Kahulugan Ng mga hayop o insektong nakakasalubong

47

Kung matatandaan, sa aking mga dating articles ay lagi ko nang nababanggit na ang universe ay laging may kamangha-mangha at pambihirang pamamaraan upang magpahatid ng mensahe sa atin. Ito ay maaaring nasa anyo ng number synchronicity, panaginip, musika, mga bangkang papel, at kung ano-ano pa. Ngayon, ating tatalakayin ang isa pang pambihirang paraan ng universe upang makipag-usap sa atin—at ito ay sa pamamagitan ng mga hayop sa iyong paligid.

Ayon sa mga kasabihan at matandang paniniwala, kapag may isang hayop kang nakasalubong sa daan, ito ay may mensaheng ibig iparating sa iyo.  Narito ang ilang karaniwang hayop na ginagamit ng universe upang ipaabot ang kaniyang mensahe.

Maging mapagmasid!

Praying Mantis

Ipinapaala sa iyo na mag-relax at mag-lay low muna pasumandali sa napaka-busy mong schedule. Panahon na upang i-enjoy ang tranquility ng buhay.

Butiki

Nangangahulugan na dapat mong paglaanan ng panahon ang pagtupad sa iyong mga pangarap at ambisyon.  Maaaring dumaranas ka ng kawalan ng tiwala sa sarili at nakakalimutan mo na kung ano ba talaga ang purpose mo sa buhay.

Ahas

Ipinapaala sa iyo ang nakatago at nakalimutan nang interes at pangarap.  Sinasabi sa iyo ng universe na kumilos na upang maging realidad ang iyong ambisyon.

Gagamba

Ang gagamba ay simbolo ng creation at spiritual connectedness. Sinasabing panahon na upang gamitin o i-utilize mo ang iyong creative potential.  Pinapaalalahanan kang magtiwala sa sariling kakayahan na maghahatid sa iyo sa tagumpay at self-fulfillment.

Tutubi

Good omen kapag nakakita ka ng tutubi, lalo na sa panahon ng iyong depression at kalungkutan dahil ipinapaalala sa iyo ng universe na hindi ka nag-iisa dahil nasa tabi mo lamang ang iyong spirit guide (o guardian angel). Gusto ring sabihin sa iyo ng universe na huwag kang malungkot dahil marami pa namang tao ang sa iyo ay nagmamahal ng tunay.

Paruparo

Ipinapaala sa’yo ng paruparo ang power of transformation at ang pangangailangan na may mabago na sa kasalukuyang itinatakbo ng iyong buhay.  Pinapaalalahanan ka rin ng universe na mag-move on na sa anumang kabiguang sinapit dahil oras na upang paunlarin mo ang iyong sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here