Kahulugan ng halamang Ivy

0
2001
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 127

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni  Irene tungkol sa halamang Ivy na gumagapang sa isang malaking punong kahoy.  

Dear Maestro,

Nais ko lang pong malinawan ang kahulugan ng panaginip ko. Lagi po kasi akong nakakapanaginip ng mga halamang Ivy ang gumagapang, minsan ay sa pader, minsan ay sa fence at minsan naman ay sa malaking punong kahoy. Sana ay malinawan ko ang kahulugan ng panaginip kong ito para hindi na ako isip pa ng isip. Salamat po.

KASAGUTAN:

Sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon dahil ang halamang Ivy na tinatawag ding “Hedera” ay gumagapang sa bawat kanyang madikitan, sinasabing kapag ito ay iyong napanaginipan, ito ay tanda na ang iyong mga kaibigan, asawa, boyfriend o girlfriend, o kung sinumang tao ang malalapit ay mangungunyapit sa iyo habambuhay. 

Maaari ring kung mga kapatid mo o mga magulang mo ay umaasa sa iyo, maaaring aasa pa rin sila ng aasa sa iyo, partikular ang mga kapatid mo, kahit sila ay may mga asawa at sarili ng pamilya. 

Maaari rin namang kung ikaw ay may boyfriend, girlfriend o asawa, ang iyong kapareha ay habang buhay na magiging tapat sa iyo at mamahalin ka. Ibig sabihin ay hindi ka iiwanan, anuman ang mangyari sa inyong pagmamahalan, tulad ng nasabi na magiging tapat siya sa iyo habang buhay. 

Dahil ang halamang Ivy ay tila walang kamatayan, sa sandaling ito ay napanaginipan, sinasbaing ikaw ay magkakaroon ng malusog, produktibo at mahabang buhay. 

At kung ikaw naman ay may mga kalaban, o maraming naiingit sa iyo at iniintriga ka, kapag nakapanaginip ka ng halamang Ivy, ang mga taong naghahangad sa iyo ng masama o mga kaaway at kaiingitan mo ay hindi mananaig, sa halip, sa kanila mangyayari ang mga pangit na iniisip nila sa iyo. Sa bandang huli, ang mga kaaway mo na ito ay makikita mong bigo at luhaan, habang ikaw naman ay humahalakhak sa malaking tagumpay at suwerte na iyong tatamasahin habambuhay. 

Kung ikaw naman ay isang negosyante at nakapanaginip ka ng halamang Ivy, ito ay tanda na ang mga costumers o mga suki mo ay mananatiling tapat sa iyo, at laging tatangkilikin ang mga produkto mo. 

Kung ikaw naman ay isang manlalakbay o OFW at nakapanaginip ka ng halamang Ivy ito ay tanda na patuloy kang makapag-abroad at hindi ka mauubusan ng magagandang kapalaran sa ibayong dagat. 

Kung ikaw ay may asawa na, kapag nakapanaginip ka ng halamang Ivy ikaw ay magkakaroon ng mga anak, na mahal na mahal ka at sa iyong pagtanda ay todo suporta at kakalingain ka habambuhay.   

Kung ikaw naman ay isang dalaga o  binata at nakapanaginip ka ng halamang Ivy, ito ay tanda na makapag-aasawa ka ng isang lalaki o isang babae na mahal na mahal ka  kaya naman ang pag-aasawang papasukin mo ay habang buhay na magiging maligaya. 

Samantala, sa  modernong interpretasyon o sa pang-psychology kahulugan, sinasabing ang panaginip na Ivy, sa ancient interpretation ay naglalarawan ng “immortality”.  Ibig sabihin, kung ikaw ay laging nakakapanginip ng halamang Ivy, ito ay naghahayag na ikaw ay magkakaroon ng isang “sariwa, luntian at mahabang buhay”   

Ang Ivy ay naglalarawan din ng “friendship and fidelity”. Ibig sabihin ikaw ay mapapaligiran ng mga tapat at mabubuting kaibigan, kahit saang lupalop o kahit saang lugar ka pa mapadpad.

At dahil ang Ivy ay laging sariwa, laging malago at mayabong ang kanyang mga dahon, ito rin ay naglalarawan ng “fertility”. Ibig sabihin, ang kabuhayan mo ay laging magiging sariwa, malago at habang buhay na magiging masagana. At kung wala ka pang anak sa ngayon at nahahangad ka na magkaroon, ang halamang Ivy sa panaginip ay nagpapahiwatig na mabubuntis at magkaka-baby ka na sa malapit na hinaharap.

Kaya naman sa sandaling pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng panaginip mong halamang Ivy, kung ikaw ay isang dalaga, ito ay tanda “na ikaw ay magkakaroon ng isang tapat at mabuting asawa na ang inyong pag-iibigan ay mamumunga ng isang maunlad at pang habang buhay na ligaya.”

Habang kung ikaw naman sa ngayon ay may asawa at pamilya na, ang panaginip mong Ivy ay tanda,  “na ang inyong pamilya ganon din ang iyong asawa at mga anak ay magiging mabuti at magiging tapat sa isat-isa. Dahil mabuti at tapat sa isat-isa, ang inyong kabuhayan at ang pagmamahalan ng inyong pamilya ay tulad din ng “halamang Ivy” ay patuloy na lalago, yayabong at mananatiling sariwa   habang buhay.”

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here