Kahulugan ng dagat at ebs na naging ahas

0
257
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Marivic tungkol sa malinaw na beach o dagat at tae na naging ahas.

Dear Maestro,

Good day po! Sana matulungan nyo ako na maintidihan ko aking panaginip at mabigyan nyo ng intepretasyon. Ako po si Marivic 36 years old. Sa kasalukuyan nakatira po kami ng pamilya ko sa Canada.

Nanaginip po ako, na nasa isang beach daw kami, sobrang ganda ng tubig at napakalinaw. Tumae daw ako sa tubig. Tapos nakita ko yong tae ko, pahaba habang bumabagsak sa tubig ang haba nito, tapos naging tae na ahas siya. Haha… kaloka! Inilayo ko yon tae na ahas sa akin at tinapon ko sa malayo, kasi nahihiya ako sa makakakita. Pero ayaw talagang humiwalay sa akin. Kaya ginawa ko, itinago ko at binalot ko na lang. Noong una, kulay green siya, pero noong binalot ko na siya naging kulay gold. Ang weird po ng panaginip ko. Salamat po at more powers! 

KASAGUTAN:

Isa-isahin muna natin ang mga bagay na bibigyang interpretasyon sa iyong panaginip, Marivic, para malinaw.

  1. Sobrang ganda at napakalinaw na dagat o beach
  2. Tae, kung saan, ang tae ay mahaba at ang hindi pangkaraniwan ang tae mo – dahil ito ay “tae na ahas”.
  3. Itinaboy mo ang “tae na ahas” pero balik pa rin sa iyo ng balik.
  4. Noong una berde ang kulay ng tae na ahas, tapos naging “gold.”

Yang apat na bagay na binanggit sa itaas na lumutang sa iyong panaginip ang isa-isa nating bibigyang kahulugan.

Una, ang beach o ang dagat dahil ito ay napakalawak, hindi kagaya ng ilog o batis, at hindi lang malawak dahil kapag tiningnan mo talaga ang dagat ito ay misteryoso o mahiwaga, kaya naman ayon sa psychologist na si Carl Jung ito ay naglalarawan ng iyong  “unfathomed depths or the collective unconscious. Ang hirap, initindihin ano? Wag mong intindhin ‘yan! Basta ang ibig sabihin lang niyan sa “layman term” ay ang napakalawak mong sarili na punong-puno ng enerhiya o lakas kung saan, magagamit mo ito para sa iyong ikatatagumpay at ikaliligaya.

Kumbaga, kapag  nanaginip tayo ng dagat ipinapakita sa atin ng unconscious self natin ang ating vast resources of energy” na anumang oras o sandali ay magagamit natin ito upang lalo pa tayong lumigaya o magtagumpay.

Kumbaga sa isang sundalo para madali mong maunawaan “bago sumabak sa giyera pinakita muna ng Heneral sa kanyang sundalo ang arsenal o taguan ng mga armas na ubod ng daming mga bala, kanyon, bomba, nuclear weapons at kung anu-ano pa, para mapa-believe nitong Heneral ang kanyang sundalo. Ganon din sa iyong panaginip, may kapangyahiran kang nasa loob ng iyong katawan o personality na hindi mo pa nagagamit sa kasalukuyan. – Yan ang pinakita ng unconscious self mo sa iyong panaginip.

Maitatanong mo; Eh, bakit sobrang ganda at napakalinaw ng dagat?” Bukod kasi sa vast inner energy na nirerepresenta ng dagat, ang tubig ay nagre-rerepresenta din ng feeling o damdamin, puwede ring sabihing emotion. At dahil malinaw ang dagat ibig sabihin, malinaw ang iyong damdamin na nangangahulughang 100% napanaginipan mo ang “malinaw na beach sa kasalukuyan” dahil ikaw ay masaya, o sabihin na nating satisfied ang buhay mo sa kasalukuyan at lilipas ang marami pang mga araw, tulad ng kasalukuyan mong “feeling” magiging masaya pa rin at walang problema.

