Kahulugan ng mga Panaginip 34

603

Shasha_dream
Hello po ano naman po ibig sabihin ng panaginip ko kasi po nanaginip po ako na may orasan ang gilid niya ay gold at blangko po at tsaka po sasakay ako ng jeep kaso iniwan ako at sa lahat po ng jeep na dumadaan ay marami pong taong nakasakay

– Ang panaginip mo tungkol sa orasan at jeep ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng oras sa buhay mo na hindi mo masyadong nabibigyang pansin, lalo na sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Nagsasaad rin ito ng madalas na makaramdam ka ng anxiety lalo na kapag hindi ka napapabilang sa mga tinatanghal.
See more

Jamie Cerdon

Good pm po maestro namatay po ang kaisaisa kong anak noong Oct.28,2019 pero bakit po kya hanggang ngayon hindi padin sya nagpaparamdm o nagpapakita sa panaginip ko?ibig sabhn po b ay msaya n sya ngayon kung saan man sya andun?salamat po sa sagot..miss n miss q n po kc sya sakin lang sya d nagpapakita sa daddy nya ngpapakita sya sa panaginip

– Hindi naman dahil hindi nagpaparamdam ang anak mo ay masaya sya o tahimik. May mga bagay tayong walang kapaliwanagan ngunit iyo lamang pakatandaan na ang pagmamahal ay hindi nawawala sa puso. Mahirap tanggapin ang mga bagay ngunit isipin na lamang na maraming bagay rin ang magbubukas kaya gayun din ang dapat nating gawin, ang buksan an gating damdamin at palayain ang mga sarili sa sakit.
See more

Jacyl Banagua

Hello po as of january 11 2020 (saturday) mga alas 3am or 4am napanaginipan ko po si JESUS hindi ko po masyado nakita ang kanyang mukha dahil blurred po ito…at ang sabi nya SYA AY BABALIK..,iyak po ako ng iyak tapos bigla na po sya nawala
Share ko lang po napanaginipan ko kasi hanggang ngayon po hindi po ako matahimik..
Sanay mangyari na po yon upang magkaroon ng katahimikan dito sa MUNDO..

– Maaaring kaya mo ito napanaginipan ay dahil sa sobrang takot at pag-aalalang nararamdaman mo ngunit isipin mo rin na baka ito’y pag-asa para sa pagpapatuloy ng buhay at pagbawi para sa mga susunod pang henerasyon. Marami pa tayong kayang gawin para maisalba ang lahat at maisaayos ang mga bagay na wala sa pwesto.

See more

jody

Hello po.
may gusto po sana akong itanong tungkol po sa panaginip ko na nasa loob daw po kami ng bahay ng kamag anak ko.tapos po may dumating na bagyo at natanggal ang bahay tapos nung natanggal po paikot ikot lang po hanggang sa nakarating kame ng dagat at nakita ko sa dagat na napakalaking alon at parang buhawe ang taas. pero hindi naman kame na tamaan. kase hindi naman sa amin patungo kundi sa ibang banda sa may kanan.
Ano po kaya ang ibig sabihin neto?

– Kapag ikaw ay nanaginip ng tungkol sa buhawi at malakas na bagyo, ito ay simbulo ng magulo at hindi maiiwasang mga pangyayari, mga bagay na mahirap kontrolin. Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng mga tila mga bagay o sitwasyon sa buhay mo na tila wala sa ayos at hindi mo rin kontrolado. Maaaring ito ay damdaming hindi mo mapigil at makontrol, gayundin ay mga argumentong hindi mo matugunan dahil tila galit ka sa isang bagay o konseptong ipinararating ng argumentong tinutukoy.

See more

Nala

Nanaginip po ako ng tilapyang isda na lumalangoy sa swimming pool at gusto ko lutuin at kainin at ang isa mataba tilapya tumalon papunta sa akin at nasalo ko po at tuwang tuwa ako,at ang ilan tilapya humihinto ng langoy sa tapat ng pool habang nakadungaw ako at hinuhuli ko tapos hindi sila pumapalag na para bang gusto din nila na hulihin ko sila,malinaw po ang tubig sa pool at kitang kita po ang mga tilapya pero maraming lumot na kulay green sa ilalim na parang bahay po nila

Ang pananaginip tungkol sa tilapia ay nagpapahiwatig ng mga opinion mo at saloobin na patungkol sa kabuuan ng karagatan, kapag ikaw ay nakakita ng iba’t ibang isda sa panaginip mo ay nagsasaad ito ng kung gaano mo na-aaappreciate ang likas na yaman ng mga katubigan.

