Kahulugan ng ibon

8
11712
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 96

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Zeny tungkol sa ibon.      

 

Dear Maestro,

Namasyal daw kaming magkakaibigan sa bukid, tapos namahinga kami sa isang kubong pawid. Habang namamahinga kami, may dumapong ibon sa isang punong kahoy na parang kaimito na puno. Tapos twit ng twit ang ibon na parang umaawit. Habang pinagmamasdan ko ang ibon, bigla akong nagising. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

 

KASAGUTAN:

Ang bukid lalo pa’t panahon ng tag-araw at anihan ng mga palay ay nagpapahiwatig ng kasaganahan.

Habang ang kubong pawid naman na nasa bukid, ay larawan ng kalagayan ng buhay mo sa kasalukuyan, simple, pero dahil namamahinga ka, ibig sabihin nito ay “simple, pero hayahay” ka o “masarap ang iyong pakiramdam sa kasalukuyan.

Pero maaari rin naman, “pagod ka” sa kasalukuyan, at kaya ka nanaginip ng “namamahinga ka sa kubong pawid” ay gusto ng unconscious self mo na makaranas ng “break o isang masarap na pagbabakasyon sa probinsiya o lugar na malapit sa nature.”

Samantala, sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon ang ibon sa kapag ito ay lumipad sa iyong panaginip, kung ikaw ay mayaman o may kaya sa buhay, ang ibig sabihin nito “ay lilipad ding isa-isa ang kabuhayan mo” na nangangahulugang “maghihirap ka.” Pero kung ikaw naman ay mahirap ay nakapanaginip ka ng ibon na lumipad, ang ibig sabihin nito, lilisan o lilipad na ang iyong kahirapan, kaya ang susunod na kaganapan sa iyong buhay ay ang malaking pag-unlad at pag-asenso na may kaugnayan sa kabuhayan.

Samantala, walang kaugnayan sa paglipad ng ibon ang iyong panaginip Zeny. Sa halip ang panaginip mo ay “ang ibong tumutuwit-tuwit o umaawit sa punong kaimito”, na ibig sabihin nito sa susunod na mga araw, aawit din ang buhay mo at magiging masaya ka.

Ganunpaman, kapag nanaginip ng ibon, depende din ang interpretasyon sa anong klase ng ibon ang napanaginipan mo. Pero dahil ang napanaginipan mong ibon ay “awit ng awit” malamang na ito ay isang uri ng tarat na ibon, na sa pangtradisyunal na pananiniwala ang ibong umaawit sa sanga sa kahit na anong punong kahoy ay sadyang napakapalad.  Ito ay nagpapahiwatig ng kalusugan at kasaganaan.

Kung ikaw naman ay isang dalaga, “ang umaawit na ibon sa sanga” ay tanda na makapag-aasawa ka at ang mapapangasawa mo ay mayaman at maninirahan kayo sa ibayong dagat o sa ibang bansa sa sandaling kayo ay nagkapamilya na. Magkakaroon kayo ng malulusog, guwapo at magagandang mga anak na maraming talento na may kaugnayan sa musika.

Samantala sa  modernong interpretasyon, o sa pang-psychology na kahulugan ang ibon sa panaginip ay nagpapahiwatig ng“spirituality” at “malalim na pagmumunimuni sa sarili.” Subalit, dahil umaawit ang ibon sa iyong panaginip, ito ay nagbabalita rin ng “peace at harmony sa iyong inner self.”

Kaya nga kung may problema ka sa kasalukuyan o dinaramdam, dahil nanaginip ka ng “ibong umaawit sa sanga ng puno” ito ay tanda ng mawawala na lahat ng iyong dinadamdam na suliranin at babalik uli ang iyong inner self sa isang maligaya at kaaya-ayang kalagayan.

Ang ibon ay larawan din ng iyong sarili. Kaya, tulad ng naipaliwanag na, dahil ang ibon ay umaawit, sa darating na mga araw, magiging masaya ka. Maaaring ang dahilan ng iyong saya ay dahil sa pang materyal na bagay na darating o  sa hinaharap ay may isang malayong paglalakbay na magdudulot sa iyo ng ligaya at kasaganahan.

Kaya nga kung pag-uugnay-ugnayin ang mga interpretasyong binanggit na sa itaas, lumilinaw na ngayon ang kahulugan ng iyong panaginip.

“Namamasyal kayong magkakaibagan bukid” na ngangahulugang “magkakaroon ka ng kapahingahan at saya sa pamamagitan ng iyong mga kaibigan.” Kumbaga, ang mga kaibigan mo at mga kasama sa bahay ang magbibigay sa iyo ng “comfort” o “kaaliwan” sa susunod na mga araw, kaya anuman ang iyong problema ay tuluyang maglalaho o masusolusyunan sa tulong ng iyong mga kaibigan.

Namahinga sa kubong pawid”, na nangangahulugang sa kasalukuyan “naghahanap ng kapahingahan ang unconscious self mo, maaaring napapagod ka na ngayon sa trabaho o kung anuman ang pinagkakaabalahan mo.” Pero tulad ng nasabi na,“dahil namamasyal kayo sa bukid kasama ang mga kaibigan”, tunay namang sa malapit na hinaharap, “masusumpungan mo rin ang lugod, ang masarap na buhay at ang kapahingaan na hinahanap ng iyong kaluluwa.”

