Kahulugan ng mga Panaginip #32

106

Latest posts by MIss Angel (see all)

Mercie

Ask kulang po maestro bakit madalas kung mapanaginipan ang ex wife ng Mr ko e hindi ko naman po sya iniisip matagal na po silang hiwalay ng Mr ko bakit sa panaginip ko bumalik ang Mr ko sa kanyang ex wife ano po ba ibig sabihin po non salamat po
Bagama’t matagal na silang hiwalay, ayon sa pagpapakahulugan at interpretasyon ng mga panaginip, ang pagkakaroon ng panaginip na tungkol sa ex ng iyong kasintahan ay nagpapahiwatig ng mga insecurities mo sa inyong relasyon, normal naman ito dahil lahat naman ng magkakarelasyon ay nagkakaroon ng insecurities. Maaaring may mga pagkakataon na ikinukumpara mo ang iyong sarili sa dating naging kasintahan ng asawa mo.
– Ito rin ay madalas na simbulo o paalala, nagsasaad ito ng mga iniisip mo gaya ng huwag gumawa ng parehong bagay na naging dahilan ng paghihiwalay ng asawa mo at ng ex niya.
See more

Daniel Deleña

Gumuhong gusali isang deretsong gusali gumuho naramdaman ko ang pagyanig sapagkat ito ay napakalapit lang sa aking kinaroroonan

– Kung ikaw ay nagkaroon ng panaginip na tungkol sa gumughong gusali, ito ay maaring nagrerepresenta o sumisimbulo sa pakiramdam o sa isang sitwasyon sa buhay mo na maaaring paparating na sa katapusan nito. Ang ganitong panaginip ay maaaring tumukoy sa relasyong patumba na, o patuloy na kawalan ng pera o grasya. Maaring ito rin ay repleksyon ng mga damdamin mo tungkol sa mga sitwasyong nagtatapos at hindi maiiwasan.
See more

Michelle

Hi good evening po ,na naginip po ako ng higaan ng sanggol ung gawa po sa ratan or kawayan, nakatali at nakasabit ito sa kahoy, at ginawang pang duyan o higaan ng sanggol at may mga laman na damit ng pang sanggol at may mga lampin, kumot na pink pang sanggol,at may hood dn na pang sanggol at alam ko po wala pa po ako anak khit sa panaginip at dalaga pa ako 21 plang ako,pero nag tataka po ako bakit may nakita po ako mga gamit ng sagol ,pero wala nmn po baby naka higaan or wala sanggol sa panaginip ko kundi gamit lang ng bagong silang na sanggol or pag hahanda sa bagong silang na baby
– Kung ikaw ay nagkaroon ng panaginip na tungkol sa sanggol, ito ay nagpapahiwatig ng pagiging inosente mo tungkol sa mga bagay at simbulo rin ito ng mga panibagong simula. Samantala, kung ikaw naman ay nanaginip ng tungkol sa mga gamit ng sanggol, ito ay repleksyon ng mga paparating na obligasyon mo sa iyong buhay, sa edad mo ay nagsisimula ka ng bumuo at tumanggap ng mga responsibilidad, maaaring ito ay responsibilidad sa sarili mo o di kaya ay sa pamilya mo.
See more

Shella

Hello po maestro magandang gabi po, gusto ko po sana malaman kung ano ibig sabihin ng panaginip ko, nakita ko po na hubot hubad ang kinakasama ko at ang dati nyang asawa? Nakatalikod ang kinakasama ko na aakmang patayo na nakita ko ang kanyang pwet at likod at yung asawa nya dati ay naka sideview. Na nakahiga Sa loob po ng bahay na tinitirahan namin. Sana po masagot nyo katanungan ko, kasalukuyan po na nasa bansa nya ang kinakasama ko at dun din po naninirahan ang dati nyang asawa. Salamat po

– Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa pangangaliwa ng asawa ay senyales ng iyong pagkawala ng tiwala sa iyong kinakasama at posibleng simbulo rin ito ng lahat ng naranasan mong kataksilan mula sa taong pinaka-pinagkakatiwalaan mo. Sa iba pang interpretasyon rito, nagpapahiwatig rin ito ng posibleng selos na nararamdaman mo dahil sa kulang na atensyong nakukuha mo mula sa asawa mo.
See more

Lilibeth tila

Nanaginip po ako kagabi dakong alas 3 na ng madaling araw sa panaginip ko nakasakay ako ng bus habang naka upo nag cecelpon ako ng huminto ang bus tumingin ako sa bintana ng bus nakita ko ang apat na taun ng patay na boyfriend ko sa labas nakatingin sya sakin napatingin ako at nagulat ngumiti sya sakin saglit at biglang parang nalungkot bigla napadilat ang aking mata sa pagtulog nagising ako bigla at tinignan ko ang oras alas 3 palang ng madaling araw ‘ anu po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na ito maraming salamat po sa oras po ninyo

– Nagpapahiwatig ag iyong panaginip ng kalungkutan at maaaring rejection na natanggap mo, posibleng ito’y mula sa trabaho o taong hinihingan mo ng tulong. Posibleng ito’y repleksiyon rin ng iyo mismong damdamin na nababalot ng kalungkutan at mga ala-alang tila hindi mo naiiwan sa nakaraan. Mga bagay na hindi mo pa kayang pakawalan.