See more

Jepoy

Nanaginip po aq ng sanggol na nabulunan at halos nangingitim na at nwawalan n ng buhay.maingat ko syang tinagilid at hnimas ang kanyang likuran at dahan2 tinanggal ang nakabara sa kanyang lalamunan mtapos kong mtnggal ang nkabara sa knyang lalamunan sumuka xa at unti2 bumalik ang dati nyang kulay at nagising n aq s gnong eksena

Ang pananaginip ng tungkol sa sanggol na nabibilaukan ay sumisimbulo sa inner child mo o ang naranasan mong paghihirap noong kabataan mo na naaalala mo sa buhay mong isipan. Maaaring noong kabataan mo ay tila may isang subject o gawain kung saan ika’y hirap na hirap, ang panaginip mo ay repleksyon ng paghihirap mong iyon na na-overcome mo na.
See more

Welgen Palubon.

Dear Maam/Sir,

Nanaginip po ako ng maraming alahas, my mga hikaw, kwentas, relo at ibpa. Nilagay ng Ninang ko sa isang Mesa ang sabi nya sa amin na daw, ang ginawa ko piniliaan ko kaagad, ang dami ko ng Napili na kwentas, relo, hikaw para sa akin.. Habang nag pipili ako nasa isip ko bat kya nya ito tinapon samantalang ang gaganda.

Yong Ninang ko na yon ay pinsan ko Yun. Advice ko rin sya noong akoy 4th year high schl. Parang hindi lang kami magpipinsan. Ginawa ko sayang maging ninong ko sa Kasal namin ang porpuse ko na pra maging magka close kami, pero nong kinsal na kami nasa malayo na kami tumira dahil dito sa Maynila hanap Buhay ng Mr ko.hanggang dito lang Po. Maraming Salamat.

– Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa mga alahas ay simbulo ng mga bagay o taong pinahahalagahan ng sobra ng may-ari. Ang alahas ay repleksyon ng kung anong pananaw mo sa totoong buhay. Kung sa panaginip ay grabe mong pahalagahan ang mga alahas na iyon ay gayundin ang pagpapahalaga mo sa mga taong mahalmo at importante sa iyo.

See more

Liza

Hello po, have a pleasant day po, sana po mabigyan nyo ng pansin itong comment ko, takot na takot na po ako, wala akong makuhang sagot sa internet, I’m asking a help po sa inyo please.
Ano po ang ibig sabihin sa panaginip ko na lightning of fires at nasusunog ang buong bayan namin, na parang buong lugar nasusunog, and nakita ko si God and Satan sa isang lugar, it looks like, God is nakaluhod Kay Satan and asking for something, he’s pleasing to Satan for something.

I’m hoping for your answers to my question, thank you and God bless

Bagama’t tila nakakatakot at nakakapagpabalisa ang napanaginipan mo, ito pa rin ay nakadepende sa ibang detalye sa panaginip mo, dahil ang ibang mga bagay ay subjective at hindi maaaring basta na lamang bigyan ng interpretasyon na walang basehan. At para sagutin ang ilang bahagi ng iyong panaginip, ang pananaginip ng tungkol sa apoy ay nagpapahiwatig ng pagkasira o destruction.
– Habang maraming simbulo o representasyon ang apoy sa panaginip, ito’y hindi lamang negatibo ang kahulugan. Maaaring ito rin ay representasyon ng kaliwanagan at bagong simula.

See more

Er Bucao

Sir Rey good day po aq po madalas makapanaginip,kagaya po 9 years ago parang nakikita ko yong mangyayari sa mondo matutuyot ang mga ilog ,magia crack po ang lupa sa ibat ibang Panig ng mondo,yong matataas na tubig ,sunog at apoy po,,,nasundan papo mg maraming beses yan at minsan kahit po dilat ang akingmga mata ,maraming marami pa po,aq po may 3rd eye at malakas ang pakiramdam ko sa maraming bagay akoy hirap na po sa nakikita ko ang paglubog ng ilang city sa maynila contineous ko na lng po sa susunod pakisagot naman po,thank you and God Bless po.

– Bagama’t maraming tao rin ang nakakakita ng nakikita mo at ang iba’y nakakapanaginip rin, makabubuting huwag muna rin tayong dumating at magpakalap ng konklusyon sapagakat wala pa ring makapagsasabi ng tunay na mangyayari at kung anong susunod pa. Makabubuti kung ang ipakakalap natin ay salita ng pag-asa at pagbangon na maaaring makatulong sa pinaka-apektado.
See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here