal kame, but blur ang mukha nya, at d ko sya kilala, pati ang tinig nya, d pamiliar saakin, I don’t know who he is, but then ,simula,ng napaginipan ko sya, feeling ko laging may nanonood saakin kapag natutulog,gabi Gabi, kapag ipinikit ko ang mga mata ko, parang feeling ko may nakatingin saakin, feel Kong parang may umupo sa edege Kama ko, but everytime I turn around there nothing, can you help me figure this thing?anong ibigsabihin ng aking dream.?

  • Kapag ika’y nanaginip na kung saan ika’y ikinasal sa isang taong hindi mo kilala, ito ay nagpapahiwatig na maaaring ika’y naghahanap ng kalinga sa isang relasyon o kaya naman ay ang pagkasabik mong makaramdam muli ng kung paanong magkaroon muli ng kasintahan o karelasyon.
  • At ang dahilan naman sa kung bakit palagi mo nang naiisip ang taong nakita mo sa iyong panaginip ay dahil sa produkto ito n gating mapaglarong imahinasyon at magulong isipan, kaya naman kung patuloy mo itong iisipin ay hindi rin Malabo na mapanaginipan mo muli ang taong ito sa susunod na pagtulog mo.

See more

Mary Quioyo

good day po Maestro, Nanaginip po ako na ikakasal ako sa simbahan sa asawa ko(nagcivil wedding na po kami 12 years ago) mag entourage na lang po ako, pero biglang nawala amg suot kong sandals na silver then naghanap ako ng ibang sandals pero biglang nawawala, then may pulang sandals nasira, sabi ko sa panaginip ko magpapaa na lang ako pero may nagsabi na hindi pwede pero sabi ko okay lang pero biglang lumaki ang paa ko na parang paa ng mga duwende na may balahibo at hindi pa rin natuloy ang kasal pagkagising ko po ramdam na ramdam lalo na ng puso ko na gusto kong maglakad. Ano po kaya ang ibig ng panaginip ko?
Maestro, itago nio na lang po ako sa pangalang Diwatang Rosas. Maraming salamat po at God bless po..

  • Nagpapahiwatig ang panaginip mo ng mga pangyayari o sitwasyong madalas kang nagkakarroon ng self-doubt at second thoughts. Hindi ka ganoong ka-tiwala sa mga nararamdaman mo at madalas ka rin magdesisyon ng agad-agaran kaya kung minsan ay nagreresulta ito ng hindi maganda at panibagong problema.
  • Dapat rin ay isipin mo na may mga bagay na hindi mo maaaring gawin na lamang o ipilit lalo na kung alam mo o may nagpa-alam sa iyo na ito’y hindi maaari. Kung pakikinggan mo ang sasabihin ng iba ay tiyak na magiging maayos ang buhay mo.

See more

Leah Mogar

Magandang umaga po.may tanung lang po ako Kasi nanaginip po Kasi ako nAng aha’s tpos lumipas lng po nAng two days nag katotoo po Kung ano po Ang pang yayari s panaginip ko ganun n ganun din po .ano po b ibig sbihin po nAng panaginip ko.maraming salamat po

  • Marami na ang nagsabi na ang pagkakaroon ng panaginip na makatotohanan ay maaaring senyales ng maaaring mangyari sa totoong buhay, kung tawagin pa nga ito ng iba ay de javu, kung saan ay nakita mo na ang pangyayaring iyon at nakita mo uli sa pangalawang pagkakataon.
  • Maraming nais na ipakahulugan ang pananaginip ng tungkol sa ahas, maaaring ito ay suwerte o malas, pero lahat ng ito ay nakadepende sa kung anong mga detalye at impormasyon ang nasa panaginip mo.

See more

Viv

Good morning maesto. Sa akin pong mga nakalipas na panaginip nakikita ko lamang ang mga ahas. Pero nitong huli po natuklaw po ako ng ahas sa leeg. Gusto ko pong malaman kung ano ang kahulugan nito. Inaasahan ko po ang inyong kasagutan. Salamat po maestro.

  • Kapag ikaw ay nagkaroon ng panainip kung saan ang ahas ay tinuklaw o kinagat ang leeg mo, ito ay kadalasang nagpapahiwatig ng inis at galit sa pagitan ng iyong pag-iisip at emosyon. Tulad na lamang ng hindi pagkakasundo ng mga bagay na naiisip o ninanais mong gawin at mga bagay na ginagawa mo kahit hindi mo gusto.
  • Ito rin ay nagpapahiwatig ng mga pigil na emosyon o damdamin na nagdudulot ng anxiety o depression sa iyo. Maaaring pilit mong kinikimkim o tinatago ang mga nararamdaman mo dahil ayaw mong makasakit rin ng damdamin ng iba.

