Kahulugan ng Panaginip #36

276

Aimee filipinas

Hello P.O. ano P.O. kaya ibig sabihin ng panaginip ko na nakasakay ang pamilya ko at ako sa bangka tapos sumabay sa agos nakarating ng maayos sa paruruonan ano po kaya ibig sabihin nyan?

  • Kahit sino pa man ang kasama mo sa Bangka sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig ng magandang pangitain. Kung ikaw ay nanaginip na nasa Bangka ay nagpaparating ito na kung anumang problema ang iyong kaharapin ay matagumpay mo itong malalagpasan at matatapos.
  • At dahil sa iyong panaginip ay kasama mo ang iyong pamilya, ibig-sabihin ay sa probleamang pinagdaraanan ninyo o sa sitwasyong nahihirapan kayo ay malalagpasan niyo rin ito kahit mukang imposible ito dahil parang walang solusyon o dahil hindi kalmado ang alon ng tubig sa dinaraanan ninyo, ngunit ito’y magiging maayos din.

See more

Lenlen

Hi po. Paki interpret naman ng panaginip ko. Namasyal daw kami ng pamilya ko sa tagaytay. Pagdating don bigla nalang pumasok sa eksena ang dalawa kong kaibigan. Lumabas daw kami sa cafe na pinasukan bamin at doon nag picture taking kami ng 2 kong kaibigan. Pagtingin ko sa langit, sobrang laking buwan ang nakita ko, as in sobrang liwanag at laki na parang kaya ko nang maabot. Manghang mangha raw ako at gulat na gulat at sinabi ko pa sa kaibigan ko at tinuro tumingin din siya pero pinagsawalang bahala lang niya at magpicture na raw kami. Nang pipicturan ko na silang dalawa, bigla kong na-realize na nasa ibang bansa na nga pala ang isa sa kaibigan na kasama namin, nang tingan namin ang kaibigan namin na yun naging masama ang tingin niya, nanlilisik ang matang nakatingin sa amin. Bigla ko nalang naisip na baka patay na ang kaibigan namin at kaluluwa nalang ang kasama namin. At nagising na po ako. Sorry po, mejo magulo pagkakakwento ko.

  • Ang panaginip mo ay nagpapahiwatig ng looming o paglubog ng mga ala-ala o damdaming hindi mo na nais pa na manatili sa iyo, mga ala-alang pinalalaya mo na. Sa kabuuan rin, ito ay nagrerepresenta ng pagpapatibay mo sa iyong sarili at pagpapatatag ng iyong pagkatao. Ang pananaginip ng tungkol sa malaki at maliwanag na buwan ay simbulo ng pagkamalikhain at mga bagong simula, ideya, at gayun na rin sa mga romantikong damdamin.

See more

Catherine V Suatengco

Dear Maestro,
Una sa lahat mapagpalang araw po sa inyo! Gusto ko lang po malaman kung ano po ang kahulugan ng aking panaginip noon na ako daw po ay lumilipad bumababa lumilipad ulit at bumababa ulit at hanggang sa tuluyan na daw po akong nakalipad, sa ngayon po ay medyo kapos kami sa buhay, lima po ang aming anak 4 na lalaki at 1 babae bunso po ang aking babae at ang pangalawang anak ko po ay special child gustong gusto ko pong mabigyan sila ng masaganang buhay, mabait at masipag po ang aking asawa ngunit hindi po sapat ang kinikita nya sa aming pangangailangan…. Maraming salamat po sa inyong pag tugon

Lubos na gumagalang,
Cathy

  • Ang pananaginip ng tungkol sa paglipad ay nagpapahiwatig damdamin mo sa tunay na buhay o sa iyong katawang lupa. Ito ay representasyon ng pagnanais mo na makaramdam ng kalayaang magpahayag ng damdamin. Ang pananaginip ng paglipad ay kadalasang nagpapahiwatig na wala kang control sa buhay mo o sa kung paano mo ito pinapatakbo.
  • Maaaring ang iyong dahilan rito ay ayaw mong ma-disappoint ang mga taong nagsasabi sayo ng iyong dapat gawin at masyado ka ring naaapektuhan sa kanilang mga opinion. Samantala, kung tingin mo’y hindi ito akma sa iyong buhay sa kasulukuyan, maaari rin na ang iyong panaginip ay representasyon ng matataas mong panagarap at pag-adjust ng iba mong plano at goals para sa ikaaayos ng takbo ng buhay mo.

