Kahulugan ng mga Panaginip 27

268

Glenn

Good day, Maestro Honorio Ong!

“Dumudumi po ako sa inidoro tapos bubuhusan ko na po kasi tapos na po ako nang nasa kalagitnaan na po ako ng pagbuhos ng tubig at paubos na yung tubig sa timba na ibinuhos ko ay biglang may bumubuwelta na malakas na puwersa sa inidoro at biglang may lumabas po na isang malaki at light blue na ahas mula sa inidoro.”
Lalabas po ba ang unconscious power ko? Kasi po mga ilang araw na po ang nakalipas eh nag-try po akong mag-training ng opening the 3rd eye techniques may kaugnayan po ba iyon?

  • Ang panaginip mo ay nagpapahiwatig ng pagtanggap mo ng pagbabago at pagnanais na maalis ang mga negatibong bagay sa buhay mo. Samantala, bagamat kakikitaan nang tila kakaibang detalye ang panaginip mo gaya ng nagliliwanag na ahas, hindi ito tinutukoy na may unconscious power na lalabas sa iyo. Maaaring may kaugnayan ang pagsusubok mo mabuksan ang third eye mo ngunit walang kasiguraduhan ang lahat ng ito.
  • Makatutulong kung iyong matatandaan lahat ng detalye sa panaginip dahil malaki ang naitutulong nito sa pag-iinterpreta ng panaginip, tandaan rin na ikaw ang makapagtututgma ng mga bagay bagay lalo nang mga nagaganap sa panaginip mo.

See more

Samantha

Lagi ko pong napapaginipan ang panganay kung anak na lalaki. Pumanaw sya january this year. Unang panaginip ko sa kanya is umuwi daw sya sa bahay namin na masayang masaya, buhay na buhay at may dala dala syang isang biik..pangiti ngiti sya na daladala yung biik tas sabay sabing “mommy, andito na ako bumalik na at buhay na buhay ako..Maya-maya nakawala yung biik tas hinabol nya at hinuli.. Sa pangalawang panaginip ko, ganun parin sabi nya BUHAY daw sya di na nya dala dala yung biik..

  • Nagpaparating ang panaginip mo ng gabay at pagkasabik, atin ring dapat na maunawaan na kapag madalas ang pag-iisip natin sa isang tao o bagay, ang kadalasang nagiging resulta o epekto sa atin ay nadadala natin ang mga ito hanggang sa panaginip.
  • Higit sa lahat, kapag sobra ang pananabik at pag-iisip mo sa isang tao ay hindi malabong mapanaginipan mo ito, at kung araw-araw mong iniisip ito, hindi malabo na araw araw mo rin itong mapanaginipan.

See more

Nayhai

Hello po..ako PO ay nanaginip mg ahas na puti may panga mhahabang ahas na puti sa ilalim mg tubig Hindi lang Isa o dalawa kundi higit pa kasama ko Ang akung mga kaibigan pero Ang mga ahas na puti sa tubig ai Hindi nmn nangangat Basta lumalangoy Lang sila pero sa of kakatanda ko may Ilan din sa kanila na parang nakikipaglaro pa sa panaginip ko..maraming salamat po at Sana matulungan nyo PO ako mabigyang linaw Ang along panaginip..GOD BLESS YOU PO

  • Ang ahas ay mayroon lamang dalawang pinahihiwatig, maaaring positibo ito o negatibo. Kung maaari ay kilalaning mabuti ang mga taong pinakikisamahan. Kung sa iyong palagay, ang mga ito ay nasa tabi mo lamang ay dahil sa kung anong meron ka ngayon, makabubuting layuan mo ang mga ito. Maraming tao ang magaling lamang magbalat-kayo.

See more

Arnie

Dear Maestro,
Nanaginip po ako na ako ang ikinakasal malinaw na malinaw din po kung sinu ang groom at naglakad po ako sa simbahan. Anu po kaya ibig ssbihin nun?

  • Nagpapahiwatig ito ng mga pagbabagong parating o darating sa buhay mo na handa mo namang tatanggapin. Maaaring ang mga ito ay responsibilidad o obligasyon na handa mong panindigan.

