Kahulugan ng mga Panaginip #28

96

Latest posts by MIss Angel (see all)

Walter allen ricohermoso
Lagi ko napapaginipan ang lumang simbahan at itim na libro at pag pinapasok ko ang simbahan na un di nako makalabas ang daming boses na di ko maintindihan ang kanilang mga sinasabe at may bulong sakin na isang babae bigla nalang ako nagigising at pakiramdam ko hinang hina ako di ko alam ibig sabihin nito panaginip ko nag hahanap ako ng sagot ukol dito sa panaginip ko ngunit wala ako alam sa mga bagay na ito….

            – ang iyong panaginip ay maaaring nagpapahiwatig ng mga pag-aalala at agam-agam mo sa buhay. Ito ay posibleng dulot ng depresyon o kaya naman ay mga bagay na sobra sobrang nagdudulot sa iyo ng kalungkutan. Ang itim na simbahan ay simbulo ng pagiging hindi buo ng paniniwala o tiwala mo sa isang bagay, ito ay maaaring relihiyon o anumang bagay na sagrado.

             Makabubuti kung ifofocus mo ang iyong sarili sa isang bagay o senaryo na makatutulong sa iyong malabanan o mawakasan ang mga negatibong nararamdaman mo o mga di kanais-nais mong isipin.

Joylin A, fabilla

Dear maestro
Ano po ba ibig sabihin na nakita k sa aking panaginip na nag pirmahan na ng hiwalayan ang ex k at ng asawa nya tapos naglalakad kami sa putik ng asawa ng ex k na babae tapos kinausap ako ng babae mahalin k daw ang asawa nya un ang ex ko kz ako parin daw ang mahal ng ex ko sabi ng asawa nya babae
Ano po ba ibig sabihin nito
Pakisagot po maraming salamat po…

            ang iyong panaginip ay tila ba nagpapahiwatig lamang ng normal na estado ng relasyon ng isang magkasintahan, maaaring iniisip mo na ito ay may malalim na kahulugan o kaya ay naiisip mo na baka totoong mangyari ito sa iyo at sa ex mo. Ngunit ang paliwanag ditto ay simple lang, posibleng kaya ka nakakapanaginip ng ganyan ay dahil sa madalas na pag-iisip mo sa ex mo o kaya’y maaaring wala rin kayong closure at hinahangad ito ng isa sa inyo.

margie aguilar

dear maestro,
napanaginipan ng kapatid ko ang aming ina na matagal nang patay na ang aming ina daw po ay umiiyak
ano po kaya ang ibig sabihin nun.

            – ang pagkakaroon ng panaginip na tungkol sa kaanak ay madalas na nagpapahiwatig ng gabay at pagkasabik. Maaaring kaya napanaginipan ng iyong kapatid ang nanay ninyo ay dahil sa sobra sobrang pagkasabik ninyo sa kanya. At isa pa ay ang pagpapahiwatig ng gabay sa inyo kahit wala na ang kanyang katawang lupa.

