Kahulugan ng Panaginip 29

98

Latest posts by MIss Angel (see all)

Ann
Hello po nanaginip po ako na nakasout ng heels tapos sira nahihirapan po akong maglakad para makakuha ng bago at maganda tapos po ng malapit na akong umabot gumising po ako bigla ano ho ang ibig sabihin non?

– Sa iyong panaginip ay makikita ang kahirapan mong makaangkop sa isang bagay na tila hindi mo naman nakasanayan o hindi mopa lubusang nauunawaan. Ang iyong panaginip ay nagsasaad lamang ng mga kakaharapin mong pagbabago sa iyong buhay. Ito ay maaaring nakasalalay sa mga hakbang na gagawin mo at mga bagay na pagdedesiyunan mo. Kagaya ng madalas na sinasabi ng nakararami na ang buhay ay parang isang sapatos, sapagka’t ikay naglalakbay at maraming natutunan, malayo ang mga nararating. Maaaring ang iyong mga pagdadaanan ay malulusutan mo sa maluwang na daan o posibleng sa sikip rin na mga lugar. Ikaw ang makararanas nito at ang iyong panaginip ay iyong palatandaan lamang o paalala sa iyo ng kung ano ang magiging sitwasyon na kahaharapin mo.

See more

Haidz

good morning po maestro, gusto ko lang po malaman ang panaginip ko na nag aani po ako ng mais ang dami daw pong bunga , may kasama po akong dalaga na kasama ko sa trabaho basta sige lang daw kami kuha ng mais, tapos nanaginip din ako ng alimango na luto na masarap. ang iba po d ko na matandaan ang malinaw lang ang mais na inaani.

– Ang pananaginip ng tungkol sa mais o pag-aani ay nagsasaad ng grasya na parating at gayun na rin ng sukli ng iyong mabutng gawa o kaugalian. Posibleg ang iyong panaginip ay nagpapaliwanag ng mga magagandang bagay na paparating sa iyo. Sa madaling pagpapakahulugan rito, grasya ang maaaring papunta sa buhay mo at ang kasama mong dalaga sa iyong panaginip ay posibleng ang taong nagtagal at nag-stay sa buhay mo noong mga panahong walang wala ka o mga panahon at pagkakataong nagsisimula ka pa lamang.

– Bagama’t maganda ang nais na ipahiwatig sa iyo ng iyong panaginip, hindi ka pa rin dapat na mapanatag at mag-antay na lamang ng grsyang darating sa iyo, kung ikaw man ay nagsisipag sa iyong trabaho iyong ginagawa, makabubuti kung ipagpapatuloy mo na lamang ang iyonggnagawa at mas pag pursigihan mo pa ang bagay na ninanais mong makamtan o makuha. Patuloy ka lamang dapat sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

See more

Kimnic oiretuel

Ano po ba ibig sabihin sa panaginip ung kaibigan ko po napanaginipan ko nalulunod po sya ano po ba ibig sabihin nun

Ang panaginip na tungkol sa nalulunod ay nagsasaad ng paghingi ng tulong o pagkalugmok sa isang hindi magandang sitwasyon ng isang taong malapit sa iyo I taong kakilala mo, maaring ang taong ito ay ikaw mismo at nakikita mo ang iyong sarili sa iyong panaginip. Ang mga ganitong panaginip ay hindi dapat na binabalewala, posibleng makatulong ka at wala naming mawawala kung susubukan mo.’

– Ang panaginip na ito ay maaari ring paalala sa iyo para kumilos ka at magpatuloy sa isang bagay na matagal mo ng ninanais. Kung ikaw ay nagkaroon ng panaginip na tungkol sa isang bagay na pamilyar ka at ito ay patuloy na lumulubog sa tubig, ito ay nagsasaad ng unti-unting pagka-uboso tuluyang pagkawala an maaaring dahilan na nalimutan na o hindi na ninananis pang balikan.