See more

Mary Ron Boydon

Magandang gabi po.. nanaginip po aq na may isang puting tila ulap na hugis tao ang gusto kumuha sa bunso kong anak.. at nakikipag agawan aq sa knya habang nagdasal ng apostles creed.. tpos bago aq matulog knina ay nagpaalam aq sa nanay q na liliipat na kami ng bahay at nkapg down payment n po aq sa rerentahan namin n bahay pro ayaw sumang ayon ng bunsong anak q st gusto niya ay manatili lng kami sa poder ng nanay q.. ano po kaya ang nais ipahiwatig ng aking panaginip

  • Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa ulap o clouds ay nagpapahiwatig ng sobrang pagnanais o paghiling mo sa isang sitwasyon na matupad o mangyari. Ito’y representasyon ng mga hiling mo sa iyong buhay.
  • Bukod pa rito, indikasyon rin ang iyong panaginip ng mga malalim at maraming takot mo para sa isang tao, gayun na din ang madalas mong pagkabalisa. Ngunit kung mas matimbang ang mga hiling o dasal mo sa iyong kasulukuyang buhay, representasyon ito ng iyong mataas na paniniwala na matutupad ang mga hiling mo.

See more

Marie

Hello po nanaginip po ako na nakasay ako sa barko paatras yong barko at nabangga sa pier at tumilapon ako at sa panaginip ko patay po ako… Plss pa help po…

  • Ang pananaginip ng tungkol sa nabanggang ship o barko ay representasyon ng iyong malalim na takot at pagkabalisa mo sa mga bagay na sinusubukan mong maasam. Nakakaramdam ka ng takot na bumagsak at hindi na sumubok ulit. At ayon sa iyo, ikaw ay patay sa panaginip mo, at ito ay repleksyon ng iyong sarili, repleksyon ng tuluyang paglubog ng pag-asa mo o kawalan mo ng motibasyong sumubok ng sumubok para matuto at magtagumpay, hind mo dapat itong sanayin. Marami kang pagkakataon na masasayang kung patuloy kang matatakot na sumubok tuwing ika’y madadapa.

See more

Melinda Damasin

hi good day ask lang pi kng ano ibig sabihin na nanaginip daw ng nanay ko na mag aasawa na dw ako pati best friend sabi nya skin. nanaginip sya ganun din nag aasaqa na ra ako ano kaya ang ibig sabihin noon?

  • Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa pag-aasawa ay nagpapahiwatig ng kahandaang tumanggap ng mga panibagong mga obligasyon at responsibilidad na hindi mo pa kailanman naranasan o nasaksihan sa iba. Kung ang iyong ina ang nakaranas ng panginip na ito, representasyon ito ng pagtingin niya sa kakayahan mo, maaaring nararamdaman o nakikita niya na ikaw ay handa na sa mga responsibilidad at obligasyong maiiwan at iaatas sa iyo.

See more

George Atienza

Good day po maestro… Ako po si George ng Laguna… Itatanong ko lang po nanaginip ako ng dumi ng tao hawak ko pero ang kakaiba meron mga kumikinang na parang diamond bilog at malaki. .. Hwak ko pero di ko alam kung bakit at nagtataka ako na nakatayo hanggang sa nagising ako.. Ano po ibig sabihin nun… Salamat po

  • Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng pagiging matiyaga at hindi mo mapanghusga. Kumbaga you don’t judge the book by its cover, ika nga nila. Hindi ka basta basta na nagpapabaya o nagpapaniwala sa sinasabi o opinion ng isang tao tungkol sa isang bagay, sitwasyon o tao, at bago ka sumang-ayon sa kanila, sinusuri mo muna ito at sinisiguradong nauunawaan at nakikilala mo ang tao o bagay na dumaraan sa iyo.

