Kahulugan ng liwanag, mga nakahilerang kahon, sandals at kurtina

4
702
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 125

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Marichu tungkol sa maliwanag ang paligid, mga nakahilerang kahon, sandals at kurtina.

 

Dear Maestro,

Apat na beses po akong nanaginip at ito ay sunud-sunod na araw pa.

Unang panaginip ko, December 31, 2017, “nakaupo na pa-style Buddha ang kinakasama ko sa nakalatag na kurtina at napakaliwanag ng paligid niya.”

Pangalawa, January 1, 2018, “napasok ako sa isang kuwarto na may kurtinang puti na napakaliwanag at maraming kahon na nakahilera.”

Pangatlong panaginip ko, January 2, 2018, “may pinuntahan akong isang lugar na napakaliwanag. Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng batong puti at naupo ako sa ibabaw. Tuwang-tuwa daw ako habang umaambon.”

At pang-apat na panaginip ko, January 3, 2018, “naglalakad ako sa isang maliwanag na lugar. Paakyat ang lugar at may nakasalubong akong mag-anak. Ang ama at anak na lalaki ay negro tapos nakakita ako ng aso, gray at puti ang kulay niya. Sa bandang unahan nakita ko ang kakilala ko, may dalang bata na may sugat at ginagamot ko. Paglabas ko, nakakita ako ng maraming sandals na kulay ginto at pula tapos nagsukat ako.”

Maestro, bakit po kaya sunud-sunod na araw ang panaginip ko sa pagpapasok ng taong ito ng 2018?   

 

KASAGUTAN:

Kapag malalim ang ating mga ginagawang pagmumunimuni sa ating buhay at may mahalagang mga pagbabagong pang-inner self na magaganap, kadalasan, nagiging madalas ang ating mga panaginip at hindi lang madalas, napakalinaw pa.

Pero ang totoo lagi naman tayong nanaginip, halos gabi-gabi pa nga. Kaya lang, ayon sa mga  eksperto, bihira ang nare-retain o naaalala natin. Kaya, paggising natin, akala natin ay hindi tayo nanaginip.

Samantala, kapag maraming nare-retain na panaginip sa ating memorya, nasasabi natin sa ating sarili na lagi tayong nanaginip.

Samantala, Marichu, kung babasahing mabuti isa-isa ang apat mong panaginip, mapapansin may iisang pattern na dapat bigyang diin o pansin sa iyong panaginip at ito ay ang “kurtina, maraming kahilerang kahon, sandals at ang napakamaliwanag na senaryo.”

Halimbawa, sa una mong panaginip, “nakalatag na kurtina at napakaliwanag ng paligid”.

Sa ikalawa mo namang panaginip, “may kurtinang puti, napakaliwanag at maraming kahon na nakahilera”.

Sa ikatlong mo namang panaginip, “pinuntahan ko ang isang lugar na napakaliwanag”.

At sa ikaapat na mong panaginip, “Naglalakad ako sa isang maliwanag na lugar, maraming sandals na kulay ginto at pula.”

Kaya maitatanong natin ngayon, ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na napakaliwanag?

Sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon, sinasabing kapag nakapanaginip ka ng liwanag. Katamtaman man o sobra, , ito ay tanda ng pagyaman at malaking karangalan sa buhay, na napipinto o malapit na malapit ng mangyari sa iyo.

Kung ikaw ay isang negosyante ay ganon din, ang panaginip na liwanag ay nagbabadya na yayaman ka sa pagnenegosyo at ang iyong pagyaman ay magiging tuloy-tuloy at maliwanag.

Kung ikaw naman ay magsasaka o nagtatanim, ang panaginip na liwanag ay tanda ng marami at masaganang pag-aani.

Sa mga maglalakbay, ang panaginip na liwanag at nagpapahiwatig ng mabunga at mabiyayang pangingibang bayan.

Sa mga pangkaraniwang manggagawa o empleyado, ang panaginip na liwanag ay tanda ng promosyon sa trabaho at dagdag umento sa buwanang kinikita.

Sa mga estudyante ang panaginip na liwanag ay tanda ng mataas na grade, karangalan o kaya’y sasabitan ka ng mga medalya dahil napakatalino mo at maliwanag na maliwanag mong nauunawaan ang mga lesson.  

