Kahulugan ng Numero Sa Iyong Panaginip

3154

Kapag ikaw ay nanaginip ng numero, ang iisipin mo agad ito ay suwerte kaya naman tatayaan mo ito sa ending o kaya sa lotto. Naalala ko ang lola ko noong buhay pa ito. Ang trabaho niya ay naghuhuweteng. Siya mismo ang nagsabi sa akin na suwerte ang mga numero na napapanaginipan dahil tumatama ito kapag tinatayaan. Nararanasan din daw ito ng kanyang mga mananaya kaya naniniwala talaga siya. Pero totoo nga kaya? Ano nga ba ang kahulugan ng mga numero na ating napapanaginipan? Nagpapahiwatig nga kaya ito ng kaperahan para sa atin? Narito ang ilang kaalaman tungkol dito.

1.Kapag ang numero na napanaginipan mo ay NUMBER 1, ang ibig sabihin nito ay leadership. Maaaring may isang grupo kang pamumunuan o isang pagpapasya na gagawin mong mag-isa. Nagpapahiwatig din ito ng pag-iisa at kalungkutan. Maaaring ikaw ay maiwang mag-isa sa inyong tahanan o may proyekto kang gustong isulong pero wala kang makuhang makakatuong dito.

2.Kung NUMBER 2 naman ang iyong napanaginipan, ito ay nangangahulugan ng isang pagsasanib pwersa. Pwedeng kasal, sa pakikipagsosyo sa negosyo o kaya ay kambal sa pamilya. Maaari rin naman na ito ay may kinalaman sa isang napipintong pakikipagrelasyon, halimbawa kung ikaw ay may dalawang suitors at naguguluhan ka kung sino sa kanila ang iyong pipiliin. O kaya naman ay dalawang nililigawan.

3.Kapag NUMBER 3 ang iyong napanaginipan, ito ay suwerte. Kalimitan kapag tayo ay may gustong makamit, sa ikatlong pagkakataon natin ito nakukuha. Kaya’t kung ikaw ay nanaginip ng numero tres, ang ibig sabihin ay may isang kagustuhan kang makakamtan mo na.

4.Ang kahulugan naman ng NUMBER 4 sa iyong panaginip ay hindi kasing ganda ng kahulugan ng number 3. Sapagkat ito ay nagpapahiwatig ng kamalasan o kamatayan. Sa ibang paniniwala, ang ibig sabihin nito ay hardship, may hirap kang pagdaraanan sa anumang iyong pinagkakaabalahan sa ngayon.

5.Ang NUMBER 5 sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na kailangan mong maging sensitibo sa bawat aksyon at salitang bibitawan mo sa iyong kapwa. Nangangahulugan din ito na may pagbabagong magaganap sa landas na iyong tinatahak.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Hulyo 25
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 25, 2019

1 COMMENT

  1. Lelibeth Pintuan

    Paano po kung nanaginip akong may binayaran raw ako na halagabg 1,235.. ano po bang ibigsabihin nito..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here