See more

Joshua

Hello po magtatanong lang ako kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nabuhay daw po ulit ako tapos nung parang na violate ko po ata na sinabi ko nabuhay ulit ako naging kaluluwa po ulit ako tapos nasa iisang lugar lang po kami nun, yung huli po nabuhay po kami pero parang hindi na po kami kilala. Salamat po sa pagsagot

– Ang iyong panaginip ay posibleng nagpapaliwanag ng mga tuluyang pagbabago at simula, maaaring nararamdaman mo ngayon sa punto ng buhay mo ninanais mo na magbago o kaya ay nakakapansin ka ng mga di maipaliwanag na pagbabago sa iyong buhay. Senyales rin ito na handa kang kalimutan ang buong nakaraan mo para sa isang bagay, tao o sitwasyon na mahalaga sa iyo.

– Ikaw lamang rin ang nakakaalam o makararanas ng mga pangyayaring ito at i-aapply mo na lamang sa buhay mo. Lahat ng ito ay idinedepende mo sa kahit mumunting mga bagay o sitwasyon sa buhay mo. Maaaring ito rin ay may positibo at negatibong epekto sa iyo.

See more

Vivian aparta

Good morning po..napaginipan ko dalawang beses na Ang anak Kong bunso 1 year ola na ginahasa at pinatay at d Makita Ang bankay ..grave daw hanap ko dko daw Makita Ang katawan NG anak ko .grave daw iyak ko halos Wala NG boses na lumabas..pkisahot po plss..nag alala nko SA panahinip q..

– Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng paalala. Madalas ang mga ganitong klase ng panaginip at ito rin ay normal naman. Hindi ka dpat na mabahalao mag-overthink. Posibleng ang panaginip mong ito ay nagsasaad ng mas mahigpit na pag-iingat at gabay para sa iyong anak at mga batang malapit sa iyo.

– Ito rin ay simbolo ng pagbabalewala ng mga damdamin na tila napakahalaga para sa ibang tao. Ito ay hindi lamang na dapat pinkakikinngan upang tugunan, ito ay makububuti kung bibigyan ng pansin at atensyon, hindi importante kung kaninong damdamin ito dahil makabubuti kung kahit kanino pang damdamin ito ay napapakinggan.

See more

Michelle Broqueza Arciga
Napakadami ko nang natutunan at mga katanungang nabigyan ng kasagutan at lubos na naunawaan sa pagsubaybay sa bawat Artikulo ng #PhilippineOne. Salamat po ng madami sa inyo! Salamat sa pagiging Bukas-Palad ninyo na maibahagi sa karamihan ang inyong Kaalaman. God Bless You all po.

– Maraming salamat din sa tuloy-tuloy na pagtangkilik mo sa PhilippineOne, nawa ay patuloy ka pang magbasa at mabahagian ng kaalaman. Patuloy pa rin an gaming pagsagot ng libre sa inyong mga katanungan at asahan ninyong kami’y mananatili rito.

See more

Amafe V. Tizon

sir rey paano po ba mlalaman kung soutwest po un loob ng Bahay? para mailagay po ung garapon s tamang lagayan?

– Ang southwest ay ang lugar kung saan pagpasok mo ng pintuan ang katapat ay ang dulong-kanluran o timog-kanluran ng iyong tahanan.

See more

Lyka72

DEAR MAESTRO,

Paano po ba maiwasan ang pag gastos ng gastos ng walang kabuluhan…

– Sa araw-araw naman nating buhay ay tunay nga na hindi naman mababawasan ang gastos ngunit ang mga walang kabuluhang gastos ay tunay na walang maitutulong at tuluyan lamang tayong ilulugmok. Bagama’t tila napakahirap nitong talikuran ay marami naming paraan para ito’y limitihan. Isang epektibong paraan upang ito’y iwasan ay ang pagkakaroon ng savings account or bank account, hindi lamang maganda ang epekto o kahihinatnan nito sa iyong hinaharap, sigurado rin na mas mapupursige o mahihikayat mo ang sarili mo na magtipid para sa sarili mo at mag-invest ng mga bagay na tunay naming may magandang benepisyo sayo na maaaring panghabang-buhay.

