Kahulugan ng mga Panaginip #2

3246

Bae kuh

Gusto ko po sana malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko..nanaginip po kc ako na namumulot ako ng ginto sa buhanginan..

–             Maraming kahulugan ang paglitaw ng ginto at buhangin sa ating mga panaginip at sa iyong kondisyon ay malalim ang pinakakahulugan nito. Ang pananaginip ng buhangin ay madalas na nagpapahiwatig ng pinong kalungkutan at tutok na pagtitiyaga sa buhay upang maging mayaman, samantalang ang paghahanap o pagkakita naman ng ginto sa iyong panaginip ay senyales na may paparating na grasya sa iyo ngunit kailangan mo muna itong pagtrabahuhan ng sobra bago mo makamtan. Sapagka’t iyon ang inirerepresenta ng paglalakad mo sa buhanginan at pamumulot mo ng ginto rito.

               Isa pang pwede ring kahulugan ng iyong panaginip ay ang paparating na kasaganahan sa iyo ngunit sya naming pagluluksa rin, dahil ang buhangin ay nagiging signos rin ng kamatayan at pagluluksa at ang ginto naman ay nagpapahiwatig rin ng kapangyarihan at grasya na maaaring makakamtan mo o mahahanap mo sa pagitan ng pagluluksa mo.
Link: https://www.google.com/amp/s/philippineone.com/hindi-lang-sobrang-halaga-ibinulgar-ni-maestro-kahulugan-ng-ginto-at-perlas/amp/

Geraldine Bilon

Ano naman po ibig sabihin ng panaginip ko. Isa po akong OFW. Sa panaginip ko po umuwi daw po ako.,at pagdating ko daw po ng pinas nagpamedical daw po ako kasi required daw po samin na before bumalik sa abroad is kailangan mag pa medical .eh sa medical po may stool test. So ayun tumae daw po ako. Kaso nahirapan daw po ako kasi hindi ko alam kung pano ko sya ipapasok sa stool bottle dahil wala daw po akong dalang tissue o khit ano mng bgay na pwede kong gamitin pan dukot sa tae. Thank you po in advance.

 –            Ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip kung saan ika’y nahhirapan sa pagdumi ay maaaring senyales ng mga negatibong emosyon at mga hindi magandang saloobin na pinagdadaanan mo sa buhay mo ngayon.At kaya ka rin nahihirapan ay dahil sa  wala ka pang alam o hindi mo kilala kung kanino ka magsasabi at maglalabas ng sama ng mga emosyon mong ito at saloobin. At sa iyong panaginip ay nabanggit mo ang tungkol sa pagiging OFW mo at kailangan mo pang bumalik , maaaring isa itong dahilan kung bakit nagkakaroon ka ng magkakahalong emosyon at damdamin.
               Maganda kung iyong malilinaw ang damdamin mong ito at magsabi o maglabas ng saloobin sa taong maaari mong pagktiwalaan, o kaya ay sa malapit sa iyong puso na hindi ka huhusgahan. Ang pahihirap mo sa iyong panaginip ay signos na dapat mo na itong gawan ng solusyon upang hindi ito maipon sa loob mo, gayun na din na maaaring magkaroon ito ng patong patong na epekto sa iba pang mga problema mo na magpapakomplikado rito.
Link: https://philippineone.com/kahulugan-ng-ebs/

Elizabeth

Hello po maestro ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na pagpasok ko po sa bahay na tinitirhan ko makita kong may kuarto na bago ang x ko na matagal ko ng d kasama sa buhay

–              Isang maaaring paliwanag sa panaginip mo ay ang pagkakaron ng bagong karakter o personalidad sa buhay ng dating kasintahan mo. Ipinararating nito sa iyo kahit na maaaring wala na nga kayo ng dati mong nobya ay konektado pa rin ang ilang parte ng isipan o damdamin ninyo. At ang bagong kwarto o silid na nakita mo sa iyong panaginip ay senyales rin ng bagong lugar sa buhay nya na pupunan ng mga paparating o ibang mga tao na makikilala at makakasama nya.
               Maaari ring ito’y nagpaparating na may bago nang lugar sa buhay mo ang dating kasintahan mo. Pagka’t base sa pagkakapaliwanag mo ay sa bahay na tinitirahan mo ay may bagong kuwarto ang ex mo, ito’y senyales na nabigyan mo na sya ng ibang kahulugan sa puso mo, maaring hindi na ito kagaya ng dati.
Link: https://www.google.com/amp/s/philippineone.com/dahil-pumasok-sa-bagung-bagong-bahay-dumiretso-sa-kuwarto-at-umupo-sa-kama-sey-ni-maestro-matatagpuan-mo-na-ang-iyong-forever/amp/

Norelyn Rosales

Napanaginipan ko pong tumae po ako ng napakarami. Isang puno ng regular na timba. Kasing lambot daw ito at kasing itim ng putik. Iniisip ko daw po na itapon ito sa may kanal ngunit naisip ko pong mangangamoy ito ng husto kasi malapit lang sa amin. Iniisip ko daw po na itapon na lang ito sa may irrigation.Habang iniisip ko daw po ito at naghihintay ng tyempo na wala nang tao…dumating ang asawa ko at anak na babae at humingi po ako ng sorry sa asawa ko at nagpatulong ako sa kanya kung pano ko itatapon ang tae. Don na po naputol ang panaginip ko
.