Eising Aguinaldo

Yun Po pala Ang panaginip NG lumilipad…Kasi PO ako lagi akong nanaginip NG lumilipad o lumulutang SA hangin kahit habang naglalaklak ay nakalutang ako SA hangin at SA pakiramdam ko nun SA panaginip sbrang sarap NG pakiramdam ko Po prang ung feelings ko Po dun ay sbrang proud ako SA sariLi ko..at ska Po hbang lumilipad ako pauwi dito SA bahay namin ay ung mga tao Po nkatingala skin at nappatigil SA mga gingawa nila Kasi titingin sila skin habang dumaan ako SA hrapan nila..Lagi panaginip ko tlga ay lumilipad ako at pag baba Naman PO ako GaLing SA pag lipad ko ay di nman PO ako natutumba o naano..ung tipong control na control ko Ang pag baba ko at pag lipad ko SA panaginip ko..at wala man Lang akong halong kabang nakaramdam dhil sa lumilipad ako ..nabasa ko Po ngayon ay in pla un komo konecta ito SA pangarap SA bohay…At totoo Po yung mga sinabi nyo..Kasi PO in true life ko Po pangarap ko Po tlga nuon pa mka abroad pra makatulung SA mga magulang ko at kapatid ko kaso nuon Po tlga hirap ko to maabot dhil sa sarit saring dahilan SA bohay..hanggang SA mag aswa na PO ako ngayon dami Naman PO akong napasukang trabahong mgaganda kso ung sweldo di tlaga Po sumsapat SA pamilya ko khit dlwa na PO kmi g nag hahanapbohay..Kya umuwi nlng kong probensya at kinausap ko aswa ko tutuloy ko na tlga pangrap ko maka abroad..at ito nga PO naglakad ako NG mga papilis ko pra mo kuha NG passport at Ang taas tlga PO NG pangrap ko pag naka abroad ako SBI ko SA papa ko babawiin natin ung palayan mo pa na nabinta ..tapos pangarap ko bibilhin ko tong lupa na tinitirikan nmin NG bahay at marami pa pong matataas na pangrap Ang gusto ko maabot pg maka abroad ako..at UN pla mahulugan NG kasalukuyang Kong laging panaginip na maglalakbay ako dhil ngayon Po passport nalang hinhintay ko at makaka abroad na ako..Oct 31 Ang deliver NG passport ko Po..hai…tnx PO at nalinawan Ang panaginip ko…
Nais ko din PO pla ibahagi na di PO ako ordinaryo managinip ksi Lahat Po ng panaginip ko mag masama o maganda ay nagkaka totoo..nakakatakot Po ako managinip NG sunod sunod na gabi Gabi o paulit ulit na panaginip Kasi PO nagkakatotoo..Lalo na po pag diko pinapansin ung panaginip ko na paulit ulit biglang nagkakatotoo..na gugulat Po ako pag nangyari na ksi PO pag nangyari na sya ska ko Lang nare realized na Kya pla lagi ko tong napapanaginipan..masama Po nun my mga bagay na masamang Mangyayari SA panaginip ko at kailangan ko pala itong pigilan… SA totoo lng PO umiiwas tlga ako nung Bata Bata pa ako mas matindi Po nun mga tungkol SA namatay na Ang napapanaginipan ko..ung iba tungkol SA kremin ung iba nman PO tungkol sa tao paano pinatay..diko nman PO un pinapansin nun ksi Lalo na Bata Bata pa ko nun Malay ko ba UN Kung ano UN..napagtatanton ko nlng kpag naresolba na ung kaso..nkakainis bat ako meron ganito auko NG mga ganito Po ksi minsan pag diko mapigilin ung pangitain SA panaginip ko ay biglang namamalayan ko Mangyayari nlng bigla…my mga pangyayari din PO na nakita ko na nangyari NATO Ang nangyari ngayon tapos my Lugar din PO ako na nakikita na dati ko NG nakita o pamilyar na pamilyar skin pro ung totoo bohay frst time ko plng nakita ung Lugar na UN..at ngayon na nman PO lagi ako nanaginip ng isang Lugar pabalik balik Ang panaginip ko SA Lugar na UN at bundok pa nman PO un..at meron dw dun dlwang mg aswang manggagamot at my sinasabi Po sila SA panaginip ko at diko nman. Maintindihan Po yung bundok na Lugar na lagi ko napapanaginipan ay dun PO un SA Lugar NG Lolo SA side NG mother ko .ayw ko Po tlga pumunta SA Lugar na UN ever since Bata pa ako ayw na ayw ko sumama SA mother ko pag pupunta sila nun kila Lolo SA bundok na UN Kasi PO nakakaramdam ako NG takot..Ang Hindi ko maintindihan bat nman ako matatakot dun Ang gnda Lugar UN iwan ko ba dun pgtumitingin ako SA bundok nkakaramdam ako NG kakaiba at kinikilabutan pa ako at pra bang Kung anong meron dun…..haiiii diyos ko Po naiinis ako SA sariLi ko
My tatanong Po sna ako pang MMK nrin Po yng nakwento ko lubusin Kona .lagi PO kasi ako nanaginip NG nag Po proposed skin ano PO b ibig sabihin nun.di nman PO ako pdi ikasal sknya ksi kasal Po sya SA una dipa sila annul..

