Kahulugan ng mga Panaginip 21

936

Hilaria

Dear maestro, magandang araw po, ako po tawagin mo nlng ng lola libra. Meron.po akong gustong hingin kasagutan s panaginip ko n tungkol s alahas din po.
Sa isang bus station kasi napakaraming naghihintay n pasahero at ang mga bagahe ng mga pasahero ay napakarami at nagtutumpok tumpok, iniwan ko amg bagahe ko kasama ng bagahe ng mga kasabay ko pero nagbalak ako ay lumabas s bus station at may bibilhin ako kaya inayos ko ang bagahe ko pr itabi. Sa kqbilang hilira ng upuan may naghahanap ng hikaw nyng nawawala at s pag ayos ko ng bagahe kp ay nakita ko ito pero s halip n ipaalam s naghahanap n may ari at aking tinago ito at dinedma ang naghahanap n may ari. Hindi ko cy pinansin dhil ang hikaw ay malaki at maganda pero isang piraso nga lang. Hindi ko p natapos ang pag aayos ko ng mga gamit ko nung nagising ako dahil umaga n po kasi.. ano kaya inig sabihin noon?
Maraming salamat po..

               –              Ang madalas na ipinahihiwatig sa atin ng mga perlas o alahas sa panaginip ay self-worth at imahe o personalidad mo bilang tao. Maaaring simbolo rin ito ng yaman o bagay na mahalaga sayo at pinahahalagahan mo. Ganun na rin ang pagpapahalaga mo sa iyong psychological at mental health. Samantala ang bagahe naman ay sumisimbulo sa mga ninanais mo, mga pag-aalala at responsibilidad na bitbit mo.

               At sa pagkakaintindi ko sa iyong panaginip ay tila ba ika’y nagnanais pa ng mas malaki o karagdaagan sa yamang mayroon ka na, at sa kabila ng mga responsibilidad at obligasyon mo ay naisip mo na hindi na lamang isauli ang alahas na nakita mo dahil bukod sa iyong kinahihiligan ito ay alam mong makatutulong rin ito sa iyo.

See more

Melanie patatag

Dear maestro. Nanaginip po ako ng alahas, nasa sapa daw ako at naglalakad pero Hindi ko Alam kung sino yung Kasama ko. Medyo Maliit Lang yung sapa my kaunting tubig at my mga bato sa gilid at madilim, pagdating namin sa unahan maliwanag na at malawak. Habang nakaupo ako parang my nakita akong alahas sa Lupa pero yung Lupa na yun my halong buhangin tapos nung kinutkot namin napakadaming alahas subrang dami. Tapos pag my dumadaan na ibang tao kunwari hindi Kami nagkutkot kunwari nangunguha Lang Kami ng bunga sa isang puno na my nakalaylay na ugat na maliliit na hitik sa bunga pero hindi ko alam kung Anong klaseng puno yun. Tapos pag nakadaan na yung tao kutkot na naman kami na napakadaming alahas kumikinang pa! My hikaw kwentas at bracelet na subrang dami. Tapos nung hindi na namin Kayang ilagay sa palad yung nakutkot na alahas huminto na kami at inilagay ko yung ibang alahas sa bra kasi wala na akong mapaglagyan pa!. Pagising ko sinabi ko agad sa asawa ko. Yun pala nanaginip din daw xa na ginto nasa Kalsada daw madami at kumikinang. Ano po ibig sabihin nun….

               –              Kagaya nga ng pagpapakahulugan sa panaginip, ang alahas ay nangangahulugan ng self-worth at value, maaaring ang dahilan kaya kayo nanaginip ng asawa mo ng ganito ay dahil sa naghahanap kayo ng halaga o tumbas bilang ga tao o pwede ring bilang mag-asawa kayo. Posible rin na pareho kayong naghahanap ng sagot kung ano ang halaga nyo sa isa’t isa.  At iyun ang senyales na ibinibigay sa inyo ng mga panaginip ninyo.

               At karugtong pa nito, iyong nabanggit na tuwing may dadaan na tao sa inyong pinaghuhukayan ay tumitigil kayo at iyo ay maaaring dahil hindi naman kayo sa ibang tao naghahanap ng halaga kundi sa isa’t isa lamang din o sa inyong mga sarili

See more

Marco Villaresco

Ano ang magiging kapalaran ko ngayung buwan ng octobre

               –              Ikaw lamang rin ang makararamdam at makiintindi ng mga nagngyayari sa iyo ngayon, kung iyong nararmdaman na magiging maganda ang kapalaran mo ngayon Oktubre ay maaaring ganun nga ang mangyari, at kung ikaw naman ay negatibo rito at iaasa mo lamang sa hula o sa ibang tao ang mga mangyayari sa iyo ay maaaring ganun nga ang mangyari sa iyo. Kaya naman mas makabubuti na ikaw ang  makaunawa sa iyong sitwasyon.

               Bukod pa rito, ikaw lamang rin ang may kakayahan na makapagbago ng sitwayon o kpalaran mo. Kung sa iyong sitwasyon ngayon ay tila magulo, ikaw lamang ang makapagpapabago nito, upang mabaliktad mo ang sitwasyon mo.

See more

Nydelyn sanib

Ano Ibig sabihan ng panaginip na may Nagbigay sakin ng wallet walang Laman

               –              Ang wallet ay sumisibulo sa tiwala at value na ipinagkatiwala sa iyo ng isang tao. At sa panaginip mo ay maaaring nagpapahiwatig ito ng kawalan ng kakayahang pinansyal. Ito ay nagpapahiwatig ng paghihirap ng taong nagbigay sayo ng wallet na walang  laman.

               Minsan ay nagpapahiwatig rin ito ng pagkatalo at pagkawala ng pinagkukunang pinansyal, kakapusan ng oras at enerhiya, at iba pang bagay o sitwasyon na maiuugnay sap era.

See more

Amy Santos Sinay

pano po kung yung bracelet line sa taas my puwang I mean nd po sya magkarugtong ano po ibig sabihin?? Pang 6 po sana sya na bracelet line.. #justasking thanks po

               –              Ang braclet sa panaginip ay nagpapahiwatig ng swerte, pera at grasya, maaaring kaya ka nagkaroon ng ganitong panaginip ay mayroong sitwasyon sa buhay mo nakararamdam ka ng pagkabalisa at pag-aalala. Ang bilang naman sa bracelet mo ay maaring walang koneksyon sa panaginip mo, kung makapagdaragdag ka ng detalye ay maaring mas mainterpreta nang may kalinawan ang panaginip mo.

See more

Katrina pagulayan

Nanaginip po ako na may isa daw kaming kaklase transfer po sya binigyan daw nya po ko ng singsing at relo ano po ibig sabihin non lalaki po yung nag bigay non sakin

               –              Simple lamang ang paliwanag sa panaginip mo, maaaring ang tao na ito ay nagpapahiwatig na handa siyang maglaan ng oras at commitment sa iyo na syang kahulugan ng dalawang bagay – singsing at relo. Ang singsing ay simbolo ng commitment sa panaginip at gayun na din sa totoong buhay samantala ang relo naman ay oras ang ipinahihiwatig.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here