See more

barbie

In reply to Cherry amor Calderon.

di ko alam kaninong bahay yun tas andon si mama sa sala nagluluto tas ako nasa taas pagdungaw ko sa bintana may lumilipad na malaking ahas papalapit sakin edi ako tumakbo pababa tas sinagaw ko kay mama may ahas pero si mama naabutan siya ng ahas tas nasa katawan na niya pero naalis naman niya kalaunan tas tumakbo kami palabas papunta sa bahay namin tatawid lang tas yun edi wala na ahas. pagpasok sa bahay namin maya maya bigla dumating tita ko tas nung nakaupo na sila sa sofa sina mama mama, tita tsaka pamangkin ko nakaupo nagkwekwentuhan bigla pumasok yung flying ahas eh ako nasa hagdanan nakadungaw tas yun nga sumigaw si mama ginawa nila mama kunwari tulog tulugan nakapikit habang pumapalibot sa katawan nila isa isa ang ahas kasi pag gumalaw sila tutuklawin sila syempre edi ako nakita na ako ng ahas lumipad siya papunta sakin edi ako akyat agad pa kwarto ng papa ko tas sinasara ko pinto kasi bumubukas siya tas parang nag ibang anyo yung ahas na babaeng umiiyak parang cinoconvince ako na buksan ganyan pero ako di pa rin nagpainag tas andon pala si ama ko natutulog di ko na alam kung pati ako natulog or magdamag ko lang sinasara pinto hanggang mawala yung ahas. tas ayun nga nawala na yung ahas tas umalis daw ako gabi non may bibilhin daw ako tas ang weird nga eh kasi may dala ako bike pero di ako sumakay papunta don sa bilihan pero ambilis ko nakarating don tas uwi. kabado ako papauwi baka bigla ko daw makita yung flying ahas pero nakauwi ako wala na talaga then tsaka ako nagising.

  • Ang pananaginip ng tungkol sa ahas ay may negatibong representasyon dahil ito ay madalas na sumisimbulo sa betrayal o kataksilan. Posibleng sa sitwasyon ng buhay ninyo ngayon ay nagkakaproblema kayo sa tiwala tungkol sa isang taong malapit sa inyo o kahit kakikilala ninyo pa lamang. Senyales ito ng trouble o gulo. Maaari rin na may kinatatakutan ka sa iyong buhay na katawan, posibleng ito’y sitwasyong iniiwasan mo, mga taong ayaw mong makasalamuha at iba pa na angdudulot ng pagkabalisa sayo o pagkagulo ng tiwala mo.
  • Samantala, kung ang ilang bahagi ng panaginip mo ay mayroong lumilipad na ahas, ito ay representasyon ng magulong pangyayari sa buhay mo at wala kanga lam sa kungoaano, bakit at kalian ito nagsimula, maaaring ito ay problemang nadamay ka lamang o napag-initan.

See more

Michael

Hi good evening po ,na naginip po ako ng higaan ng sanggol ung gawa po sa ratan or kawayan, nakatali at nakasabit ito sa kahoy, at ginawang pang duyan o higaan ng sanggol at may mga laman na damit ng pang sanggol at may mga lampin, kumot na pink pang sanggol,at may hood dn na pang sanggol at alam ko po wala pa po ako anak khit sa panaginip at dalaga pa ako 21 plang ako,pero nag tataka po ako bakit may nakita po ako mga gamit ng sagol ,pero wala nmn po baby naka higaan or wala sanggol sa panaginip ko kundi gamit lang ng bagong silang na sanggol or pag hahanda sa bagong silang na baby

  • Ang iyong panaginip ay repleksyon ng paparating na mga responsibilidad at obligasyon na bago sa iyo, representasyon rin ito ng pagiging inosente mo sa mga bagay na may kinalaman sa pagbubuo ng pamilya o relasyon at pahiwatig ito na kinakailangan mo na magkaroon ng kaalaman tungkol rito kahit sa pakikinig sa mga nakatatanda tungkol rito ay gayun na din sa pag-angkop sa mga oportunidad na magbibigay sa iyo ng kaalaman at karanasan.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here