–         Senyales ang iyong panaginip na dapat mo ng ilabas ang patong patong na negatibong emosyon sa buhay mo at gayon na rin ang mga sama ng loob na naipon na sa damdamin mo. Sa iyong panaginip ay mapapansin na nagdadalawang isip ka kung saan mo ito ilalabas o kung kanino ka hihingi ng tulong, at iyon ay walang iba kundi ang iyong katuwang sa buhay at anak mo, ang asawa mo at ang anak mong babae ang makatutulong sayo upang mailabas mo at maisiwalat ang umaapaw na mga sama ng loob at sakit na naipon na sa puso mo, dahil pamilya mo sila at sila lamang ang mga taong hidi huhusga sa pinagdadaanan mo at sila rin ang magbabangon sa iyo.

               At iyo ring nabanggit na naghahanap ka ng tyempo na kung saan ay nagaantay ka ng pagkakataon na wala nang tao bago mo itapon ang duming bitbit mo, ito’y nagpaparating na hindi mo nais na ipaalam sa kahit kaninuman ang negatibong emosyon at mga sama ng loobna naipon mo at nang dumating ang asawa’t anak mo ay natulunag ka nito na syang sa tunay na buhay ay tutulong sa iyo anuman ang pinagdadaanan mo.

Link: https://philippineone.com/kahulugan-ng-ebs/

Ann

Hi po! Ako po ann*sagittarius. Gusto ko lng po sna malaman ang panaginip ko na may nakita daw akong isang batang babae na may hawak na isang bag na malaki na naglalaman ng napakaraming pera.milyon ang laman ng bag.kumuha ng isang milyon ang bata at binulsa nya to. sa isang banda may nkita akong maraming ice cube.pero marami sila.umuusok ang ice at ramdam ko ang lamig nito. Ano po kya ibig sabihin ng panaginip ko? Maraming salamat po sa pagtugon ng aking hiling.

–             Nais ipaliwanang sa iyo ng iyong panaginip ang panganib ng pera at ang nakapapasong tukso nito. Sa iyong panaginip ay maaaring senyales na layuan mo ang tukso hangga’t hindi pa ito ganung kalaki pagka’t hindi mo alam ang panganib at delubyong maaaring dulot nito sa iyo at sa buhay mo.  Marami kang tatahakin at maari din na may matakasan ka nga sa mga isyung iyong kakaharapin ngunit gaano man kalamig ang yelo ay tunay na nakakapaso rin ito. Ang magandang gawin ay mag inagt sa kung anumang desisyon ang gagawin sa buhay at huwag basta basta magpapasilaw sa pera o kung anumang kasikatan.
               Ang bag na naglalaman ng napakaraming pera ay pwedeng simbulo ng grasya o di kaya’y nag aabang na kapahamakan. Sapagka’t hindi rin naman tukoy ang pinaggalingan ng bag. Ang bata ay maaaring ikaw o taong malapit sa iyong buhay na iyong nasaksihan o masasaksihan sa kaparehong sitwasyon sa panaginip mo. At sa likod ng mga kahulugang ito, mainam pa rin na ang gawin ay tugunan lahat ng tama at mabuting gawain, lalo na’t wala kang tinatapakan  na tao.
Link: https://philippineone.com/panaginip-tungkol-sa-bag-na-naglalaman-ng-pera/

11 COMMENTS

  1. Gandang umaga po.. Ano po ibig sabihin ng panaginip ko, nanaginip po ako na naligaw ako tas di ko na alam pano bumalik sa pinanggalingan ko, tapus ang layo layo na ng narating ko di ko kilala mg taong nakakasalubong ko.. Hanggang sa napasuk po ako s isang iskinita lakad ako ng lakad sa dulo puro na tubig as in subrang lalim at rumaragasang mga tubig..ung mg sasakyan tinatangay na ng tubig tpus may mg taong nalulunod. May gustong tumulong s akin kaso pinagbawalan xa ng pamilya ny na wag akong tulungan na makabalik s pinanggalingan ko..nasa tutuk ako kitang kita ko ang mg taong nalulunod at mg sasakyang tinatangay ng agus.. Pero may ibang tao din ako nkikita na nakasurvive s agus kaya s isip ko tatalon ako para makabalik sa na ako..tas nagising na po ako.
    Pls ano po ang ibig pakahugan ng panaginip ko.salamat po

  2. Maganda araw po,

    Gusto ko sana malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Tatlong beses ko na po kasi napanaginipan na ako po ay nasa isang bukid dun po sa dati naming tinitirhan. Ang bukid po ay walang mga tanim at tubig lang po ang meron, sa tatlong beses ko pong napanaginipan yun lahat po parehas na lumalangoy ako sa bukiran, yung dalawang naunang panaginip ay kasama ko po yung dalawa kong kaibigan at nitong huli po ay ako na lang mag-isang lumalangoy sa bukid. Maraming salamat po.