See more

Gavina villafania

Magandang umaga po maestro
Ganito po yon ngaun po napanagipan ko about sa trysikel kaso nadisgrasya po kame kasama ko aswa ko at dlawang hepag ko.. Dumating mga police na punta kme sa gnito ..pumunta naman kme ng aswa ko kso yong dalawang hepag ko naiwan sila hindi namin alam kong ok ba sila sinusubukan namin twagan kso hindi matWagan..tas youb iyak aq ng iyak grbe pg aalala ko sa kanila hanngang umuwi kame kinausap ko aswa ng hepag ko umiiyak ako.. Anu nga ba pahiwatig nito .. Mraming salamat po

  • Nagpaphiwatig ang panaginip mo ng babala at ng pangangailangan mong makaunawa sa mga bagay o sitwasyong hindi kontrolado ng tao. Maaaring kaya ka nagkakaroon ng ganyang panaginip ay dahil na rin sa mga karanasang nasaksihan at napagdaanan mo na ngunit hindi mo ito masyadong pinagtuunang pansin at sinubukang unawain.
  • Sa susunod na mga mangyayari sa iyo, dapat kang makinig sa mga tao na may makatwirang opinion o magbigay atensyon sa mga bagay na may ninanais iparating sa iyo. Huwag itong ipag-pasawalang bahala dahil baka makatulong ito sa iyo.

See more

Riza AWagan

Sir PD po pahula po Oct.18,1986 bday q po aasenso po b aq….

  • Hiindi matitiyak ang kapalaran o pag asenso mo sa iyong kaarawan lamang, ikaw lamang ang makapagsasabi ng pag-unlad at asenso mo. Makabubuti kung hindi natin sa hula iaasa ang pag-asenso ng isang tao.

See more

Rcel

Magandang araw po maestro,itago nyo nlng po ako sa pangalan na Rcel.gusto ko lng po malaman kng ano ibig sabihin ng panaginip ko.nanaginip po ako ng ahas hinawakan ko po cya sa liig tapos kinagat po ako sa kaliwang kamay at nakatakas cya.sana nman po masagotan ang aking panaginip,maraming salamat po maestro

  • Ang ahas sa panaginip ay dalawa  lamang ang sinisimbulo. Maaaring ito ay negatibo o positibo. At sa maraming pagkakataon, ito ay nangangahulugan ng betrayal o kataksilan. Maaaring may malapit sa iyong tao o kakilalang nakakasundo mo ngunit iba naman ang tingin sa iyo o hindi naman kasundo ang tingin sa iyo.
  • Kung ikaw ay hindi pa naman nakararanas ng ganitong eksena, mag-ingat sa mga taong kikilalanin at pagkakatiwalaan dahil hindi lahat ay maganda ang intensyon sa iyo.

See more

Marjo

Good afternoon po nanaginip po ako ng ahas na Malaki na kulay itim hinuli po sya sa panaginip ko ng lalaki at nka hulapos po ang ahas at nkawala ako daw po at tumakbo da tubig na mababaw dahil bka ako daw po at matuklaw.marami.pong tao sa.akingnpaligid..

  • Maaaring ito ay nagpapahiwatig ng pagiging mapagtiwala mo kahit sa ma taong hindi mo pa gaanong kilala. Minsan ang dahilan ng ating pananaginip ay dahil sa mga bagay na akala natin ay ayos lamang ngunit ito ay may dala na palang kapahamakan sa atin. Gayun rin sa sitwasyon mo kaya’t pag-aralan mabuti ang mga ginagawang hakbang at kilost at kung maaari ay huwag magtiwala agad kung hindi pa ganoong kakilala ang personalidad o karakter ng isang tao.

See more

3 COMMENTS

  1. Magandang umaga po.may tanung lang po ako Kasi nanaginip po Kasi ako nAng aha’s tpos lumipas lng po nAng two days nag katotoo po Kung ano po Ang pang yayari s panaginip ko ganun n ganun din po .ano po b ibig sbihin po nAng panaginip ko.maraming salamat po

  2. Magandang umaga po.may tanung lang po ako Kasi nanaginip po Kasi ako nAng aha’s tpos lumipas lng po nAng two days nag katotoo po Kung ano po Ang pang yayari s panaginip ko ganun n ganun din po .ano po b ibig sbihin po nAng panaginip ko.maraming salamat po.matagal ko n pong gustong malaman Kung ano ibig sbihin po nto.slamat po

  3. Good Day po Maestro..

    Nung isang araw po napanaginipan q mama q sabik na po akong makita mama q dahil 3 new year na po na Hindi namin sya nakakasama kaya tampurorot po aq sa kanya,.nanaginip po aq na umuwi po sya at nakita q po na naglalaro po sya ng baraha
    Ano po ibig sabihin nun?

    At nyong kapitbahay po namin sa Antipolo patay na po sya pero sa panaginip q po buhay na buhay at malakas po ano po ibig sabihin ng mga napanaginipan q..
    Maraming salamat po sana po ay mabigyan linaw ang panaginip q..God bless po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here