KAHULUGAN NG BUHOK SA PANAGINIP, ALAMIN

54
35573
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ngayon alam n’yo na o natalakay na natin ang ibat-ibang paraan kung paano ini-interpret mga panaginip, sisimulan na nating i-interpret ang mga pang-araw-araw ninyong napapanagipan.

Bibigyang interpretasyon natin ang inyong mga panaginip upang magkaroon kayo ng ideya, kung ano ang pinapahiwatig ng inyong “unconscious self”.

Malalaman din natin kung ano ang kaugnayan ng inyong mga panaginip sa tatahakin ninyong kapalaran sa susunod na mga araw, sa susunod na mga buwan o sa susunod na mga taon.

Sadyang pinagbuti at kinumpleto na natin ang pagbibigay ng kahulugan sa inyong mga panaginip, upang malubos ang inyong kaalaman. Kaya, matutunghayan n’yo ngayon ang ibat-ibang diskarte ng pag-i-interpret ng inyong mga panaginip:

Sa pagkakataong ito, ganito natin bibigyang kahulugan ang inyong mga panaginip:

Una, ang Modernong paraan o Pang-Psychology na diskarte ng pagi-interpret ng mga panaginip.

Pangalawa, ang Makaluma o Tradisyunal na kahulugan ng mga panaginip.

At Pangatlo, ispesipik din nating ibibigay ang kahulugan ng mga panaginip kung ikaw halimbawa ay isang: May asawa na, Negosyante, Empleyado o Pangkaraniwang Namamasukan o isang Estudyante.

Ang Kahulugan ng Buhok sa Panaginip

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Rose Ann Vicentuan Rivera. Ganito ang kanyang panaginip.

Dear Maestro,

Mahaba po kasi ang aking buhok, hanggang puwet. Nanaginip ako na pinaputol o pinagupitan ko raw ito. Masamang pangitain po ba ito? Maraming salamat po.

KASAGUTAN:

Opo, medyo masamang pangitaan kapag pinaputol o pinagupitan ang buhok sa panaginip.

Ang buhok ay itinuturing na “masculine power or energy.” Kung mahilig kang magbasa ng Bibliya, maaalalang si Samson na ubod ng lakas ay may napakahabang buhok. Sa kanyang mahabang buhok nanggagaling ang kanyang lakas. (Mga Hukom Kabatana 13 hanggang 16).

Ngunit nilinlang ni Delilah si Samson. Kung kaya’t ng malaman ni Delilah na sa kanyang buhok nanggagaling ang lakas ni Samson, pinatulog niya ito. Nang si Samson ay mahimbing ng natutulog pinaputol niya ang buhok nito. At doon tuluyan ng nawala ng lakas si Samson kaya madali na siyang nahuli ng kaaway niyang mga Filisteo. At ng si Samson ay mahuli, siya ay ikinulong. Sa bilangguan pinagtrabaho siya sa gilingan at doon unti-unti na uling humaba ang kanyang buhok. At ng humaba ang kanyang buhok, muli siyang lumakas.

Ganito ang nakasulat sa Mga Hukom 16: 28-30

“At nanalangin si Samson, “Panginoong Yahweh, mahabag kayo sa akin. Isinasamo kong minsan pa ninyo akong palakasin upang sa pagkakataong ito’y makaganti ako sa mga Filisteo sa pagkadukot nila sa aking mga mata.” Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa dalawang haligi sa gitna ng gusali, at malakas na sinabi, “Mamamatay ako ngunit sama-sama tayong mamamatay!” Ibinuhos niya ang kanyang lakas at itinulak ang mga haligi. Gumuho ito at nabagsakan ang mga pinuno at lahat ng Filisteong naroon. Kaya, ang napatay ni Samson sa oras ng kanyang kamatayan ay mas marami pa kaysa noong siya’y nabubuhay.”

Sa madaling salita, walang duda, ang kahulugan ng buhok ay energy o kakaibang lakas. Kaya sa sandaling ito ay pinutol mo sa iyong panaginip o pinaputol mo, ito ay nangangahulugan lamang na sa susunod na mga araw mawawalan ka ng lakas o kasiglahan sa anumang iyong ginagawa sa kasalukuyan.

Sa partikular dahil ang “buhok ay nasa ulo na siyang nagsisilbing proteksyon ng utak” posibleng sa susunod na mga araw ay humina ang kahusayan mong magdesisyon o humina ang iyong “reasoning process” na magiging dahilan upang ikaw ay mamali ng pagpapasya.