See more

Gina

Dear, maestro nanaginip ako Ng banga puno Ng pasahiro hindi malalim ang tubig bago makapunta sa bandang malalim tinulak muna ng dalawang Tao anu ang ibig sabihin Ng panaginip ko.
Bagama’t hindi ganoong kadetalyado ang impormasyon na ibinigay mo tungkol sa iyong panaginip, ang tanging interpretasyon namin rito ay ang pagkakaroon mo ng panaginip na tungkol sa banga na simbulo ng kalaliman ng pagkatao at mga emosyon mo. Kung sa iyong panaginip ay tanaw mo ang dulo ng banga, nagpapahiwatig ito na magaling ka na magtago ng iyong mga emosyon.
See more

Ric

Dear maestro
Ano kahulugan ng panaginip na nilapa ako ng tigre sa kanang braso. Parang totoo kasi damang dama ko ang sakit

– Kapag ikaw ay nanaginip ng tungkol sa tigre, ito ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan at katapangan, samantala, kung sa panaginip mo naman, kapag nilalapa ka ng tigre, nagpapahiwatig ito ng mga pigil at tagong mga emosyon mo.
See more

melissa bernante

Hello po, magandang araw po..ako po si Melissa.Nais ko lang po malaman kung ano ibig sabihin ng panaginip ko kagabi.Ako raw po ay umaakyat sa bundok kasama ng aking ina,pamangkin na lalaking panganay at bunso.Nakarating daw po kami sa tuktok ng bundok pero yung pakiramdam ko na bago ko marating iyon ay natatakot daw po ako kasi takot po ako sa heights,pero kahit ganunpaman po ay narating naman po namin ng maayos ang tuktok ng bundok at nakababa naman po kami ng matiwasay.At nakangiting narating ko po ang bundok..Namamangha daw po ako sa mga bundok habang ito ay pinagmamasdan.Maraming salamat po kung matutugon nyo ang aking liham n ito..
Ang panaginip mo ay nagpapahiwatig ng magandang kahulugan. Nagsasaad ito ng pagtanggap mo sa iyong kahinaan at pag-overcome rito sa parehong pagkakataon dahil ramdam mong kasama mo ang iyong pamilya at alam mong sa kanila ka humuhugot ng lakas at suporta. Mahihinuha sa iyong panaginip ang pagiging positibo mo kasama ang iyong pamilya sa kabila ng lahat ng takot na nararamdaman mo. At isa pang maganda sa panaginip mo ay ang tagumpay sa bandang huli ng magkakasama na may suporta mula sa isa’t isa.
See more

haelaza

hello po magndang umaga po tatanong ko lang po sana ano kahulugan ng panaginip ko?na sa isang di kilalang bahay kming mag pipinsan at kaibigan ko ngayon po inintindi ko ang anak ng kaibigan ko lilinisan ko po yung bata nung naalisan ko ng damit bigla siyang nauntog sa basag na tagayan at duguan na yung ulo ng bata pero kahit madami ng dugo nalabas buhay pa din ang bata ndi yung katulad ng iba na nahihimatay na dadalhin na sana namin siya sa ospital kaso naman po itong aking ina inuna ang pagdadala ng bigas at magdadala nga daw po siya bigas sa hospital ano po kaya ibig sabihin ng dugo at bigas?
Nagpapahiwatig ang panaginip mo ng paalala at matinding problemang pinagdadaanan mo sa iyong emosyonal at isipan. Makikita rin sa panaginip mo ang takot at kawalan ng pokus kaya napupunta ka sa mas mahirap na sitwasyon. Makabubuti kung bibigyang pansin mo muna ang iyong sarili at ang mga personal mong pangangailangan bago ang ibang tao. At kapag naayos mo na ang sarili mo, makikita mo na ang grasya ang kusang darating sayo na syang sinisimbulo ng bigas.
See more

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 28
Next articleMaagang Pamamaalam Ni Kobe Bryant At Anak Na Si Giana

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here