At hindi lang kapahingahan ang iyong masusumpungan o hindi lang “inner peace of mind and harmony” ang papaloob sa iyong pagkatao sa susunod na mga araw, bagkus “dahil sa iyong panaginip ay may umaawit na ibon” bukod sa peace of mind and harmony, ikaw din ay magkakaroon ng masarap at masusuwerteng karanasan na may kaugnayan sa emosyon, maaaring sa pag-ibig at pakikipag-relasyon at maaari ding magkakaroon ka ng saya at sarap sa pamamagitan ng materyal na bagay na biglang dadapo sa iyo at dahil “masagana at masaya ka” tulad ng ibon sa iyong panaginip, “mapapaawit ka rin sa tuwa at ganap na kaligayahan.”

8 COMMENTS

  1. hindiko na po matandaan ang buong panaginip ko peroang malinaw po sa pagkakatanda ko pinapatay ko yung isang ibon… ano pong ibig sabihin non?

  2. maestro nanaginip po ako ng ibon pero nasa pugad po ang ibon? nagtatabas po ako ng damo para itambak ko sa putikan na my malaking mark ng paa..para doon nlng din aapak ang mga tao dadaan… nakakita po ako ng mais sa paligid medyo green na my pakadilaw na po ang kulay ng mais.. sana po mabigyan mo po ako ng kasagutan sa panaginip ko po…Ester .

  3. Magtatanong po Sana ako. Sana Naman po masagot po hindi po kasi ako mapakali. Nanaginip po Kasi ako ng ibon itim kahel Ang tuka papasok SA bintana tapos may ibon na maliit parang Maya bird po siya tapos pusa na gray NASA bintana din. Nagtaka ako SA panaginip ko tapos pilit Kong bugawin ayaw lumabas. Binuksan ko po pintuan ko may nakita Naman akong asong itim. SA panaginip po. Isinara ko po pintuan ko tapos nong ayaw nilang lumabas umakyat ako SA taas hinayaan ko lang sila. Tapos nakita ko nlng kinuha ng itim ibon Ang Maya para mailabas siya. Ano po ibig sabihin nyon? Salamat po!

  4. Magandang gabie poh.
    Tanong ko lang poh nanaginip kasi ako kagabi na ibon na puti nanahuli ko.tawag nmin dito sa amin na ibon ay tukmo.hindi kasi ako mapakali kung anung ibig sabihin ng panaginip ko kagabie.salamat poh

  5. Gusto q po ishare at mgtanung tungkol s panaginip q,mdalas po kc aq managinip n hinahabol a,yong huling panaginip q hinahabol dw aq ng maraming lalaki tapos nhuli dw nila aq binigay dw nila aq s hari nilang ibon,yong ibon dw ang gumagahasa sakin..at sumunod q pong panaginip hinahabol ulit aq ng maraming lalaki sa sementeryo (hindi q alam kung pano aq npunta dun)ang gnawa q dw pumasok aq s pantyo dun aq ngtago nung narinig q dw n malayo n yong boses ng mga lalaki lumabas aq at tumakbo s ibang deriksyon pero pagdating s dulo andun yong mga lalaki kasalubong q kya nhuli parin nila aq,ginagahasa dw nila aq..ano po b ibig sabihin ng mga panaginip q,ganun at ganun po kc ang laging panaginip q

  6. Nasa kabundukan ako at may mga sumusunod na mga ibong mapuputi sa aking palagay ay mga kalapati sila…Anu Po Ang ibig sabihin non.?

  7. Gusto ko pong malaman ang aking panaginip..nanaginip po ako kagabi na nag aaral daw po ako ulit nagkaroon po kmi ng plug seremonybhabng kami po ay nkapila kmi po ay kumakanta kumakanta po akonat bumibirit pa kasabay po nun my napansin akong malaking ibon na mahaba ang tuka lumilipad lipad sa langit napansin ko po na my nilalaro syang maliit na sanga na my tali na abot kmay ko lng po kinuha po ng kasama ko ung tali pero Ko po ung humila pababa tapos po nagalit ung ibon sinugod po kami napatay po ng kakkalase ko ung isa nung namatay na ung isang ibon my dumating pang isang malaking ibon na galit din napatay ko sya hangang maraming pang dumating na malalakinh ibon na pinaty ng mga kakalase ko tapos po ay tumakbo nko palayo dahil ang alam ko hinahabol ako ng mga ibon pero bumalik ako sa pilahan iiLan nlng kming matira duon at maraming letrato mga nPatay daw nming ibon pero litrato nmn ng mga tao ung nandun na kamukha daw namin pro diko masyadong makita ang letrato malabo sa aking pananingin.. nagdasal kmi ng mga kasama ko nkaluhod at nagsisisi sa aming ginawa yumoko ako sa lamisa na sa aking harapn at nagdarasal na patawin kmi sa aming ngawa..at un po nagising nko gusto ko po malaman kung anong ibigsabihin nun

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here