Kahulugan ng mga Panaginip 18

691

Levy

Dear maeatro nnginip po ako nanaligi kami ng dagat kasama mga anak ko pero akala ko nalonod ang bunso ko kumapit ako sa maliit na hilo tapos dinala ko sya sa cotage.tapos hindi pala.

            –           Madalas na simbolo ng tubig sa panaginip ay mga problema o sitwasyon na mahirap alisan. Posibleng ipinahihiwatig nito na may pinagdadaanan ka sa iyong bunsong anak o maaaring siya ang may pinagdadaanan. Ang ganitong mga panaginip ay madalas na nagdadala sa atin sa agos ng sitwasyon kung kaya’t tayo ay nakikisabay na lamang. Ang pangyayari kung saan dinala mo ang bunso mo sa cottage ay maaaring nagpapahiwatig na maayos naman at walang problema sa kanya.

                        Tandaan na ang mga pagpapakahulugang ito ay ibinase lamang sa kahulugan o kung anong katumbas nito sa panaginip at idinedepende ito sa mismong sitwasyon.

See more

May

Maestro goodmorning po greetings from Qatar…
Ano po ibig sabihin ng panaginip ko na ahas nasa puno sya ng niyog bale tatlo po kami magkakasama sa panaginip ko hindi ko po masyado malinawanagan kung sino yun kasama ko at ang isa dun ay tinuklaw ng buo ng ahas lumipad po ang ahas mula sa puno ng niyog papunta po sa kasama ko na ma sa gitna namin tatlo? Sana po maliwanagan ako salamat po.

            –           Ang ahas sa panaginip ay mayroon lamang dalawang kahulugan, maaring ito’y swerte o malas. Depende sa sitwasyon, depende sa tao. Sa iyong kaso, base sa aking pagkakaunawa sa sitwasyon ay nagpapahiwatig  ito ng negatibong interpretasyon. Sa iyong kwento ay ang isa mo lamang kaibigang nasa gitna ang nilapitan ng ahas, hindi ko makukumpirma kung siya ba ay kinagat o tinuklaw nito.

                        Gayumpaman ay akin lamang mahihinuha ang kataksilan at katrayduran ng isa sa mga taong nakapaligid sa kanya o sa inyo. Maaaring ito’y personal ninyong kakilala o kaya naman ay kakilala lamang. Magandang maging tugon rito ay ang huwag kaagad magtitiwala sa taong kakikilala lamang dahil hindi lahat ng taong nakapaligid sa iyo ay may maganda o positibong intension sa iyo.

See more

Nizza Q. Lanos

h po good day! pano po kong ang cyst ay tumobo b4 sa ear? pwde rin po ba ito na mga pagkain kainin? o sa may mga breast cyst lang? plsss reply my comment. baka kase maka help po kayu or else baka meron pang other food or organic na lunas sa cyst na tumobo sa akin. thank. You

            –           Magandang araw sa iyo. Ayon sa aming pananaliksik, ang sagot sa iyong katanungan ay maaari naman. Ngunit para na rin makasigurado ay mas makabubuti kung ikaw ay sumuri sa iyong doctor nang sa ganun ay walang pag-aalala na mangyari at sigurado ka sa kung ano man ang agkain na iyong kakainin. Lamang ang handa at may alam.

See more

Sram

Good morning po .. Nanaginip po kasi ako about sa ahas .. Napanaginipan ko po na may nkita akong ahas na napataba at mahaba yung sobrang haba po at isang payat na mahaba naglalakad daw po ako nun nung nkita ko yun then nung parang tumatakbo napo ako dahil sa takot lumihis po yung mataba na mahaba . Tapos po nung nasa bahay na po ako at matutulog na sana nagpakita po ulet yung mapayat na mahaba tapos sinabihan ko daw po sa asawa ko na may ahas GIO tapos pinagpapalo nya na kaya namatay na po yun then may sinabihan daw po ako na meron pang matabang ahas hanapin mo natatakot ako .. Tapos nung nkita napo nmin yung ahas na mataba at mahaba diko na po alam ang ngyari kasi bigla po ako ngising at parang nangangamba .. Ano po ba ibig sabihin nun ? Sana po masagot nyo salamat po 

