Kahulugan Ng Nalulunod Sa Panaginip

0
89

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Nakakatakot managinip nang ikaw ay nalulunod. Lalo na kung sa totoong buhay ay hindi ka naman talaga marunong lumangoy. Ang malunod sa panaginip ay may malalim na kahulugan na may kinalaman sa iyong kalagayan sa buhay at gayundin sa pag-ibig. Narito ang nais nitong ipahiwatig sa’yo.

BUHAY

Kung sa panaginip mo ay nakita mo ang sarili na unti-unting lumulusong sa dagat mula sa pinakamababaw na bahagi nito patungo sa pinakamalalim, ito ay nagpapahiwatig na may mga plano kang sinisimulan na wala ka namang kasiguruhan sa magiging resulta nito. Maaaring ikaw ay naiimpluwensyahan lamang ng mga nasa paligid mo, halimbawa ay malapit na kamag-anak o kaibigan. May nakikita ka sa kanila na iyong basehan para sundan ang kanilang yapak. Kaya’t sa bawat paghakbang mo patungo sa dagat ay nangangahulugan din ng bawat hakbang na ginagawa mo sa iyong buhay, hanggang sa bahagi na ikaw ay nalulunod na. Nais nitong ipahiwatig sa’yo na ang iyong mga plano ay walang patutunguhan na maganda. Sa halip ikaw ay malulunod lamang sa pagkabigo tulad halimbawa ng pagkalugi sa negosyo, sa isang investment o sa isang sugal.

PAG-IBIG

Ang pagkalunod mo sa panaginip ay maaari ring may pahiwatig sa’yo na may kaugnayan naman sa iyong buhay pag-ibig. Maaaring ikaw ay nasa isang relasyon na may hindi magandang sitwasyon. Ikaw ay nagbubulag-bulagan sa mga kamalian ng iyong kapareha. Na ang kanyang pagkukulang ay binabalewala mo lang. Kapag ganito ang iyong sitwasyon sa totoong buhay, dapat ka nang gumising sa katotohanan. Habang may pagkakataon pa ay ayusin mo ang inyong relasyon. Ang pagkakamali niya ay maaaring pagkakamali mo rin at ang pagkukulang niya ay maaaring pagkukulang mo rin. Samakatuwid, hindi lang ikaw ang dapat umayos nito kundi kayong dalawa. Ipinapahiwatig ng iyong pagkalunod sa panaginip na ang inyong relasyon ay posibleng malunod sa hindi magandang wakas. May pagkakataon ka pa para maisalba ito. Ito ay kung nais mo pang maiahon ang inyong relasyon mula sa mababaw na hindi pagkakaunawaan hanggang sa pinakamalalim nitong hindi pagkakaintindihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here