Kahulugan ng mga Panaginip #31

266

Claire

Hello po maestro, Anu po ibig svhin ng ikakasal daw po aq sa asawa q s panaginip at may nakita daw aq batang multo pero parang tao nmn xa at sa bandang huli po e natagusan dw un damit q suot para s kasal nmin..pero hindi po xa gown at wala po aq boque nun.anu po ibig svhin nun.

– Ang kasal sa panaginip ay nagpapahiwatig ng mga transisyon at pagbabago na parating sa iyong buhay o sa buhay ng ibang taong malapit sa iyo. Kasama sa mga pagbabagong it ay mga gawi, gamit, mga bagong mukha at hindi nakasanayang mga gawain. Ang pananaginip ng tungkol sa kasal ay nagrereplika rin sa pakiramdam mo tungkol sa commitment at pananaw mo sa pagkakaroon ng kalayaan.
– Kadalasan, ito rin ay simbulo ng kung anong kaslukuyang nararamdaman mo sa piling ng taong kinakasama o kapareha mo. Maaaring kung ikaw ay nagkakaroon ng pangamba at magulong pag-iisip ay posibleng repleksyon ito ng kung anong sitwasyon nyo sa kasulukuyang buhay ninyo. Maaaring may pait, lungkot o pagkawala ng pag-ibig. Minsan ay nagpapahiwatig rin ito ng anxiety at pagkatakot, depende sa detalyeng nakapaloob sa pangyayri sa iyong panaginip.
See more

 Joan

In reply to Kunichiwa.

Nais ko lang po maliwanagan ang panaginip ko sa panaginip ko nasa isang bahay po ako kasama ko co teacher ko dati na lalaki na may asawa na rin gumagamit po aq ng cr tapos pinaabot nya sa akin ung towel inabot ko naman pero di sinasadya nakita ko sya nasilip ko ung katawan nya nung iabot ko towel tpos tumakbo n ko palabas ng bahay kasi nahiya ako na nkita katawan nya..
May asawa po sya sa panaginip umuwi ako samin tapos nakita ko yung hinliliit na daliri ko may palaka saka may iba pa nakita hindi ko na matandaan nagising nalang aq n wala ng buto daliri ko hinliliit. At sa panaginip ko ung asawa ng co teacher ko nglagay nun nagising ako na takot na takot. Sana po matulungan nyo ko sa ibig sabhin ng panaginip ko na ito

– Bagama’t tila magulo ang mga detalye sa iyong panaginip ay mahihinuha naman ang nais nitong iparating sa iyo. Madalas ay nagkakaroon tayo ng panaginip kasama ang isang taong kilala natin dahil maaaring madalas natin silang naiiisip o di kaya ay may hindi kayo natapos na usapan o naging argumento. Hindi naman ganoong ka-seryoso ang mga ito ngunit makabubuti pa rin na mabigyang pansin kahit ang mumuning mga bagay.

See more

Ronajane

Magandang araw maestro anu po ibig sabihin nang panaginip ko na Naka sakay kami sa buss kasama mother ko at anak ko tapos pamangkin.. Tapos napadaan kami sa isang baryo.. Tapos may nakita akong batang babae siguro nasa 10 ang edad kumaway sa akin tapos ngumiti sabay sabing kaylangan mong bumaba Jan kasi masusunog yang buss tspos may sinasabi PA siya Naka suot kapa nang itim tspos ang dumi nang damit mo.. Pero sa panaginip ko hindi nman itim Yung suot ko diko Alam bat ganun sinabi niya.. Sinagot ko siya na bababa din ako sa 5 na istasyon.. Gumiti siya sa akin sabay Sabi cge.. Tapos pag dating ko sa 4 na istasyon bumaba na kami niña mama.. Pero lahat kaming Naka sakay bumaba din ang naiwan nlang Naka sakay ay Yung driver… Tapos umalis na ang driver tapos Doon sa piña ka dulo.. Bigla nlang may sumabog tapos pumunta sa amin Yung apoy pero di naman kami nasaktan… Tapos may kinaka usap ako sa panaginip ko tinatanung ko siya Kung anu na gagawin namin.. Sabi sumakay daw kami sa trycile tapos sumakay kami sa trycile… Hangang Doon Lang anu po ibig sabihin nun tapos Yung buss na sinasabi ko na sinasakyan namin hindi siya bus parang open siya na may upuan Lang sa loob tapos kahoy na parang gulong sa relés.. Diko po Alam… Sana masa got ninyo po ito

– Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa pagsakay sa bus ay sumisimbulo sa pakikisalamuha sa maraming tao bilang ito ay isang pampublikong transportasyon na kung saan araw-araw ikaw ay may makakasalamuhang iba’t-ibang klase ng tao. Kung uunawaing mabuti ang iyong panaginip, nagsasaad ito ng direksyon at paalala.
– Maaaring sa punto ng iyong buhay mo ngayon ay naguguluhan ka kung anong landas ang tatahakin mo at hindi ka makapagdesisyon. Isang bagay na makatutulong sa iyo ay ang pagdinig sa saloobin ng mga taong maaaring makatulong sa iyo, mga taong nagbibigay ng mga suggestions at opinion, makatutulong kung ikokonsidera mo ang mga ito. Lalo na kung malalapit na tao o kamag-anak ang nagbibigay ng tulong sa iyo.