Kaya kung napanaginipan mong “naputol ang iyong buhok o pinutol ang iyong buhok”, ito ay isang babala na sa panahong ito hindi ka dapat na magpasya o magdesisyon lalo na’t mahahalagang mga bagay ang nakasalalay sa gagawin mong pagpapasya.

Bukod sa kakayahang pang “intellectual” na siya ring sinisimbolo ng mga buhok, ito rin ay sumisimbo ng “kasiglahang pang-sexual”.

SA MAKALUMA O PANG-TRADISYUNAL NA PAKAKAHULUGAN, kapag ang buhok ay patuloy na malusog at mahaba, ito ay tanda ng pagiging malusog at patuloy na kasaganaan.

Kapag nalalagas ang buhok ito ay kawalan ng ganang pang-seksuwal at maaaring ding pagkabaog o babala ng pagkakasakit.

Sa mga may asawa, kung ikaw na si misis ang nakapaniginip ng nalalagas o naputol na buhok, ito ay kawalan ng gana ni mister sa pakikipagtalik. At kung ikaw naman si mister na nanaginip ng nalalagas o naputol na buhok ito ay tanda ng kawalang gana ni misis na makipagtalik.

Ano’t-anuman, sa madaling salita, kung ikaw ay may asawa na, ang ibig sabihin ng “nalagas o naputol na buhok” ay “sexual frustration.”

Kung ikaw naman ay isang negosyante, ang pagkalagas o pagkaputol na buhok ay babala ng napipintong pagkalugi sa mga transakyon na iyong papasukan.

Kung ikaw naman ay isang empleyado, ang nalalagas o napuputol na buhok ay tanda ng kawalang gana na magtrabaho o tinatamad ka na sa kasalukuyan mong trabaho, dahil para sa iyo hindi sapat ang iyong paghihirap sa ibinibigay sa iyong suweldo.

Kung ikaw naman ay isang estudyante ang pagkalagas o pagkaputol ng buhok ay nangangahulugang sa susunod na exam o pagsusulit maaaring bumababa ang iyong marka o grado kaya dapat na ngayon palang ay pursigidong mag-review ka upang maiwasang ikaw ay magkaroon ng failing grades.

(Sa mga gustong ma-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down nyo ang cursor, sa ibaba, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Libre at walang bayad, buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO)

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip at matutong mag-interpret ng sarili mong panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

 

Exclusive:

Dream Interpretation Online

Ang Sikreto ng iyong Panaginip

ni Maestro Honorio Ong

54 COMMENTS

  1. Hello. Tanong ko lang po kung anu ibigsabihin ng naglalagay daw ako ng kurtina sa panaginip? Taz may baby pinaglalaruan nya ung ilalagay ko dapat sa itaas banda ng kurtina na prang accesories. Taz may nkita akong tae sa daanan. Kya kumuha daw ako ng dakot at walis taz kumuha daw ako ng lupa pra takpan ung tae..taz nung ntakpan ko na ung tae meron pa daw akong nkitang isang tumpok ng tae sa ktabe ng tinakpan ko. Kulay dilaw po ung tae at matigas..

  2. Hello po tanung ko lng po ano ibig sabihin ang panaginip ko.na nagmamaneho ho ako ng bus tpos hininto ko po sa tabi at bumaba po ako tpos ho pagkababa ko kusang umandar ung bus tumawid sa kalsada tpos hinabol q po pero kusa rin huminto tpos nagicing no po ako.

    • Hello poh nq ask ko lng poh kpag poh ba nanaginip ng kinakasal masama?
      Sa panaginip ko poh ikakasal aq tpos ung damit na isosoot q d nkabili ehh araw ng ng kasal q kinabukasan,,?

  3. Maestro itatanong ko lang po sana ano ibig sabihin ng panaginip ko na nakakita daw ako ng kuto sa buhok ng anak kong babae at ito daw ay kinuha ko at pinag titiris tapos ang pinakamalaki daw na kuto niya ay yung katulad ng sa pulgas ng aso na mataba at pag tapos nun nagising na po ako ano po kaya ang panaginip ko na yun maraming salamat po

  4. Good afternoon Sir. Would just like to ask about my dream about me endlessly pulling out locks of long hair which is not mine out of my bathroom bell-trap. What does this mean?

