Kahulugan ng Panaginip 35

254

Rudelyn

Good morning po gusto ko lang po sanang itanong. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko ngayon lang po pag gising around 5:34 ng umga, nanaginip po ako na nakita ako ng ahas diko po matandaan kung malaki o maliit . Pero sa pagka tanda ko,. Bigla na lang siya lumitaw at tinuklaw niya ako sa kaliwang ko pero hindi malalim, mababaw ang butas at hindi siya nag dugo.

  • Maraming kahulugan ang ahas sa panaginip na nakadepende sa kung anong detalye o kung sinong mga tao ang nasa panaginip. Kapag ikaw raw ay nanaginip nang kung saan ay tinuklaw o kinagat ka ng ahas, ito ay kadalasang sumisimbulo sa mga takot mo sa buhay. Maaaring it rin ay sumisimbulo sa takot sayo ng isang tao o takot na nararamdaman mo sa isang bagay o pangyayari na iniiwasan mo sa iyong buhay.
  • Madalas rin na ang ipinahihiwatig nito ay ang emosyon na pagkabigla at hinanakit, na kung saan ay iyan rin ang nararamdaman mo kapag kinagat o tinuklaw ka ng ahas sa iyong panaginip.

See more

Jab

Dear maestro, sana po masagot ninyo ang ibig sabihin ng aking panaginip..

Nanaginip po aq na may tumutulong pulot pukyutan po sa aming kisame, wala nman po aqng nakitang bee.. Sinahod q po ito, tapos ng aking kapatid, ngayun po nang ang nanay kuna ang sasahod bigla nalang po itong nawala..

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng kung anong ibig ipahiwatig ng aking panaginip.

Salamat po!

  • Ang pulot-pukyutan sa panaginip ay simbulo ng tuloy-tuloy na pagtaas ng income o pumapasok na pera sa bahay o tahanan mo. Samantala kapag naman ika’y nakakita ng mga bubuyog na pumapalibot sa pulot-pukyutan, ito ay sign ng nararamdaman mong happiness sa kasulukuyang relasyon mo, at swerte sa iyong negosyo.
  • Isa pang interpretasyon sa pananaginip ng tungkol sa pulot-pukyutan, ito ay nagpaparating ng mensahe na kapag nagtuloy-tuloy ang pagiging mapag-pasensya at matiyaga mo sa kasulukuyang tinatrabaho mo, magdadala ito ng magandang business, karangyaan, at magandang gana o kita.

See more

Jennifer becerro awitan

Dear Maestro,

Magandang umaga po sa inyo, gusto ko po sanang e share at malaman din ang panig niyo tungkol d2 sa panqginip ko,

Nanaginip po ako ng ahas, isang malaki pero maliit na ahas, ang ahas po ay pumasok sa bahay namin, nahuli ko po ito nahawakan sa ulo at napatay kc nadurog ko ang ulo nito, ngunit, datapwat, subalit, ako po ay natuklaw nito. Ano po ba ang ibig sabihin nito? Sana po ay mapansin mo e2ng comments ko po, maraming salamat po.

  • Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng katapangan mo at takot sa mga problemang hindi mo kontrolado. Sa ating buhay ay marami tayong sitwasyon na hindi natin kayang dalahin o kontrolin, kaya naman ang nagiging opsyon ay ang harapin ito ng buong tapang ngunit kahit na ganoon ay hindi rin maikakaila ang takot na hindi mawawala.
  • Kapag ikaw ay nanaginip ng ahas kung saan iak’y tinuklaw o nakagat nito, ipinahihiawatig rin nito ang mga emosyon mong hindi mo kayang ihayag sa ibang tao, mga emosyong nakakubli o nakatago sa iyo, at ito’y mailalabas mo lamang tuwing ika’y nasasaktan o nahihirapan.

See more

Rudelyn

In reply to sophia.

Good morning po gusto ko lang po sanang itanong. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko ngayon lang po pag gising around 5:34 ng umga, nanaginip po ako na nakita ako ng ahas diko po matandaan kung malaki o maliit . Pero sa pagka tanda ko,. Bigla na lang siya lumitaw at tinuklaw niya ako sa kaliwang ko pero hindi malalim, mababaw ang butas at hindi siya nag dugo.

  • Gaya ng interpretasyon sa mga naunang panaginip, bagama’t iba iba ang detalye at impormasyon tungkol sa panaginip, iisa lamang ang tila nais nitong iparating. Maaari ring may koneksyon ang iyong panaginip sa mga kasulukuyang nangyayari sa iyong buhay. Kung sa sitwasyon mo ay tila puro probleama ang naririnig mo at tila puro takot na lamang ang iyong nadarama, at ito na lamang ang laman ng isip mo kaya nagiging resulta ay napapasama na rin ito sa iyong panaginip.
  • Kung ikaw ay nanaginip ng kung saan ika’y tinuklaw ng ahas, resembalance ito ng mga emosyon mong pinangungunahan ng takot at pag-aalala.