  3. Maganda araw po,

  4. mary ann selloga

    Magandang umaga po , anu po ibig sabihin na panaginip ko, na may anak nakong babae at tinatwag nya aq papa, pero wla pa nman aq anak , pero may asawa nako, 4years na kme nagsasama,

  5. Magandang araw po,nais ko lang po itanong ano ibig sbihin napanaginipan lo po ang ex ng asawa ko nag naka upo daw xa sa asawa ko in short naka sabak sabak at tumabi matulog sa asawa ko.pls hide my identity gemini 03

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

  6. Jane,aquarius
    Magandang araw po, nananigip po ako ngaun lang na nkskay ako sa jeep ksma ang 2 anak ko.May smkay dw sa unahan na lalaki kng saan kmi nakaupo ng bunso kong anak na lalaki.Sinisiksik nya ako hanggang nasasagi nya ang dibdib ko habang nag aabot ng bayad at sinasadya na ito. Nakikipagtalo ako sa kanya sa jeep hanggang sa nakababa na kmi.Habang naglalakad paglingon ko wala na ang anak ko na babae yung kaklase ko na lalaki na ni hindi ko naman nakakausap ay andun kasbay namin naglalakad ng bunso ko.Nagssigaw na ako at hinanap ang anak kong babae.Narinig ko na nasigaw sya sa di kalayuan.Ang lugar ay parang skwater na may daang mga paliliko liko.Sabi q sa kaklase ko 2lungan nya ako naghiwalay kami ng paghahanap.Habang hinahanap sinisigaw konpanhalan ng anak ko at bawat buksan ko na pinto na parang mga lagusan iba iba ang nakiita ko mga kapitbahay at kakilala at nagsasabi sila na ipakulong mo, ipabaranggay mo.,mga walanghiya sila.at narinig ko din ung kaklse q sabi nya mga walanghiya kau ako naman next lalo dw aq nagdudumali na mahanap anak ko.hanggang pagbukas q ng isang pinto nakita ko na andun na anak ko na babae at hawak ng dati kong biyenan na babae habang naiyak. Ang anak ko naman ay parang basa ang katawan at naiyak din. Nagiiyak na ako ng makita ko sya at nag tanong ako sa dti kong biyenan kng ano nangyari.my lalaki din dun sa kwar2 na dq matandaan kng ung dti ko ba asawa o ung knksama ko ngaun pro naiyak din ang lalaki bsta alam ko isa sa kanilang dalawa.umiyak lang ang biyenan at lalaki at ang anak ko habang nakatingin ito sa kanyang kamay. At sa isip ko nagahasa xa nagiiyak ako at nagsisigaw sa panaginip ko.hanggang nagcng ako na gngcng ng knksma ko kc binabangungungot dw ako.Naiyak ako paggcng ko at hnnap agad anak ko na katabi ng ate nya tulog na tulog.
    Ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko. After ko magcng di na ako nakatulog.

  7. Hello po….nanag inip po.ako habang tumatakbo po tricycle namin at asawa ko driver eh bgla may humabol saming aso at sinaklmal po buong kamay ko…sobra po akobtakot na bka makagat ako at ing wagwag ko po kamay ki peru isinubo lang po aso tapos umalis na din aso…..ginawa po asawa ko pinuntahan aso at si aktan po nya…nkita ko po na halos parang nagmamakaaqa ang aso at umiiyak po…pinigilan ko asawa ko at umalis na po kami

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

  8. Gud eve po. Ano po ibgsbhn ng pnaginip ko? dalawang mgkasunod na gabe po ako nanaginip ng cake. Unang gabe po ay nkasalubong ko ung friend ko at ksama anak nya. Birthday daw ng anak nya kya bnigyan ko ng cake at un po ung pabirthday ko sknya.. bago mngyare un may nakita akong eroplano na lumipad. Pngalawang gabe nanaginip po ako na birthday ko at may cake daw po ako at un lng daw po ang handa ko. Chocolate flavor po ung mga cake na npanaginipan ko.Taz may nakita akong puting pajero na sasakyan ung likod lng ng sasakyan nkta ko kc nkatalikod sya taz may bglang lumiyab na apoy 3 seconds lng po ktpos po ay bglang umandar ung pajero na sobrang tulin. Ano po kya ibgsbhn nun.
    PS. Sa totoong buhay po mlpit na po birthday ko sa May4 po connected poba ung pnaginip ko sa bday ko? Maraming Salamat po. Sana po ay mapansin mo po at masagot.

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here