    Thank you so much for your reply ; re: the interpritation of my dream

    JoySan

  5. Maestro

    Ano po ba ang kahulugan ng puting buhok na naka tayo at pilit q po binubunot pero hind q po ma bunot…napaapa isip po aq ngaun sana po matulungan nyo q qng ano gusto ipa hiwatig nyan salamat po!god blesz & more power

    ?yza

  6. Maestro gusto ko po sana malaman kahulugan ng panaginip ko n.nawawala daw ang susi.at kinuha ng bata ang aking bag n may lamang pera at mga id.pasport at sss ko.kua sabi ko daw ibalik ang aking bag khit dna ung pera.nung naglalakad ako.para magsumbong may nakita ako n wallet n wlang laman at naisip ko n kinuha din nh bata.nahawakan ko n ito kya ginaga ko itinago ko daw sa may putik ang wallet k. Bka ako mapagbintangan..dhul may finger frints n ako dun.nagsumbong ako sa boss ko.at ang zabi skin magpanibago nlng daw ako ng kuha ng id.gusto ko isumbong sa pulis..pero whag n daw..anu po kya ibig sabihin nun.sa ngayon sa kuwait ako bilang dh.salamat po maestro sana po malaman ko ang sagot

  7. Hi po! Tanong ko lng po kung ano kya ibig sbihin ng panaginip kong nasunog daw ung buhok ko tas may biglang nag sabi na buti pa raw aswa ko khit nsa malau ako, ako parin at hindi tumitingin sa iba. Hindi kya kabaliktaran un, hindi kya may kabit xa?
    Nag abroad kc ako.

  8. nanaginip po ako ng buhok pero ang buhok ko ay medyo kulot sa panaginip ko pinutol ang buhok pero bumagay sa skin at straight dw buhok ko at may kulay ano kya ang ibig sabihin nyan

  9. Hi ask ko po sana kung ano ibg sabhn ng panaginip ko na ikakasal ako pero hindi ko sinipot sa simbahan ung papakasalan ko tapus humingi ako ng tulong sa kambal ko na tumakas ako at tinulungan nya ko binigyan nya ko ng address ng kaibgan namen tska pera . Then kinakabahan ako kase 8 mins nlng dw mag start na ung serimonya tas may mga tao sa labas na hinahanap ko . Kinabahan ako ng sobra then aun nagising ako ng mga 1 am ung kaba ko sa panaginip rinig na rinig ko kabog ng dibdib ko aun hndi na ko natulog salamat po sa pag sagot

  10. Nanaginip nman po ako na nakakita ako ng batang lalakinakota ko sya na may sakit tapos kinausap ko pa sya sbi ko sbihin sa magulang nya kng ano ang kanyang sakit maya maya ginugupitan na sya at nalalagas na buhok nya..hndi po ako ang ginugupitan at nalalagas ang buhok isang bata lalaki ano po ba ibig sbihin nun na nkita ko sya sa aking pnaginip??? Pls answer po🙏

  11. gud day po sa inyo..nais ko lng po itanong kung ano po ang ibig sabihin o kahulugan ng panaginip Ng aking kinakasama,,una ay napanaginipan dw Po nyang xa ay ginugupitan Ng buhok Ng knyang pumanaw na ama.
    Tas nsundan pa uli to Ng nanaginip uli xa na ginugupitan din xa Ng buhok Ng knyang kaibigan na Patay na din.
    Salamat Po sa inyong kasagutan
    God bless po

  12. Ano po ang ibig sbihin ng kuto?sa panaginip ko nakita ko tatay ko( patay na cya) sa panaginip ko ginagalis ulo nya ksi madami cya kuto sa panaginip nkagat pa ako ng kuto sa kamay ko ano po ibig sbhin noon?

  13. nanaginip po ako nagkakamot daw po ako ng ulo tpos may sumama daw pong maliliit n kuto .. ano po bang ibig sabihin nun ??

    • Dear Maestro….

      Napanaginipan ko na tumatae daw ako nang pangalawang beses at ito ay binabalot ko sa plastic… Pagkatapos sa mga sandaling ito.. nanaginip ako na naputol Ang kaunti Kong buhok ….

      Anong ibig sabihin po ito Maestro??

  14. Nanaginip ako na nagtrim ako ng buhok. Konti lang pero madami ang nakuha ko n buhok na nagupit ko. Ano po ibig sabihin nun.

  15. anu poh ang ibig sabihin ng npanaginipan ko nitong tanghaling tapat ng umubo dw aq at may buhok sa ngala ngala kobat ng hilain q ay dami ng buhok n nahila q sa bunganga q..nais q pong malaman kng anu ibig sabihin non..salamat poh

  16. Ano po ibig sabihin Ng panaginip ko na may buhok daw sa ibabaw na malapit SA kuko Ang dalawa Kung hintuturo, at agad ko daw binunot Ito. Salamat Po.

