Kahulugan ng Panaginip 30

205

Mary Joy Malong

Magandang Araw sa iyo admin.

Nanaginip po aku kaninang madaling araw bali dalawang panaginip po.Hindi ko lng matandaan ang insaktong oras.

1)nanaginip po aku na,tumatae daw aku pero lumabas aku para makapaghugas na ng puwet,pero nagulat aku bat may tae yung brown ko na panty,tsak likod ng damit ku may tae din,kaya nilabahan ko nlng yung panty ko,tpos bigla nlng aku ngising kasi naiihi aku.Pagka tulog ku nanaginip na nman aku.

2)Nanaginip aku na bumabyahe daw kami pero sa panaginip kilala ku yung mga kasama ku(d ko kilala in real life)tapos naghanap daw aku ng CR,d ko alam kung bakit basta nung nasa CR na aku,feel ku na sobra yung lUngkot ku,naiiyak na daw aku until namalayan ko nalang na pinuputolan ku ang sarili kong buhok habang umiiyak,putol as in napakaiksi halos kalbuhin ko nalang buhok ku,nataohan nlang aku kasi may kumakatok sa pintuan,tinawag yung pangalan ko sabi nya ano daw ginagawa ko bat ang tagal kp,tsaka ko namalayan na naubos na yung buhok ku nakakapputol ku,tpos hindi pa pantay,bali yung iba iksi masyado yung iba d naman,tapos nahihiya na raw akung lumabas,ano po kahulugan ng panaginip ko?tq po min.

– Narito ang aming naunawaan na nais ipahiwatig ng iyong panaginip, kapag ikaw ay nanaginip ng dumi sa iyong pambabang kasuotan at ito’y nagkalat, nagsasaad ito ng suwerte na parating ngunit kung ito’y iyong hinugasan sa iyong panaginip ay posibleng nagpaparating ito ng iniwasan mong swerte. Samantala, kung ikaw naman ay nanaginip na naiihi ka sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig ito ng pag-iwas mong pigilin ang iyong damdamin sa isang bagay o sitwasyong alam mong hindi mo kontrolado.

– Habang ang sumunod mo namang panginip ay nagsasaad ng pagiging depressed o sobrang pagod mo sa mga nangyayari sa paligid mo. Maaaring sa sitwasyon ng buhay mo ngayon ay tila nawawalan ka na ng pag-asa na magpatuloy at magtagumpay dahil pakiramdam mo ay nag-iisa ka.
See more

Maha

Good evening tawagan nyo na labg po ako sa pangalang mah ako poy nanaginip na pugot daw aking uli sa salamin sabi po nila masama po daw yan.ano po bamg pwding gawin.pls po paki tulongan .natatakot po kasi ako kasi nasa ibang bansa po ako

Bagama’t hindi ganoong kaseryoso o nakakatakot ang interpretasyon ng ganyang mga panaginip, hindi rin naman ganoong kaganda ang ipinararating nito. Kung ikaw ay nanaginip na putol ang iyong ulo, nagpapahiwatig ito ng pagkatalo sa isang sitwasyon, depende sa mga detalye. Maaaring ang eksena ay pagkatalo sa isang laro, argumento o pagsusulit.

See more

Lelibeth Pintuan

Paano po kung nanaginip akong may binayaran raw ako na halagabg 1,235.. ano po bang ibigsabihin nito..

– maaring iyan ay numero lamang na nagpapaalala sa iyo ng mahahalagang pertsa o presyo na iyong nakalilimutan, ang mga numero sa panaginip ay makahulugan at iba’t iba ang kahulugan, higit sa lahat ay nakadepende ang mga kahulugang ito sa mga detaleyng nakapaloob sa panaginip.

See more

Aljunmessi

Magandang araw po sir. Gusto ko lang po sanang bigyan ng linaw ang aking napapaginipan noong isang araw. Nakakatakot po.

Una, napanaginipan ko po na nasa loob po ako ng isang parte ng structure na nasusunog. Hindi ko po alam kung bahay sya o building kasi parte lang po ang nakikita ko at ang parte na iyon ay mistulang bakal na balkonahe. Pero ang ipinagtataka ko po ay itim po lahat nang iyon pati na yung balkonahe.

Sa pagdaan ko po sa isang pintuan patungo sa isang balkonahe, nakita ko po ang isang lalaki na nasusunog. Hindi ko po sya namataan pero tinulungan ko po siya. Ang ipinagtataka ko po ay hindi po ako naiinitan sa apoy, nahawakan ko pa ang mga apoy sa paligid ng katawan ng lalaki dahil tinatakpan ko ang apoy sa kanyang katawan hanggang upang mawala.

Sa kabila po nito, bigla po akong napunta sa paaralan kung saan pinaplano ko ang paglilipat ko ng kurso, pero ang itsura ng paaralan ay hindi kagaya sa tunay na paaralan ko ngayon.