            – maraming salamat sa iyong mensahe, nauunawaan ko ang nais mong iparating at sana’y iyong itatak rin sa isipan mo na lahat ng magagandang nangyayari sa iyo ay dahil sa pagsisikap, mga bagay na nakakamtan mo dahil sa iyong katiyagaan at hindi lamang dahil sa pag-asa asa sa kung maganda o pangit ba ang magiging kahulugan ng panaginip mo.

             Samantala, ang maaaring nais na iparating naman sa iyo ng panaginip mo tungkol sa proposal ay pahiwatig ng pagtanggap mo ng mga responsibilidad at kung handa ka na ba sa commitment. Maaaring naman na ito rin ay kabaligtaran ng kung anong panaginip mo, posibleng ito ay closure na ninanais ng isa sa inyo ng dati mong karelasyon.

Liezel cana

Maganda gabi po.. lagi po akong nagbabasa ng column nawa po ay mabasa niyo ang aking comment.. ako po ay ipinanganak ng nov. 6 1985. Gusto ko po sana malaman kung aasenso po ba ung tindahan na nabili ko at makakabayad po kaya ako sa mga pagkakautang ko.. salamat po ng madami.

            – Bagama’t walang kasiguraduhan o relasyon sa negosyo ang araw ng kapanganakan, ang mga bagay na may kaugnayan sa career at pera ay hindi nababasa sa kung kailan ang birthday ng isang tao. Ang tanging maipapayo namin sa iyo ay ang kasaganahan at tagumpay ng isang tao pagdating sa buhay, pag-ibig, career at negosyo ay nakasalalay sa kung gaano kasipag at katiyaga ang isang tao, ganun na rin pagdating sa diskarte at iba pa.

Michelle Broqueza Arciga

Napakadami ko nang natutunan at mga katanungang nabigyan ng kasagutan at lubos na naunawaan sa pagsubaybay sa bawat Artikulo ng #PhilippineOne. Salamat po ng madami sa inyo! Salamat sa pagiging Bukas-Palad ninyo na maibahagi sa karamihan ang inyong Kaalaman. God Bless You all po.

            – Maraming salamat rin sa iyo Michelle! Nawa’y patuloy mong suportahan ang PhilippineOne at patuloy rin kaming magbabahagi n gaming kaalaman at tulong sa inyo.

See more

Amafe V. Tizon

sir rey paano po ba mlalaman kung soutwest po un loob ng Bahay? para mailagay po ung garapon s tamang lagayan? 

            – Malalaman mo ang southwest ng iyong loob ng bahay kung ano ang kabaligtaran na puwesto ng iyong pintuan, iyun ang south. Ang southwest ay timog-kanluran.

See more

madonna catherine castueras

dear maestro ong

good day po. pwede sana magtanong about sa kaibigan ko na nanaginip ng kabute, masama o mabuti po kaya ang ibig sabihin nun sa kanya, sa panaginip po nya nanguha o namimitas sya ng kabute, sobra po sya natakot sa kahilugan ng kabute, at pano po maiiwasan, salamat po at god bless po.

            – hindi naman lahat ng panaginip na tungkol sa kabute ay nangangahulugan agad na masama. Kung minsan ay suwerte rin ang dala nito. Katunayan nga, kung iisipin ay swerte ang kabute pagka’t ito ay hindi naman basta basta na napipitas lamang, mataas din ang presyo nito, kaya’t kung iisipin ay grasya ito.

             Importante din ang mga mumuting detalye sa mga panaginip sapagkat nakatutulong ito na malaman kung ano ang eksaktong ipinararating o pahiwatig ng panaginip niya.

