Kahulugan Ng Leon Sa Iyong Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ang makakita ng leon sa totoong buhay ay nakakatakot na. Kahit pa sa mga zoo lang natin ito nakikita sa ngayon. Paano kung pumasok ito sa ating panaginip at doon ay maranasan natin ang mas nakakatakot na sitwasyon kasama ang leon? Alamin kung nakakatakot din ba ang nais nitong ipahiwatig sa ating panaginip.

INAATAKE KA NG LEON

Kung sa iyong panaginip ay aatakihin o inaatake ka ng isang leon, ito ay nangangahulugan na may mga pagsubok kang haharapin habang tinutupad mo ang isang pangarap. Maaaring ito ay mga tao o isang tao na magbibigay sa’yo ng paghamon. Kung ito ay iyong aatrasan, posibleng ikaw ay magapi nang ganoon kadali.

PUMAPATAY KA NG ISANG LEON

Positibo ang nais ipahiwatig nito. Sapagkat ito ay nangangahulugan ng tagumpay. Hindi na mahalaga sa panaginip kung ikaw man ay nananalo o nagagapi, ang importante rito ay ang ipinapakita mong katapangan habang ikaw ay pumapatay ng isang leon. Isang pagpapatunay na ikaw ay handang lumaban sa buhay.

HINAHABOL KA NG LEON

Kapag sa iyong panaginip ay hinahabol ka ng leon, ito ay may kaugnayan sa iyong emosyon at mga pagdedesisyon sa buhay. Maaaring ikaw ay may iniiwasan o tinatakasan sa buhay. Subalit nananatili ka sa iisang desisyon na iyong pinaninindigan kaya’t walang magiging pagbabago dahil hindi ka nagbabago ng direksyong tinatahak kaya’t ganoon pa rin ang senaryo ng iyong buhay.

NASA TABI MO ANG ISANG MAAMONG LEON

Kung nanaginip ka naman ng leon na nakaupo lamang sa iyong tabi at tila ikaw ay binabantayan, ang ibig sabihin nito ay napapalibutan ka ng mga positibong tao na handa kang protektahan. Sila yung mga taong handa kang samahan sa hirap man o ginhawa kaya’t nararapat lamang na alagaan mo ang relasyon mo sa kanila. Halimbawa nito ay ang iyong mga kabigan at kapamilya na laging nakasuporta sa’yo. Dapat mo silang pasalamatan dahil ang iyong panaginip ay nangangahulugan na mananatili sila sa tabi mo at matagal mo pa silang makakasama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here