See more

Zandy taburnal

Nanaginip poh ako na binaril ng isang lalaki ang tyahin ko ko pro pag tingin ko ay mama ko yung nana dun at puno ng dugo, anu poh bang ibig sabihin noon eh 2 years ng patay ang nanay ko

– Kapag ikaw ay nakapanaginip ng tungkol sa isang taong nanakit sayo kagay ng pagbaril sa iyo, nagpapahiwatig ito ng pagtitiyaga mong lumaban sa malupit na mundong ginagalawan mo, maaaring ang buong paligid mo ay nababalot ng malungkot na memorya at ala-ala na kinakailangan mong palayain upang makita mo ang liwanag na ninanais mo. Posibleng isa ito sa dahilan o nagiging sagabal sa pagnanais mong magbagong buhay upang makaangat.

See more

BHABY ANN

nanaginip po ako ng 2 matanda bngyan ako ng pambili ng kandila tas nung umalis na ako ndaanan ko isang sapa na maraming ahas tapus merong ilog.. maraming tao palapit na ako ng ilog my bgla lumabas na ahas na cnakop lahat ng tao pinaikotan nia ito ng katawan nia maliban po sa akin habang naririnig ko mga sigaw nga mga tao na tulungan mo kmi..meron pa mga bata.. pahigpit ng pahigpit ang pag kaka ikot nia sa mga tao.habng papalapit ako unti unti nia niluluwagan ang pag kaka ikot nia sa nga tao.. nagssgawan na tulong..ako naghanap ng pamalo nakakita ako ng sanga ng kahoy .pero d nmn makakapaty ng ahas yun nung lumapit ako sa lahas niluwagan nia ng pagpapakitot ng katawan nia sa mga tao hanggang sa nakaalis n ang mga tao sa pag kkaipit nia..nag ctakbuhan na cla hndi nila ako tinulongan.. nagtama ang ang tingin ko sa mata ng ahas.. pagkatpus sbi ko ito na ktapusan ko kc naghahanda n ciang kainin ako.. hanggang sa nagising ako banda 3:45 am.. salamat po.. sna masagot ang anu po ibg sbhin ng panaginip ko.. godbless po

Ang pananaginip ng tungkol sa ahas ay nagpaparating ng isang negatibong kaganapan. Maaaring ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon na kung saan ika’y hindi ligtas o kaya ay may takot kang nararamdaman para sa iyong buhay. Ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng matinding pagkabagabag ng kalooban mo, pag-aalala sa isang bagay o isang tao, at posibleng ito rin ay takot na dulot ng kawalan mo ng kakayahang kumompronta ng problema o argumento sa ilang sitwasyon sa buhay mo.

– Ito rin ay maaaring senyales ng pagkasira mo sa mga taong malapit sa iyo dahil sa isang kaibigan o kakilalang nagbabalak na talikuran ka o tryadurin ka.

See more

Leonora

In reply to Frennie Rocero.

Nanaginip po ako ng dalawang ahas,cobra at sawa po,napatay ko raw po yung cobra ,yung ate ko naman yung nakapatay sa sawa,sobrang haba po ng mga ahas sa panaginip ko.
– Ang ahas sa panaginip ay nagpapahiwatig ng maraming kahulugan. At ang karaniwang kahulugan nito ay negatibo o pangit na sitwasyon. Samantala, kung ikaw naman ay nanaginip na nakapatay ka ng ahas, na ayon sa panaginip mo ay ikaw at ang nakatatanda mong kapatid na babae ay nakapatay ng ahas, ito ay nagpapahiwatig ng pagsususpetsa, tumutukoy rin ito sa takot, pag-aalala at katrayduran, ito ay maaaring nagpaparating na may isang taong tinatraydor ka o tinitira ka patalikod. Kaya naman makabubuti kung lagi kang magiging makilatis sa mga taong nakikilala mo at higit na sa mga taong pinagkakatiwalaan ninyo ng kapatid mo.