Sa kabila naman nito, bigla po akong narating sa bahay, pero hindi kagaya ng itsura sa bahay namin ngayon. Malinis ang kama nito at malaki ang espasyo. Naglakaro daw po ako ng playstation at ang nanay ko ay nasa likod ko. Napakalaki po ng monitor na pinaglalaruan ko. Bigla pong nakita ko sa malaking screen ang isang sasakyan na may babae sa loob, nakakatakot po ang kanyang mukha. Mukha pong magara, malinis, at maganda ang kanyang suot pero ang kanyang mukha ay punong puno ng sugat at ang ibang parte nito ay may nana pa at para rin bang nasusunog sya. Bagamat nasa malaking screen ang nakakatakot na imahe para bang napasok ako dito at nalabas ako ulit nang mabilis sabi ko po sa nanay ko na paki turn off po ng screen kaya lang nagalit sya bigla kasi marami syang ginagawa kaya tiniis kong tingnan ang screen na may imahe ng babaeng maraming sugat sa mukha. Nang ma press ko po ang shut down sa malaking screen, doon na po ako biglang nagising.

Palipat lipat po ng lugar ang aking panaginip kaya marami po ito.

Sana po ay mabigyan nyo po ng interpretasyon ng posibling kahulugan ang aking nakakatakot na panaginip. Maraming salamat po at god bless.

– Ang pagkakaroon ng panaginip kung saan ikaw ay palipat-lipat ng lugar ay simbulo ng pagiging risk-taker at adventurer. Ang pagpunta mo sa iba’t ibang lugar ay nagsasaad rin ng passion mo na mapuntahan ang mga lugar na iyon at dahil maaaring may hinahanap kang koneksyon rito. Maaaring kaya ka rin nananginip ng ganyan ay dahil sa mayroon kang hinahanap na tao o kapareha, posibleng ito ay lugar lamang na malapit sa puso mo o matagal mo ng minimithing mapuntahan.

– Samantala, sa iyong panaginip, kapag ikaw ay nakakakita o nakakakilala ng mga bagong mukha, o mga taong hindi pamilyar sa iyo, nagsasaad ito na sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay ay marami kang taong makakasalamuha, posibleng ang mga ito ay iyong matutulungan, magiging kaibigan, makakasama sa paglalakbay o simpleng makikilala lamang.

See more

Rubi

Magandang gabi po sir rey tanong ko lang anong future ko for 2020 march 10,1979 po ako pinanganak tanong ko lang kinabukasan ko po..may anak po ako na maliit 4 months pa lang june 23,2019 pa naipanganak gusto ko po sana bumalik ng ibang bansa suswertehen po kaya ako salamat po..palagi po ako nagbabasa sa article mo dito salamat po inaasahan ko ang iyong reply

– Mahirap i-asa sa hula ang magiging kapalaran ng isang tao at wala namang makapagsasabi ng kung ano talaga ang magiging kapalaran ng isang tao, ang mga zodiac at horoscope ay tanging mga gabay lamang at hindi ito dapat nag awing pundsasyon sa pagdedesisyon ng mga bagay sa buhay.
See more

Merian alamag

Good morning po nanaginip po ako ng ahas kinagat dalawang daliri ko yong pang thumbs up kulay green po na ahas

Ang pagkakaron ng ahas sa panaginip ay amy negatibong simbulo. Kapag naman kinagat ka ng ahas sa iyong panaginip ay nagsasaad ito ng kataksilan na ginawa sa iyo ng isang taong maaaring malapit sa iyo o kahit taong kakilala mo lamang.

See more

Mariebie

Good noon po nanaginip po ako may kakilala akong malapit na tinuklaw ng napakalaking ahas at hiningian ako ng tulong pro wala akong nagawa,dahil natulala ako sa takot.first time ko pong managinip ng ganun.

– Ang panaginip mo ay nagsasaad na pangyayari o sitwasyong nasaksihan mo gaya ng pagtataksil o pandadaya sa isang taong malapit sayo o kahit kakilala mo lamang. Maaaring ang panaginip mo rin ay tumutukoy sa isang taong nangangailangan ng tulong mo ngunit wala ka ring kakayahan na matulungan siya.

See more

marilyn chua

may bagong gawa n mlaking bahay ang sister ko, tapatan ang pinto ng 4 n bedroom at mgkatapat din ang hagdan s pinto ng master bedroom , ano mganda gawin pra makontra ito

– Makatutulong ang money spell upang maganda ang pasok ng grasya sa iyo. Sa isang mangkok o bowl ay maglagay lamang ng bigas at asin, sa ibabaw nito ay maglagay ng bawang at mga barya saka dahon ng laurel. Ayon sa mga nakatatanda ay mainam rawitong pangontra ng malas at magandang pang-akit ng grasya.

See more

hetty

hello po.. dito po sa Rose Petals Beauty Ritual pag naubos na po ang tubig ano po gagawin sa 6 na kandila? parang. mahirap po iwanang naka sindi ang 6 na kandila sa banyo.. ok po ba ang tea light candle? salamat po sa sagot

– Maganda ang alternatibo na tea light candle, bukod sa ito ay ligtas ay hindi mo na kinakailangan pa na mag-isip at mag-aalala na baka makalimutan mong nakasindi. Isa pa na maaaring gawin ay piliin ang kandila na nasa glass na garapon o lalagyan upang kahit maiwan o makalimutan mo ay hindi naman ito makapagdudulot ng sunog o disgrasya.

See more

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 23
Next articleMga Imahe Ng Santo Na Hindi Nabasbasan, May Hatid Nga Bang Kamalasan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here