See more

Benjoe

Napanaginpan ko po ang Na Isang Gabi Ay Gusto Kong Umalis Dahil May Lakad kami ng mga Kaibigan ko
Pero habang Palayo na kami sa bahay
Bigla pong may Humahatak Sakin sa kanang Braso ko
Pabalik. Alam ko patay Na ang Nanay ko Noon
Kaya ang Sabi Ko Mommy Aalis Ako.
Sabay Lakad uli Tapos Bigla na naman Akong Hinatak pabalik At mas Malakas na Paghatak sakin pabalik na halos Umangat ang Paa ko 3 metro ang layo.
Kaya Dali dali akong Tumakbo palayo.
Pag akyat namin sa Isang Bahay
Nakita ko ang Tiyuhin ko na Patay Na Rin.
Ngunit buhay pa sya Sa Panaginip ko at Isang Paa palang ang Putol sa Kanya.
Namatay Kasi Syang dalawang paa ang Pinutol sa Kanya.
Nung Iniakyat yung Kabaong sa Bahay.
Kabaong pala ng mommy ko yun.
Nagulat ako kasi Cremate po Sya.
Nung Binuksan Yung Kabaong.
Buong Buo po Yung Mommy ko.
At nakadilat ang mata na parang Kakaiyak lamang.
As In Buhay Na Buhay Sinabihan Pa ako na Yung Gamit mo.
Nung narinig ko syang Nagsalita.
Umiiyak na ako ng Umiiyak Hanggang Sa Magising Na ako.

Sana Po Malaman ako Ang Kahulugan Nito.
Maraming Salamat ba po

  • Bagama’t tila nakapangingilabot ang pangyayari sa iyong panaginip,nais lamang nitong iparating na kinakailangan mong tanggalin ang takot at mga isipin sa buhay mo upang makamove-on ka sa isang pangyayaring ninanais mong lisanin.
  • Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa putol na paa o broken leg ay nagpapahiwatig ng putol putol na development o progress sa buhay mo. Ang binti o paa ay representasyon ng abilidad natin para makalakad o kumilos, kaya’t kung sa iyong panaginip ay putol ito nagpapahiwatig lamang ito na kinakailangan mong alisin ang bagay na sa tingin mo ay dahilan kung bakit hindi ka makamove-oon or move forward.

See more

Adona almaden

Hello po maestro, nawa po mabasa nyo itong naanaginipan ko noong nkaraang araw lamang… Ako po nanaginip ng tae ng tao at ako diring diri, ako po sana ay tatae kaya lang pag bukas ko po ng unang kubeta merong tae at ang haba lumutang sa inidoro dahil barado ang inidoro, sa pangalawAng kubeta nman po at ganun din pareho lang ng unang kubeta nakalutang din, sa panangatlong kubeta nman po at wala kaya doon ako tatae kaya lang hindi rin ako maka tae gawa ng naaaala ko pa ang una at pangalawang kubeta at naaamoy ko pa. Pag katapos po noon napanaginipan ko ang nanay ko at hindi ko po alam bakit sa panaginip ko ay napunta ako sa tubig ilog at meron doon bato na swerte, ang tawag pa nga po sa bato na yon ay bato balani. Ano pong ibig sabihin ng panaginip ko, tawagin nyo nyo na lamang po ako c heart from gunma japan…

  • Common naman ang pananaginip kung saan ika’y nakakita ng dumi o tae sa toilet bowl o inidoro. Bagama’t kung iisipin, tila ba ito’y may kawirduhan at parang nakakadiri, iba naman ang nais nitong iparating sa iyong bukas na diwa. Ang pagkakaroon raw ng panaginip kung saan nakakakita ka ng dumi sa inidoro o toilet bowl ay nagpapahiwaatig na ang iyong ego o pagkatao ay nasusubok.
  • Ipinararating rin nito sa iyo kung gaano mo ka-kayang makontrol ang emosyon at mga damdamin mo. Samantala, ang pananaginip ng tungkol sa ilog naman ay simbulo ng mga problemang kinakaarap mo. Maaaring ang koneksyon ng dalawa ay pumapagitna sa damdamin mo at kung papaano mo nagagawang lagpasan ang mga sitwasyong hindi mo inaasahang masusubok ang pasensya’t pang-unawa mo.

See more

Roberto

dalawang bungkos ng susi,
may baha na madumi ang tubig at sa kabila nito ay kotseng binigay sakin sa mababang halaga at hulugan na medyo napapawi na ang pinturang asul koteng honda na me emblem na 170 o 160. may hawak akong hose na panlinis ko a.y tubig na malinaw na syang pinang huhugas ko sa mga kalat at putik na sanhi ng baha..mahigit dalwang taon na akong nag luluksa sa dami ng problema na lalong dumadami…….