  17. Dear sir.
    Nnaginip po aq na. Ang saya saya q dw po dhil s aking mhabang mhabang buhok. Ipinagmmlki q dw ang hba ng buhok q khit mbgat n s pkramdam q. At minsan dw po n humrap aq a slmin nkita q srli q n my ngiti s bibig kahit buhat buhat q ang nkablunbon qng buhok khit at mhal n mhal q dw po ang aking buhok ingat n ingat s pgsusuklay.
    Ano po ba ang ibg sbhn ng aking pnaginip?

  18. Nanaginip ako na ginugupitan ko ang buhok ng anak ko n lalaki. Mhaba ang buhok at kulot s panaginip ko ng mtpos ko magupitan may malking uka. Pero s totoo ung buhok nya panglalaki ang gupit.

  19. Ano po ibig sabihin sa panaginip na nakita ko yong buhok ko sa ulam na may sabaw pero konti lang mga isa o dalawa tatlo yata.dalidali ko pong kinuha kasi baka makita ako ng amo ko…may asawa napo ako pero hiwalay na kami bago palang.

  20. Ano po ang ibig sabihin ng habang nka upo ako sa ibaba ng isang building at nasa likod ako ng isang guard ng may dumating na mama na may dala ng baril at ipinakita sa guard ang mga larawan ng kanyang hinahanap at habang nka upo ako nung paakyat na cia bigla niya akong tinitigan at natameme po ako at tuluyang tumakbo sa takot na bka ako ang barilin nya.

  21. Maganda araw po Maestro Honorio Ong,
    Gusto ko lamang po malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Yung unang panaginip ko po nakita ko c Mama Mary sa kalangitan at may maliwanag na moon nung nagpakita si mama mary. Nagdasal po ako sa kanya nung nakita ko sya sa kalangitan. Pangalawa po napanagipan ko si Lord, nagpakita po sya sa kalangitan. Yung ulap nag hugis ng mukha ni God napakaputi at liwanag ng ulap. Nung nakita ko po si God nagdasal po ako at nagwish. Yung winish ko po ay manalo kami sa lotto. Sinabi ko din sa dasal ko na pag nanalo kami sa lotto gagawin ko po yung mission namin na tumulong sa charity.Tapos binanggit ni God sa akin “your wish is my command” tas nung nawish po ako sa kanya sa pamamagitan ng pagdasal sabi ni God sa akin “your wish is granted” tapos po lumuhod po ako at nagbow po ako sa lupa kasama ko po yung dalawa kong kapatid. Pag kabanggit po namin ng ” Thank you Lord” bigla na lng po ako nagising sa aking pagkatulog.
    Sana po matugunan mo po ang aking panaginip.
    Maraming Salamat po. God Bless You. 😇😊

  22. Pano po kung sa panaginip mo eh pinputol mo buhok ng baby mo ano po ibig sabihin un at ksama din po sa panaginip k na un ay ang ulo ng baboy?

  23. Good morning sir,ano po bang ibig sabihin sa panaginip un pag suot ng bestidang itim.at pag ahit ng kilay,salamat po.

  24. Hello po..Nanaginip po ako na nagpagupit daw ako ng buhok.. Yung nahawakan ko po ang buhok ko na hanggang paleeg na, nagalit po ako sa barbero tapos nung nakita ko ito sa salamin bagay na bagay po talaga sa kin.. Guilty po ako bakit ko ba pinagalitan ang barbero na bagay na man sakin yung style ng buhok

  25. Ano po ibig sabhin ng panaginip ko?nanaginip po ako na parang sinusuyuran po ung buhok ko tapos ang dami daw nalalaglag na kuto

  26. Hi maestro. Gdbless po. Ano po ang meaning ng panahinip ko kumakain po ako tapos nasama ko pagkain ang buhok ko hinila ko piro ayaw nasa ilalim nA ..gusto Kong putulin sa dreams Ko pro nawla ang panaghinip Ko ..masama vah yon??

  27. Nanaginip po ako na nilagyan ko po ng gamot sa kuto ang anak ko,mali po ang nailagay kong gamot sau lo ng anak ko at nalagas po ang buhok nya dhil pang mtandang shampoo sa kuto ang nailagay ko.
    Ano po ibig sabhin ng panaginip ko?
    Tungkol po ba ito sa akin o sa anak ko?
    Msama po ba sakin o sa anak kong babae ang panaginip ko na yun?