Ngayon tumae ka sa dagat o sa beach ano naman ang ibig sabihin nito? Dahil masaya ka, dahil ipinakita nga ni unconscious self mo ang iyong vast energy o kakaiba o ang natatago mong kapangyarihan,” nag-produced ka ngayon ng tangible things. Kung iisipin mo “yong dagat kanina, kahit ba sabihin nating energy o masayang emotion ang ipinapakita nito” walang “material na nakikita o naipo-produced o  nagiging output”. Pero ng tumae ka, “ang mismong sarili mo ang gumawa nito, galing sa sarili mo at kitang-kita mo talaga, puwedeng hawakan.  Kung saan, para sa psychologists na si Sigmund Freud at Carl Jung, anumang napo-produced o nalilikha ng isang tao na galing sa sarili niya mismo ang materyales ito ay suwerte at laging tinatawag itong pera at puwede ring sabihing material accomplishment.

Kaya napakalinaw ng sinasabi ng iyong panaginip, “dahil masaya ka ngayon, dahil marami kang energy kung baga ay puno ka ng stamina at enthusiasm sa kasalukuyan, lalong dadami ang mga accomplishment at pagpapala mo sa buhay, sa susunod na mga araw” – kaya balato naman d’yan!

Ang susunod mo namang tanong ay bakit kulay berde at bakit korteng ahas o tae na ahas ang tae mo?

Ganito ‘yon: Ang ahas sa panaginip ay maraming kahulugan, at ito ay natalakay na natin sa mga nagdaang artikulo dito. Ganon paman sisipiin natin yong kahulugan ng ahas na angkop na angkop mismo sa panaginip mo.

Sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology  ang ahas ay ang sarili mo ring instinct na may kaugnayan sa sexual drives. Ito rin ang libido na nanahan sa iyong katauhan.

Napanaginipan mo ang ahas sa dahilang sa kasalukuyan may malakas na libog na nagpupumiglas sa iyong inner self. Ang libog o drives na ito tulad ng dagat ay siya ring inner energy” sa loob ng iyong pagkatao, kaya anuman ang gusto mong gawin sa kasalukuyan, tiyak na magagawa mo at mapagtatagumpayan. Dahil nga nasa peak moment ka ngayon ng iyong buhay o sobrang taas ng iyong momentum.

Dagdag dito para kay Sigmund Freud wag ding kalilimutang ang ahas ay phallic symbol.  Ibig sabihin, ang ahas mismo ay representasyon ng penis ng isang lalaki. Alalahaning pareho ang ginagawa ng penis at ng ahas – ito ay pumapasok at lumalabas sa butas. Ibig sabihin, kung ikaw ay may asawa ang panaginiginip na ahas ay nagpapahiwatig ng masarap na pakikipagtalik sa hinaharap na talaga namang masiyahan ka.

At puwede ring kung nagbabalak kayong magdagdag ng miyembro ng pamilya ang tae na ahas” sa iyong panaginip ay representasyon kung saan, muli kang magkaka-baby sa malapit na hinaharap at ang sanggol na ipagbubuntis mo ay magdadala ng panibagong suwerte at magandang kapalaran sa inyong pamilya.

Samantala hindi pa pala natin nasasagot ang “kulay berde na naging gold”. Ang kulay na berde ay nangangahulugang luntian.Ibig sabihin “paglago” na nangangahulugang patuloy na lalago ang kabuhayan mo at ang mismong buhay ng pamilya mo sa kasalukuyan, at sa bandang huli, hindi lang malagong-malago ang mangyayari (berde) bagkus, natural na proseso ng mga halaman na “matapos lumago ang mga halaman” ito ay mamumunga (gold) at ang magiging dulong bunga o pangyayari sa iyong buhay o sa mismong kapalaran mo sa panahon ng inyong pagtanda, siguradong mayamang-mayaman na ang inyong pamilya at maligaya-maligaya tulad din na nirerepresenta ng kulay na ginto sa iyong panaginip.

 

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here