Kahulugan ng mga Panaginip #33

69
Dreaming *oil on canvas *128,5 x 201,2 cm *1860 *signed b.r.: J. Israels

Latest posts by MIss Angel (see all)

Marj

Hello po
Ang panaginip ko po ay ikakasal daw po ako sa ka leave in ko pero nagselos daw ako dahil naruon sa panaginip ko ang kanyang ex ang iba po ay hnd ko na maalala

Ang iyong panaginip ay tumutugma lamang sa literal na pangyayari sa buhay mo. Kung ikaw ay nagkaroon ng panaginip na ikakasal ka ngunit may pagseselos kang nararamdaman, ito ay nagpapahiwatig ng insecurities mo para sa ex ng kinakasama mo, maaaring kaya mo rin ito napapanaginipan ay dahil iniisip mo ang dahilan ng kanilang hiwalayan at sinusubukan mong iwasan na gawin ang parehong pangyayari upang hindi kayo maghiwalay ng kasintahan na kinakasama mo ngayon.
See more

Jhing_06

In reply to Yan.

Hello po maestro,gusto q lng po sana malaman ung kahulugan ng aking panaginip,s altar ng yumao qng lola may isang bote at merong laman n makintab at maliit n ahas nkawala ito at ang bilis kumilos tinabihan q ang ntutulog q anak bka bka matuklaw ito,,tinakpan q ng puting damit ng anak q ung ahas,ngunit nakawala ito,at tinakpan q ulit,nahuli ito ng aking asawa,at dinurog nya ito habang nkabalot s puting damit,s labas ng kwarto nmn andon ung mg asawang kapitbhay nmn n problemado dhil may sakit ung anak nila,,ano po kya ang ibg sabhin nto,,ung ahas n snbi q parang linta na mdyo mahaba at makintab un po ang itsura nya pero ahas ang tawag q,,sna po masagot nio po maestro slamat po,,JHing_06

– Ang ahas sa panaginip ay sumisimbulo sa betrayal o kataksilan at ayon sa pagkakasaad mo ng ahas na nakita mo ay para itong linta. Maaaring repleksyon ito ng isang taong nasa paligid ninyo lamang na walang ibang nais kundi ang sumira lamang sa isang maayos na relasyon. Maaaring ang nais ring ipahiwatig ng iyong panaginip ay ang paalala na mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan at pinagsasabihan ng mga importanteng bagay.
See more

Nabu

Magandang tanghali po c nabu po ito NG Makati
Nanaginip po ako ng Ang mga Tao raw po ay nakasuot NG mga sapatos..halos raw po ay nagkakapareho cla NG suot
ako Rin po Taz po mayamaya Yung mayor namin sa Amin ay Nakita ko naghahanap raw NG view umaakyat sila sa taas NG malaking bahay sa 4th floor daw pero makita ko NASA 2nd floor Lang inakyat nila,Taz gusto ko Rin sanang inakyat pero diko na ginawa at masabi ko nlang sarili ko..nakakapagod
Ano po Kaya ibig sabihin po nito
Marami pong salamat sa inyong tugon.

– nagpapahiwatig ang panaginip mo ng pag-akyat sa isang sitwasyon na kung saan ninanais mong makaakyat sa taas o magtagumpay ngunit may pumipigil sa iyo, maaaring ito ay ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo at ang pagod na nararamdaman mo tuwing makakarinig ka ng sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo o di kaya’y sa mataas na pangarap mo.
See more

Rizalyn Manzano Dipasupil

Good Morning po Maestro,
Ngayon umaga po nanaginip ako ng isang magarbong kasalanan, sa kasalan na iyon ay isa po akong event coordinator. Ganito po ang ngyari lahat po muna kaming mga event coordinator ay nsa labas po muna ng simbahan habang nagrerehers ang ikakasal po.nung matapos na po ang rehersal lumabas po yung mag asawang nakawedding gown na nakangiti yung mukha lang po ng babae nakita ko. Hanggang sa pumasok na po kami ng friend ko na ang sabi ng tao si riza na magaasikaso ng lahat niyan.nagmadali po akong nagcheck ng paligid bale nasa right side po ako tapos umakyat po ako ng stage habang nagpraktis ang mga mang aawit. Tumigil at umalis po sila ng nilinis ko po yung stage.Nang matapos ako maglinis pumunta ako ng backstage po para itapon yung basahan pero nakita ko sa malayo yung ex-love ko pati yung babae na nakaupo sa tabi ng table na naghaharutan. sumugod ko pinagsasampal ko po yung babae pero yung babae po ay nakapikit lang at hindi sumasagot. Tapos po yung ex love nagpapaliwanag siya na lilipat na daw siya ng ibang lugar parang tama na. Basta galit na galit po ako. Yon lang po