Sa modernong interpretasyon o sa pang-psychology na kahulugan ang liwanag sa panaginip ay kumakatawan sa “consciousness or awareness” na ang nagiging kasunod ng “awareness” na ito ay “blissfulness” o hindi maipaliwanag na ligaya.

At kung ang liwanag ay nasa paligid ng kuwarto ito ay tanda ng “protection” tulad ng “halo” o hoyo sa ulo ng mga banal at ng mga santo.

Alalahanin ding kung Bibliya ang pagbabatayan ang unang salitang liwanag sa Bibliya ay matatagpuan sa Genesis 1:3 na nagsasabing “Let there be light!” nangangahulugang ang “liwanag” ay ang unang ginawa ng Diyos at ito ay tanda rin ng bagong simula patungo sa isang magandang kinabukasan.

Samantala, ang kurtina naman sa panaginip ay “naglalarawan ng pagitan ng natago at lantad na mga bagay” o kaya naman “access to divine secrets or to the sacred mysteries of life” ito ay tulad din ng panaginip mo na nakita mong “nakaupo na pa-style Buddha”.    

Kaya naman, Marichu, sa sandaling pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong mga panaginip, “maraming nakahilerang kahon, sandals, liwanag at kurtina” nangangahulugang “sa loob ng marami mong iniisip, isinasalang-alang, pangamba at alinlangan sa kasalukuyan, bigla mong matutuklasan ang isang mahiwaga at lihim na pormula ng tagumpay na maghahatid sa iyo sa isang pang-habambuhay na ligaya at kasaganahan.”

4 COMMENTS

  1. Hi maestro! Confuse na po kasi ako.. tatlong gabi ko na kasing napapanaginipan tungkol po sa banyo, kurtina at cellphone.
    Una po kasi, my nakita po ko sa himpapaeid na lumututang o lumilipad, parang hugis ibon na naging clown pagbaba sa lupa. Natakot po ako kaya tumakbo at nagtago po kami ng anak ko sa kwarto, sinarado ko ung pinto at bintana kaso my iba pa palang pinto na bukas at sinarado ko rin, ang bintana nman at pilit kong sinasarado ung kurtina tpos bigla nalang pong naging tagpo sa banyo, naghuhugas daw ako ng paa my kasama ko at my nakita akong maliit na ahas.. sumigaw po aqo at kinagat ako sa paa at sa braso. Paggising ko masakit parin.
    Pangalawa;
    Ahm my lalaki po ata na hindi ko kilala na gusto mkipagtalik, pumasok kami ng bahay nakita ko mga kuya ko mga tulog sa kwarto na tamang playwood lang ang dingding, nagpunta daw kami ng banyo, dun kami nagsex kaso my mga babae daw sa labas na nanonood at my sinasabi kaya ang ginawa ko inaayos ko ung kurtina kaso di ko maayos ayos. Natatanggal lagi.
    Pangatlo po: meron po bahay na di kagandahan na tamang tagpi tagpi lang, bahay daw po ng bf ng friend ko, pero giniba po un kasi my itatayong bago. My iniduro sa loob, binuhusan ko at nagbungkal po ata sila ng linya nong sa Cr, maputik po at my mga bato, malaki pero natanggal nman po yong malaking bato na nakabara at nakadaloy ng mabuti, nong pagsilip ko nahulog aqo at medyo malinaw na po ung tubig..

    Ahm dugtong ko lang po, yong aswa ko gamitin ko daw ung kotse, my dala akong mga pinamili na grocery, silver po sya kaso di ko alam kung nasan susi at my bisikleta po. Magkasama po kami ng pinsan ko na patay na po sa toong buhay, pero buhay na buhay po sya sa panaginip po. My jeep daw po na dadaan kaso nakaharang yong kotse, di ko po alam panu idrive kaya ung pinsan ko tinulak nya ng malakas para mapark po ng maayos sa gilid. At un nman ang nangyari at nakadaan ung jeep, at nagbisikleta na daw po ako, masaya po akong nagbabike at my gardenia pa daw na nakatape sa bike habang nagbibisikleta ako..
    Wait ko po.. Maraming Salamat and more power! Call me shaleyn po 😊

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here