Ella

Dear maestro,

Magandang araw po. Ano pong ibig sabihan pag nanaginip po ng putol na puno o patay na puno tapos pinamamahayaan na ng langgam na pula? Salamat po 🙂

            –  Ang puno ay madalas nating ihalintulad sa katawan ng tao, kapag napuputol ang puno ay nangangahulugan ito ng pagod na panganatawan o sumusukong katawan, maaaring dahil sa pagod o katandaan o paghihirap na dulot ng ibang tao. Samantala ang pulang langgam naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng sakit at hapdi kaya’t ang panaginip mo ay posibleng may kaugnayan sa pagdurusa at kabiguan.

Mitch laurente

Dear Maestro,

Nais ko po sana itanong kung ano ang ibig sabihin ng akin panaginip. Halos magkasunod po n araw ako nananigip ng kakaiba. Pakawari ko po mga bandang madaling araw ko po napanaginipan.

Ang una ko po napanaginipan ay isang magandang kulay itim, n my halong iba pang kulay n ahas pero mas higit ang kulay itim s kanyang balat. Nakahiga dw po kame sa sahig kasama ang anak ko at kapatid kong babae. Napansin ko dw po s panaginip ko n my nakatitig n ahas sakin n gumagapang s taas ng pader , hindi dw po ako gumalaw para hindi nya ko tuklawin. Patuloy dw po s paglipat ang ahas sakin hanggat s nasa mismong harapan ko n sya as in face to face. Nung tutuklawin n dw po ako nahawakan ko yung ulo at nailagay ko sya s ilalim ng kumot, kaya lng naalala ko n nasa kumot din ang anak ko. Sabay dating nmn ng tulong ng mga kasama ko bahay at sinikap namin alisin ang anak ko s kumot at sinubukan patayin ang ahas. Ngunit ng tignan namin ang kumot wala n dun ang ahas. Sabe ng isa nming kasama nakatakbo n dw po.

Yung 2nd n panaginip ko nmn po ay naging PA dw po ako ng isang sikat n korean actress habang nagshooting S parang abandoned warehouse bigla dw my Malakas n buhawe s labas. Inalalayan dw ako ng bf ko after nmn ng buhawe isang lindol nmn dw po ang ngyari kaya dinala ako ng bf ko s lugar masasabe n safe. Natapos nmn dw po ang lahat ng iyon kaya minarapat namin n umuwe n sakay ng kanyang motorcycle naging Mjeo matarik n paahon po Ang dinaanan namin para marating ang dulo kung saan my mga nghihintay n mga taong wari koy natutuwa ng kame ay makita.

            – Sa una mong panaginip ay nagpaparating ito sa iyo ng paalala o babala. Sa panaginip ay madalas na ipinahihiwatig ng ahas ay kataksilan at katrayduran. Lalo na kapag itim ang kulay ng ahas. Bagamat ito’y interpretasyon lamang ay hindi ito dapat na balewalain. Mas mabuti pa rin kung mag iingat, huwag basta basta magtitiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo.

             Habang sa sunod mo namang katanungan ukol sa iyong panaginip, ay maaaring nagpaparating ng sunod-sunod na unos o peligro. Posiblng ito ay nagpapaalala sa iyo ng pag-iingat lalo na sa papasukin mong trabaho o bagay na iyong pagdedesisyunan, kung hand aka ba rito at kung iyo ba itong kakayanin.

SHARE
Previous articleAng Pamamaalam ni Starla
Next articlePaano magiging successful ngayong etneb etneb?

1 COMMENT

  1. Sir Rey good day po aq po madalas makapanaginip,kagaya po 9 years ago parang nakikita ko yong mangyayari sa mondo matutuyot ang mga ilog ,magia crack po ang lupa sa ibat ibang Panig ng mondo,yong matataas na tubig ,sunog at apoy po,,,nasundan papo mg maraming beses yan at minsan kahit po dilat ang akingmga mata ,maraming marami pa po,aq po may 3rd eye at malakas ang pakiramdam ko sa maraming bagay akoy hirap na po sa nakikita ko ang paglubog ng ilang city sa maynila contineous ko na lng po sa susunod pakisagot naman po,thank you and God Bless po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here