– Bagama’t ganyan ang naging panaginip mo, iba ang ipinababatid nito sa iyong katawang lupa. Kabaligtaran ang nais nitong ipabatid sa iyo. Kung ikaw ay nanaginip ng tungkol sa dati mong kasintahan na may kasamang ibang babae, nagpaparating ito ng guilt na nararamdaman mo, maaaring isa sa naging dahilan ng paghihiwalay ninyo ay dahil sa mga desisyon at choices mo sa buhay. Maaaring nung kayo ay nagsasama pa ay nakakulong ang isipan mo sa mga paniniwala mo.
– Isa pang dahilan ay maaaring madalas mong naiisip ang dati mong kasintahan kaya naman nakita mo siya sa iyong panaginip Nariyan rin ang mga ala-ala at memorya ng mga pinagsamahan mo at kaya sa panaginip mo ay inatake mo ang ibang babae niya ay posibleng hindi ka pa handa sa konseptong naka move-on na siya at may iba na.
See more

Angel

Ano po ibig sabihin nanaginip ako ng ahas at pumasok ito sa pajama ko habang tulog ako sa panaginip pero nahuli ko namn at nadurog a ulo nito sa pamamagitan ng pg press ng ulo ng ahas sa panaginip tapos pinakita ko sya sa tatay ko sa panaginip at tinawanan lng ako ng tatay ko namatagal ng patay.
Kagaya ng pagpapakahulugan sa ahas sa ibang mga panaginip, ang ahas sa panaginip ay nagpapahiwatig ng betrayal o pagtataksil. Maaaring may malapit na tao sa buhay mo ang pipiliting pasukin ang buhay mo upang sirain ka, posibleng ito’y repleksyon rin ng pananaw mo sa ibang tao, kung anong tingin mong iniisip nila tungkol sa iyo.
See more

Yda

Dear Maestro, Nais ko lamang po malaman ang kahulugan ng aking panaginip noong isang gabi. Sa panaginip ko, may 3 ahas akong nakita isang pula, isang itim at isang puti. Natuklaw po ako ng ahas sa kanang hita, ngunit hindi ko po malaman kung anung kulay ng ahas ang tumuklaw sa akin. Isa lamang sa itim at puti ang tumuklaw dahil ung pula ay hawak ng isang matandang babae. Ano po kaya ang ibig ipahiwatig noon? Sana masagot ninyo po ang aking katanungan. Marami pong salamat.

– Kung ikaw ay nanaginip ng tungkol sa ahas na inaatake ka at tinutuklaw, kahit pa anong kulay nito, nagpapahiwatig lamang ito ng sitwasyon sa buhay mo kung saan nakakaramdam ka ng kawlan ng kaligtasan at pag-aalala sa buhay mo. Ito rin ay maaaring ekspresyon ng sobrang pagiging balisa mo at hindi ka kumportable sa kung anong kinakaharap mo.
See more

Janeful

Hello po maestro , ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko po, tungkol sa perlas na kulay asul at ang ganda po talaga kasi umiilaw po siya kahit gabi pero tumatakbo po ako habang hawak ko po siya kasi may gustong umagaw ng perlas po parang lalaki po siya pagkatapos ibat ibang direction napo ako napunta tapos parang nararamdaman ko na nawawala na ako pero mahigpit ko parin po nahawakan ang perlas at di niya ako naabutan nagtatago po. Hangang sa naputol ang aking panaginip po.. Please po bigyan niyo po ng pansin ang aking panaginip. Salamat po.
Ang asul na perlas ay sumisimbulo sa katotohanan, tiwala at katapangan. Kapag ikaw ay nanaginip ng tungkol sa asul na perlas ay maaaring nagpapahiwatig ito ng repleksyon mo bilang tao. Maaaring ito ay nature mo na at patuloy mo pa itong nadedevelop sa buhay mo. Nirerepresenta rin nito kung paano mo naaappreciate ang kapayapaan at tahimik na pamumuhay at kung gaano mo ito hinahangad hindi lamang para sa iyong sarili kundi para na rin sa ibang tao.
See more

angeline sobremisana

nanaginip po ako na nagtatanim ng halaman po di ko po alam yun halaman n yun pero po mahahaba po yun dahon niya sana po matulungan niyo po ako maibigay ang ibig sabihin nun salamat po
Kapag ikaw ay nagkaroon ng panaginip kung saan ikaw ay nagtatanim, ito ay nagrerepresenta ng mga idea, plano, hard work, o kahit relasyon na ninanais mong mahasa pa o mas madevelop. Ito rin ay simbulo na nagsisimula ka sa isang bagay na pangmatagalan, isang bagay na ramdam mong mahalaga at worth it hintayin.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here