See more

beatriz tubog

pa read namn po ako birthday ko po ay may 9,1975

Hindi natutukoy ang magiging kapalaran ng isang tao sa kanyang kaarawan lamang at dapat na maunawaang gabay lamang ang mga ito. Ngunit, may mga gabay rin naman na maaring makatulong gaya ng mga horoscope at zodiac.
See more


Girlie allorde
Maestro ako po nanaginip ng kanin may bumibili daw po sakin bunabalot ko daw po ano kaya ibig sabihin ng panaginip ko?
Ang bigas sa panaginip ay nangangahulugan ng magandang pangitain. Madalas ito ay nagpapahiwatig ng paparating na kasaganahan, grasta, swerte, bagong simula at tagumpay. Kung minsan rin ay simbulo ito ng fertility para sa nananaginip. Kapag ikaw ay nanaginip ng bigas, nagsasaad ito ng paparating na kasiyahan at galak, posibleng ito rin ay okasyon, gaya ng kasal o binyagan.
See more

Raquel tamayo

Nanaginip po ako ginupit daw po ung buhok ko sa loob ng bibig ko…nu po kaya ibig sabihin?
Ang pananaginip ng tungkol sa ginugupit ang buhok mo ay nagsasaad ng mga pagbabago sa buhay mo. Maaring nagkaroon ka ng mga bagong pagtugon sa mga issue sa buhay at pagkatao mo. Samantala, kung ikaw naman ay nanaginip na ginugupit mo ang sariling buhok mo ay nagpapahiwatig ng nararanasan mong pagkaubos o pagkawala ng lakas mo.

See more

4 COMMENTS

  1. Hello po tanong ko lang po ano po kayang ibig sabihin ng panaginip ko?
    Nandoon daw po ako sa dating bahay na aking kinalakihan naghahalungkat daw po ako, hindi ko po alam kung ano ang hinahanap ko, (noong bata pa po ako mahilig po talaga ako maghalungkat ng kung ano-ano sa loob ng bahay namin dati) may nakita pa akong kahon na walang laman pero ang tumawag sa pansin ko ay ang kaldero na kulay silver yung normal na kulay ng kaldero kapag binibili po natin. May gagamba daw po doon na mga kalahati ng lapad ng palad ko ang laki. Doon po natuon ang aking atensyon. Para sa akin malaki na ang gagambang iyon. Medyo nakaramdam po ako ng takot kaya dali dali ko po kinuha ang kaldero at dali-dali ko pong pinatay ang gagambang iyon, gigil na gigil po ako sa panaginip ko at galit na galit habang pinapatay ko iyon. Hindi ko daw po tinigilan ang gagamba hanggang sa kumapit ng kaunti sa daliri ko at ito ay tuluyan ng mamatay. Parang nagmamakaawa ang gagamba na huwag kong tuluyang patayin. Nakaramdam po ako ng awa pero di ko din pinansin dahil mas inisip ko ang aking kaligtasan, sa isip ko po kasi ay baka kagatin ako nito. Tapos itinapon ko daw po sa aming bintana ang bangkay ng gamba na medyo gumagalaw galaw po noong aking itapon. Tapos po ay nagising na ako.

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

  2. Hello po tanong ko lang po ano po kayang ibig sabihin ng panaginip ko?
    Nandoon daw po ako sa dating bahay na aking kinalakihan naghahalungkat daw po ako, hindi ko po alam kung ano ang hinahanap ko, (noong bata pa po ako mahilig po talaga ako maghalungkat ng kung ano-ano sa loob ng bahay namin dati) ipinaglalabas ko daw ang mga laman sa ilalim ng aking kama, mga kahon at iba pa. Paghila ko daw sa isa ito ay kaldero na may gagamba sa ibabaw, hindi ko po pinansin ang gagamba noong una tapos ay tumayo ako at nagmasid. Maya-maya ay may nakita pa akong kahon na walang laman pero ang tumawag sa pansin ko ay ang kaldero na kulay silver yung normal na kulay ng kaldero kapag binibili po natin. May gagamba daw po doon sa ibabaw binalikan ko daw iyon, mga kalahati ng lapad ng palad ko ang laki. Doon po natuon ang aking atensyon. Para sa akin malaki na ang gagambang iyon. Medyo nakaramdam po ako ng takot kaya dali dali ko po kinuha ang kaldero at dali-dali ko pong pinatay ang gagambang iyon, gigil na gigil po ako sa panaginip ko at galit na galit habang pinapatay ko iyon. Hindi ko daw po tinigilan ang gagamba hanggang sa kumapit ng kaunti sa daliri ko at ito ay tuluyan ng mamatay, kitang kita ko daw ang pangingisay ng gagamba. Parang nagmamakaawa ang gagamba na huwag kong tuluyang patayin. Nakaramdam po ako ng awa pero di ko din pinansin dahil mas inisip ko ang aking kaligtasan, sa isip ko po kasi ay baka kagatin ako nito. Tapos itinapon ko daw po sa aming bintana ang bangkay ng gagamba na medyo nangingisay ngisay pa. Tapos po ay nagising na ako.

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here