            –           Katulad ng pagpapaliwanag ko sa ibang kahulugan ng mga panaginip, dalawa ang ibig-sabihin ng ahas sa ating mga panaginip. Maaring ito’y nagpaparating ng swerte o malas sa iyo. Sapagkat nakadepende rin ito sa sitwasyon sa mismong panaginip. Una sa lahat ito ay pansin kong negatibo na agad dahil ito ay sa pagitan ninyong mag-asawa. Sa aming pananaliksik ang kahulugan ng ahas ay maaari mong iugnay sa lahat ng negatibong enerhiya. Maaaring sa iyong panaginip, nagpaparating ito ng tukso.

            At nang ika’y magising nakaramdam ka ng pangamba o pag-aalala dahil sa iyong panaginip, kagaya ng unang katanungan, ang ibig sabihin ng ahas ay taksil at katrayduran. Bagama’t malalim ang ipinararating ng panaginip mo, huwag ka pa rin magpadalos dalos ng desisyon at mas makabubuting alamin mo kung ano talaga ang tunay na nangyayari. Kilalanin at kilatisin mo ng maigi ang mga taong nakakasalamuha mo.

See more

Loraine asilum

Nanaginip ako ng sandal tapus ang liit daw tapus cra pa ung rebbon anu kaya ibig sabihin nun. Sabi ko sna un nalang maganda pa

            –           Maaaring sa iyong pananaw ay tila negatibo ito ngunit kung sa kahulugan ng panaginip, nagpapahiwatig ito ng kabalansehan mo sa buhay at pagiging bukas mo sa mga bagay at usapin. Kaya naman hindi ka dapat na mag-alala. Ang ribbon naman ay nagpaparating o simbolismo ng katapangan at katapatan mo sa buhay.

See more

gabby abuan

Maestro, nanaginip po ako na hinahabol ako ng madaming lalaki na hindi ko nman kilala.. pero sa panaginip ko, hinahabol din ako ng dating kong kasintahan upang sagipin sa mga gustong gumahasa sa akin.. sa ngayon po ksi, kmi ay nagkaproblema ng aking kasintahan na ako din nman ang may kasalanan, ngunit nanjan pa din sya sa tabi na handang tanggapin ako at mag umpisang muli. anu po kaya ang kahulugan ng aking panaginip?

            –           Maaaring ito ay senyales ng muling pagpapahalaga at pag-aalaga sa iyo ng iyong kasintahan. Kung ang panaginip mo ay ihahalintulad sa totoong buhay masasabi natin na ang dating mong kasintahan ay handa ka paring tanggapin hindi para maging kasintahan muli, kundi maaaring bilang kaibigan. At ang hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong kasintahan ay posibleng bagay na sumusukat o sumusubok sa inyong dalawa.

            Posible rin na ang iyong panaginip ay tumutukoy sa mga problema na humahabol sa iyo o sumusubok sa relasyon ninyo ng kasintahan mo, at ang maaari namang dahilan rin kaya nasama sa panaginip mo ang dati mong kasintahan ay ang posibilidad na iniisip mo ito o kaya kapag nagtatalo kayo ng kasintahan mo ay naiisip mo ang treatment ng dati mong kasintahan na nagreresulta ng komparisyon sa pagitan ng dalawa.

See more

Arsenio caleste jr.

Nov.19.1976.ano po ba kapalaran ko lagi nalang aq niloloko ni misis.may 14.1991 ang bday nya.pls bgyan nyo po aq ng mgandang sign kong sya ba talaga ang tadhana qoh salamat poh.

            –           Bagama’t maraming tao ang tila ba ay may kakayahang bumasa ng kapalaran ng ibang tao, hindi pa rin ito sapat na maging batayan ng kung ano ang mangyayari sa iyo sa future. Ito ay nakadepende sa araw-araw mong aksyon at desisyon, bawat desisyon na ating gagawin ay may kalakip na epekto o resulta na panghabang-buhay.