See more

Majesty

Magandang umaga po maestro. Alam ko pong masyado pang maaga para magtanong ng ganito. Masyado po kasi akong nababahala at umiyak pa po ako ng dahil sa panaginip ko. Napanaginipan ko po ang aking nakakababatang kapatid na babae na nakuha raw po ng van. Halos mabaliw na raw po ako sa panaginip ko. Medyo magulo po ang panaginip ko dahil ang kumuha raw po sa kapatid ay van na mismong nangunguha ng bata na kinikuha yung mga lamang loob pero humihingi raw po ng ransom ng 3,600 tapos pina-track ko raw po yung number na tumawag sa amin. 5k daw po ang bayad ko sa pagtatruck ng number tapos natrack po yung number ay sa Sta. Rosa. Tapos bigla na lang pong napasama ang actress na si Julia Baretto, nakuha rin daw po van at halos wala na raw pong laman loob. Grabe po talaga ang iyak ko pagkagising. Ano po kaya ang ibig sabihin nito? May ibig sabihin po ba o baka naga-overthink lang po ako dahil napapanahon s’yang issue ngayon kaya ko napanaginipan. Sana po ay mabasa at masagot n’yo ang aking katanungan. Masyado po kasi akong nababahala. Salamat po.

  • Bagama’t tila nakakapangilabot at nakapng-aalala ang panaginip mo, ito’y panaginip mo lamang at iyong tandaan na walang katapusan ang imahinasyon ng tao kahit sa pagtulog, malawak ang ating mga pag-iisip. At dahil sa tila sobra sobra at halo halo na ang mga nangyayari at trending na issue, kakaisip at kakasawsaw ng tao sa mga usaping ito, hindi nga malabo na mapasama ito sa panaginip. Kung madalas mong maisip ang isang tao o isang sitwasyon, talagang madadala mo ito kahit sa panaginip mo.
  • Isa pang maaaring dahilan kung bakit ka nagkaroon ng ganitong mga panaginip ay dahil sa maaaring ang anxiety o sobrang takot at pagkabalisa mo sa mga eksenang gaya ng pangdudukot ng van ang nagtrigger ng takot mo kung kaya’t lagi mo itong naiisip at napapanaginipan.

See more

Bong

Nanaginip po ako na kinagat sa braso ang anak ko at may dugo…ano po ba ang numero ng panaginip ko?

  • Kung sa iyong panaginip ay kinagat ng ahas sa braso ang anak mo, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng nararamdaman mong hirap sa pag-aadjust sa isang senaryo. Maaaring ito ay patungkol sa personal mong problema, at ito rin ay representasyon ng matinding kawalan mo ng kakomportablehan dahil pinipilit mo na lamang ang sarili mo na kumapit kahit tila ika’y nahihirapan na at nakararamdam ng sakit.

See more

Mery

Dear maestro naginip ko na ikinasal kapatid ko tpos maganda ang view daw dagat tpos my bundok. Parang beach wedding ang handaan nila. Tpos ko daw ang nag hhnap ng mgandang ng view ng picture nila kita ang dagat at bukid na my isla. Thnk u vry much.

  • Ang pagkakaroon ng panaginip kung saan ikakasal o ikinakasal ang kapatid mong babae ay nagpapahiwatig ng magandang simula sa iyong relationship. Kung sa panaginip mo ikaw ay present sa kasal ng kapatid mo, ito rin ay maaring nangangahulugan ng pagiging handa mo sa kung sinuman ang handing bumuo ng relasyon kasama mo.

See more

Sheen

Goodmorning po, gusto ko lang pong malaman kung anong pong ibigsabihin ng panaginip ko kanina lang po ito, napanaginipan kopo kase na kasama ko yung mga kaibigan ko sa isang handaan tapos mo maya maya may dumating na lalaki tas sobrang saya ng mga kaibigan ko nung time nayun dahil may dalang kahon ng singsing yung lalaki, sa panaginip ko nag yes ako sa proposal nya kaso square yung singsing tapos po nun biglang sumulpot ex ko, tas parang winiwin back nya po ako, tapos bago po ako magising niyakap ko daw po yung ex ko tas sabi ko po ‘bakit kase ang tagal mo’

  • Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng paghahanap mo ng closure sa isang sitwasyong nais mo ng kalimutan, gayun na rin sa paghahanap mo ng balance na syang representasyon ng square na singsing. Maaaring magulo ang isipan mo sapagkat hindi mo alam ang mga bagay na sisimulan mo. Hindi ka pa ganoong katiwala sa nararamdaman mo dahil pabago-bago ito at hindi pa balanse.
  • Representasyon rin ito ng pag-aksyon mo sa mga bagay na gaya na lamang sa pagdedesisyon at pag sagot sa mga katanungan na dapat ay pinag-iisipan.

See more

 Alawi

Ma nanaginip po aq may isang lalaki ksma si jc pa tawid sila pero si jc na hagip ng bus kc pg stop nila dretso lakad parin si jc tpos ang alam q prang patay na sila tpos nkita q sila s pic or nakuhanan tpos bigla aq na takot kc fellng q nag paparamdam sila sa akin… may ibig sbhn po ba yan oh wla nmn prang may dugo ung mata ung nkita q sa pic dko matandaan kng si jc ba un oh ung kakilala q oh same sila meron dugo sa mata sa pic tpos paulit ulit kng nkikita sa vidrkng paano nasagsaan si jc sa panaginip q po

  • Maaaring nagpapahiwatig ang panaginip mo ng sobrang takot at pag-aalala para sa isang tao na malapit sa buhay mo. Mapaglaro ang ating imahinasyon at malawak rin ito. Kung minsan ay dahil sa iniisip natin ng sobra ang isang bagay na nadadala na ito hanggang sa panaginip.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here