Kahulugan Ng Iba’t-Ibang Pagkain Sa Panaginip

0
433

Masarap kumain, lalo na kung ito ay hindi isang panaginip lang. Maging masarap din kaya sa panlasa kung ang pagkain mo ay bahagi lamang ng iyong panaginip? May iba’t-ibang kahulugan ito na may nais ipahiwatig sa’yo,kaya’t narito at alamin mo depende sa kung paano mo ito napanginipan.

Paborito mong pagkain

Kung ikaw ay nanaginip ng paborito mong pagkain at ito ay iyong nilalantakan, ang ibig sabihin ay nasa harapan mo na ang mga biyaya subalit hini mo pa ito nakikita. Maaaring kasalukuyan mo nang tinatamasa. Pwede rin namang ito ay tao na magbibigay sa’yo ng suwerte at nasa sa’yo na siyang harapan pero hindi mo lang napapansin dahil abala ka sa pagtingin sa malayo.

Bulok na pagkain

Kung ang pagkain na napanaginipan mo ay panis, sira, may amag o nabubulok na, nangangahulugan ito na dapat mo nang baguhin ang sistema ng iyong buhay. Marami kang nagagawang pagkakamali at nagkakaroon ka rin ng pagkukulang na kahit alam mo na ay binabalewala mo lang. Sa negosyo, ito ay nangangahulugan ng isang malaking pagkalugi.

Matatamis na pagkain

Kung ang napanginipan mo naman ay puro matatamis na pagkain gaya ng cake, ice cream, leche plan, chocolates at iba pa, magandang senyales ito para sa iyong personal na relasyon. Maaaring ang iyong lihim na iniibig ay may pagtatangi din sa’yo, magkakabalikan ka’yo ng ex mo na mahal mo pa, magkakabati kayo ng iyong asawa, masayang bonding sa malayo at maaari naman na may panibago kang pag-ibig. Kung ikaw ay nanliligaw pa lang, ikaw ay malapit nang sagutin. Nangangahulugan din ito ng nalalapit na kasal.

Maaasim na pagkain

Kung ikaw naman ay kumakain ng maasim na pagkain sa iyong panaginip tulad ng manggang hilaw, ito ay nangangahulugan ng posibleng pagbubuntis. Maaaring ikaw, isa sa iyong mga kaibigan, kamag-anak o kahit kakilala lang.

Maaalat na pagkain

Kung maalat na pagkain naman ang mapanaginipan mo, lalo na kung may makita ka mismong asin, ito ay nangangahulugan ng kasaganahan. Sapagkat ang asin ay isa sa mga simbolo ng buhay. Kahit ito ay nakakapagpaalat ng lasa, ang asin ay may suwerteng hatid sa atin at panlaban din sa pwersa ng kadiliman.

Mapapait na pagkain

Ang mapait na pagkain sa iyong panaginip ay nangangahulugan ng iyong pagkabigo. Maaaring ito ay may kinalaman sa pag-ibig, trabaho o pamilya. Kung madalas mo itong mapanaginipan, ito ay maaaring mangahulugan ng isang paglisan o kamatayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here