  • May kaguluhan ang pagbibigay mo ng detalye tungkol sa iyong panaginip, importanteng may malinaw na pagpapaliwanag tungkol sa iyong panaginip upang amin itong mainterpreta ng maayos.Gayumpaman, mahihinuha sa iyong panaginip ang iilang bagay na nais nitong iparating sa iyo.
  • Ang pagkakaroon raw ng panaginip tungkol sa bungkos ng susi ay nagpapahiwatig ng ilang pagkakamaling desisyon o hakbang na hindi mo masyadong binigyang pansin. Maaaring ito rin ay simbulo ng mga oportunidad na hindi mo siguradong matutugunan dahil sa iyong pagdadalawang isip at pag-aalinlangan. Samantala, kapag naman ikaw ay nanaginip ng tungkol sa bungkos ng susi ng kotse o sasakyan, nagpapahiwatig raw ito ng pagkatakot mo sa muling pagsisimula sapagka’t hindi ka sigurado sa iyong patutunguhan o gustong destinasyon.

See more

Nabu

Nanagjnip po ako ng ako.raw ay pumunta sa isang ospital tapos paglabas ko po wala n po yung.tsenilas ko,nagtanong po sa.mga nakaduty ron ang sabi sakin hindi nila alam at ojt lang daw cla dun,sabi ko bkit.ganun,nkktatlong beses ng ganun lagi akong nwawalan,taz nakita ko yung kapatid ko na nplanong dumumi malapit sa.garahehan ng sasakyan..mejo.madilim.dun..naiisip ko.baka.makita sia sa.cctv
Ano.po.kya ibig sabihin nito?

  • Ang pananaginip ng tungkol sa nawawalang tsinelas ay nagpapahiwatig ng negatibong simbulo. Ito’y naghahayag ng pagkadismaya at pagkabalisang pakiramdam o karanasan mo. Sa ilang pagkakataon, ito rin ay nagpapahiwatig ng betrayal o kataksilang ginawa sa iyo. Samantala ang pananaginip naman tungkol sa ninakaw na pares ng tsinelas sa iyo ay kadalasang nag-iindika ng kawalan mo ng komportableng pamumuhay at mga pangangailangang hirap mong matustusan.
  • Tungkol naman sa ibang bahagi ng panaginip mo kung saan nakita mo ang kapatid mong dumudumi ay nangangahulugan ng sitwasyong ayaw mong tagalan dahil sa pagod na nararanasan mo.

See more

mercedes flores

hello..nanaginip po ung kaibigan ko nakita nya asawa nya umiiyak at nghuhukay ng lupa tapos may mga nkakalat na mga buto ng patay na aso ano po kaya ibig sabihin ng knyang panaginip

  • Ang pananaginip tungkol sa paghuhukay ay nagpapahiwatig ng mas malawakang pagdevelop sa sarili at mas malalim na pag-unawa sa mga bagay at realidad ng buhay. Pagtanggap at pagharap sa hamon ng buhay. Samantala ang pananginip naman ng tungkol sa paghuhukay ng lilibingan ay nagpaparating ng anxiety o pagkabalisa na napapadalas mapanasin ng ibang tao tungkol sa iyo.

See more

Nharie29

2 beses ba po akong nanaginip na binaril ako..unang panaginip ko my lalakeng tinutukan ako ng baril..hindi ko makita ang muka nya pero pakiramdam ko kilala ko siya kaya hinamon ko pa daw na barilin ako kasi alam kong hindi nya gagawin..hanggang sa barilin nya ko sa dibdib ng 3 beses at 5 sa tiyan..naramdaman ko sa panaginip ko yung pakiramdam na nabaril..tapos yung partner ko nasa tabi ko daw natutulog nag kiss pa ako at nagpaalam sa kanya..ayun po nagising na ako.. 2nd na panaginip ko kagabi lang po my lalaki ulit na bumaril sa akin isa sa harapan ko bandang right kidney at sa likod sa left kidney..ang weird po kasi sabi wag daw ako magpapadala sa ospital hintayin ko lang daw mamatay ako which is parang hindi naman ngyayari..ang sabi lang pag napadala ako sa ospital babarilin lang ulit ako kaya ng decide na ako pumunta sa mga magulang ko na nasa bundok para magpaalam ba mamatay na ako..at hindi titigil yung tao na un para patayin ako..pero wala po sa bundok ang magulang ko..nanay na lang po ang meron ako..kakamatay lng ng tatay ko..ano po kaya ibig sabihin nun? nakakatakot kasi..salamat po..

  • Maayos ang pagkakadetalye mo sa iyong panaginip bagama’t ito’y paulit-ulit mong napapangininipan, iisa lamang ang pinupunto ng iyong panaginip. Ayon sa mga interpretasyon tungkol sa panaginip, kung ikaw ay nabaril sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig ng pakikipaglaban mo sa hirap ng buhay upang makasurvive.
  • Sa ibang pagkakataon, kung sa iyong panaginip ay akita mo mismong ikaw ay nabaril, ito raw ay simbulko ng pagharap mo sa problemang personal o pansarili gaya ng sexual problems o relasyon mo sa ibang tao. Kung sa panaginip mo ay namatay ka matapos kang barilin, ito naman ay senyales an malubha kang naapektuhan sa kung ano ang tingin at sinasabi sa tungkol sa iyo ng ibang tao.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here