See more

Ruby Ann
Magandang araw po..
Nanaginip po aq na nasa school aq ng mga bata malinis at maaliwalas ang kapaligiran ng makaramdam aq na parang naiihi na ako naghanap aq ng cr nasalubong ko sa pinto ang ate ng kababata ko nag ngitian kmi at pumasok ako sa pinto na pinanggalingan dahil sa pagkakaalam ko ay yun yung cr, pagpasok ko nag iba ang kapaligiran parang palengke ang hitsura at basang basa ang sahig, pumasok aq sa isang ihian sinundan ko yung babae na mag ccr din Nkapasok siya sa cubicle, aq naghanap p ng available na cubicle pero bumungad sa akin ang inidiro na barado at may lumulutang pa na tae wala namang amoy sa panaginip ko pero nakakadiri kasing tignan sumilip pa aq sa 6 na kabilaang cubicle pero lahat pare parehong barado at ng may marinig aqng nag flush sa cubicle sa may bungad pinuntahan ko agad dahil ihing ihi na tlga aq pero pagsilip ko sa cubicle tuloy tuloy ang flush ng maduming tubig hanggang sa matabunan na ang toilet ng maruming tubig na patuloy na nagpa flush ng paikot habang tinitignan ko yun nagising na aq bigla.ano po ba ang kahulugan nito? May koneksiyon po ba ito sa pakiramdam ko na ako ay ihing ihi na tlaga sa actual?
Maraming salamat po.

– ang iyong panaginip naman ay walang koneksyon sa actual naiihing pakiramdam mo. Maaring iba ang interpretasyon nito sa kung ano ang actual na nararamdaman mo. Ang panaginip mo ay nagsasaad ng suwerte at grasya na parating sa iyo na manggagaling sa lugar na pupuntahan mo. At ito ay possible ring nasa iba’t ibang anyo. Maaaring  ito ay magmumula sa ibang tao, mga oportunidad sa isang lugar na binabalak mong puntahan. O posibleng ito rin ay mula sa isang bagay o desisyon na gagawin mo.

See more

nancy t lugatiman

1. ano po ang ibig sabihin ng nunal na nasa ibabaw ng kaliwang balikat?
2. ano po ang ibig sabihin ng nunal na nasa gitna ng tyan o sa ibabaw ng pusod?

– Ang nunal sa ibabaw ng iyong balikat ay nangangahulugan ng pagiging matiyaga o kasipagan mo sa iyong buhay. Samantala, ang nunal naman sa ibabaw ng pusod ay nagpapahiwatig ng iyong pagiging mapusok.

See more

Ivi

In reply to Tintin.

Hello po ask ko lang po nakapanaginip po ako na hinahabol po ako ng ahas pero ung ahas na po un hndi pom sya makatuklaw ano po ba ibig sabhin non, sa panaginip ko po kasi hinahataw ko daw po ang sahig ng panungkit para po habulin ako ano pong ibig sabhin non mraming slamat po.

– Ang ahas sa panaginip ay mayroong maraming mga kahulugan at ang mga ito ay nagkakaiba depende sa kung ano ang sitwasyon sa panaginip mo at kung ano ang ganap ng mga mumunting detalye sa panaginip mo. Ngunit kadalasan, ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa ahas ay negatibo, iba-iba ang interpretasyon rito lalo na at iba-iba rin ang kulay nito.

– Mahihinuha rin sa iyong panaginip ang pagiging traydor sa iyo ng isang taong maaaring malapit sa iyo. Ang pagtuklaw ng ahas sa panaginip ay nagsasaad ng isang pangyayaring maaaring nakasakit sa iyo tulad na lamang ng sitwasyong niloko ka, dinaya ka o pinagkaisahan ka.

See more

SHARE
Previous articleANG SAMAHANG ITINATAG NG MAGKASINTAHANG, REINCARNATION NI JESUCRISTO AT MARIA MAGDALENA
Next articleChinese Horoscope; Enero 21

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here