            Hindi ito dapat nakasalalay sa mga hula o kung anong nakaguhit sa ating mga palad, ito’y malawakang pagdedesisyon at mga sakripisyo, palagi nating tandaan na tayo ang gagawa ng sarili nating suwerte at tagumpay. Tungkol naman sa iyong misis, makabubuti na iyo siyang harapin at masinsinang kausapin ara sa ikauunawa ninyong dalawa at ikatatahimik ng loob mo. Sapagkat sa huli, ang kasiyahan pa rin natin ang mahalaga at dapat na ating piliin ay kung saan tayo sasaya.

See more

Rachelle Villareal

Taurus at Libra po.
Compatible match din po ba

            –           Kung ito ay ating ibabase sa astrology at zodiac sign, may pagkakataong ang dalawa ay babagay at may mga panahong hindi sila nagtutugma. Bagama’t maraming tao ang naniniwala rito at inaaral ito ay kahit pa na hindi compatible ang dalawa kung babasahin, hindi ito basta na lamang.

            Kung tutuusin at susumahin, kapag ika’y seryoso sa tao at ramdam mo ang pagmamahal at kaseryosohan nito, hindi mo na maiisip pa na ipilit na mag-match ang inyong mga zodiac.

See more

Siele

Hello po maestro..ano pong ibig sabihin ng panaginip ng pinsan ko…nanaginip po siya na ang buhok ko sa unahan ay nakita niya na wala na akong buhok…at nung nakita nang alaga ko na lalaki.sa gilid nawala na naman daw akong buhok.kunti nalang ang natira.umiiyak daw yung pinsan ko sa nangyari sa akin..at may dalawang lalaki sa gilid na tumatawa daw..ano pong ibig sabihin nito.?

            –           Ang kahulugan ng pagkalagas ng buhok sa panaginip ay nangangahulugan ng pagtanda at kawalan ng sex appeal. Marami ang nakakapanaginip nito at tila ba ay normal lamang na makapanaginip nito dahil kung susumahin lahat naman tayo ay natanda at patanda.
            Ang mga lalaking tumatawa naman sa iyong panaginip ay tila senyales na habang patanda ay unti unti na nawawalan ng interes ang mga lalaki sa iyo, lalo na kapag ang mga ito ay mababaw ang pananaw at pang unawa sa sitwasyon. At ang mga ganitong klase ng tao ay hindi na dapat kailanman bigyan ng atensyon.
See more

Erica bombio

Good evening . ano Po ibgsabihin ng napa ginipan kopo Ang nanay ko napatay Napo nung last 2017. SA pana ginip kopo ay buhay na buhay siya at masaya .malusog at Walng sakit na cancer. Na ka boy cut. At maganda Ang pngangatawan. Buhay na buhay at wlang sakit SA akin panaginip .. ano Po ibgsabihin nun..slamat po

              –               Maaaring senyales ito na namatay man siya dahil sa sakit niyang cancer ay naging masaya naman siya dahil nawala ang kanyang paghihirap, ipinapahayag rin nitong ganoon siguro siya kasaya kung hindi siya nagkasakit noong nabubuhay pa siya. Kagaya ng palaging sinasabi rin ng nakararami tungkol sa mga ganitong panaginip, ito’y nagpapahiwatig na nais kayong gabayan at ipaalala sa inyo na kahit wala na ang katawang lupa niya ay hinding hindi mawawala ang presensya at gabay niya.
            Maraming tao ang nakararanas ng ganitong mga panaginip na tunay namang hindi dapat katakutan at pag-alalahan. Ito’y simpleng mga pagpapa-alala lamang.
See more 

SHARE
Previous articleBakit Mas Masaya Ang Mga kabataan Noon Kaysa Ngayon?
Next articleAmazonite – ang bato ng Pag-asa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here