  28. nanaginip po aq na dinalaw ko daw yung bf ko sa room nla tapos ng nagpaalam po aq na aalis na aq parang wala lng sa kanya at tumingin daw po aq sa relo na nakasabit sa wall ng room nla.at nkita ko po 7:40 na ng gabi.umalis na daw aq at hindi mn lang nya aq pinigilan.nung nakaalis na aq bigla aq napunta sa lugar na kung saan may demolition at bigla daw aq tumalon galing sa mataas pababa kc pag d aq tumalon tatamaan aq ng parang mga mabibigat na bagay.ng tumalon aq d aq tinamaan pero ng pagtalon ko nkita ko na muntik na aq sumabit at masasaktan daw pero naiwasan ko at nkatalon aq ng maayos na bumagsak sa lupa at hindi nsaktan.may pinasukan aq na gate ay mdyo madilim pumasok aq para magtago.at maya maya lumabas na aq bka mkita daw aq ng amo ko na nasa kabilang bahay lng.pumunta daq aq sa right side na kalye dahil nkita ko na doon daw ay ligtas at napunta aq sa parang park dahil sa gabi kaya madilim na ng konti.balak ko daw bumalik sa bf ko at minimessage ko xa pero d xa nagreply ang sabi ko d aq mkauwi kc may demolition.tapos non naghanap aq ng mapagtanungan ng pede ko masakyan kc andaming street at d ko alam kung saan aq pupunta para mkasakay ng bus.may napagtanungan aq na ale pero d daw nya alam.at huminto daw aq doon sa park na parang pabilog at may nkapalibot na semento na masasandigan at ng tanggalin ko na ang tali ko sa buhok may napansin aq na parang may gumagalaw sa looban ng tali ko at ng tinaktak ko parang bulate na linta ang hugis na buhay buhay.at ng time na yun andun ang landlady ko na friend ko. tapos habang sinasabi ko sa kanya ang uod na parang bulate na hugis.linta galing sa tali ng buhok ko koronang buhok daw ang tinitingnan ko na nkapatong sa semento na nasa harapan ko.at sinagot aq ng landlady na yung kaibigan daw maraming kuto at iba iba ang kulay.tapos sinabi ko sa landlady ko na ayoko na gamitin yan…tapos yung koronang buhok parin ang tinitingnan ko.at sinabi ng landlady ko na maligo daw aq kc baka magkasakit daw aq.at doon po naputol ang panaginip ko.pagka gising ko nagmumuog po aq kc parang ang sama ng pakiramdam ko sa panaginip ko.salamat po ng marami sa pagbigay ng oras na basahin ang mensahe ko at sana po masagot nyo ang ibig sabihin ng panaginip ko.

  29. Magandang umaga po maestro.. nanaginip po ako na nabunutan o nagbunot po ako ng isa pong puraso ng aking bigote… nagtaka po ako kasi sa mahaba na siya… tuwid na tuwid pa tapos itim na itim.. para bang buhay pa na bigote nabunot ko… ano po kayang ibig sabihin ng aking panaginip?

  30. Gud am po… nanaginip po aq nasa isang sitwasyon po ba na hinahabol ako ng taga ng isang lalaki na hindi q kilala… isang mahaba pong itak.. pero hnd nmn espada..ilang beses aq nakakailag… nung nakorner nya nako ay.. bigla nako nagising.. maestro ano po kaya ibig sabihin non..slamat po

  31. Hello po ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip q na lage na lg may namatay isa sa mga pamilya ko at kamag anak
    Salamat po and GOD BLESS

  32. Maestro anu po ba ang ibig sabihin ng panaginip na sumuka ng buhok ng tao…manungang po kc ng ate ko nanaginip ng ganun ehh..sana po matulongan nyo po kami..nakawheel chair po sya ngayun kc naaksidente po sya ng motor habang nagddliver…maraming salamat po

  33. hi po maestro, good morning!
    ano po ba ibig sabihin ng napanaginipan kong marami daw po akong nalaglag na balakubak sa buhok ko ng sinuklay ko ito, ano ibig sabihin po nun???? pls reply po maestro. Thanks

  34. Helo po ano po ibig sabihin ng panaginip na may pinatay raw po ako na batang lalaki kc po may ginawa kc syang ka duda duda ung phone ko raw po kc hinulog nya sa bintana at alam ko ra po sa pnaginip ko na kukunin nya un at nanakawin nya,,pinatay ko po sya ngunit mamaya po na buhay sya khit ilang beses ko na pong pinatay ayaw parin pong mamatay at naka ngiti pa sya khit putol na po ang ulo nya naka ngiti pa din po sya

  35. Hi po….nanaginip po ako na pagkagising ko daw po ay sinabi ng kapatid ko na “lah lagas na buhok nito oh” pagkatingin ko sa salamin ay nalalagas o napapapanot na po yung buhok ko ano po ba meaning non??
    Sana po masagot nyo salamattt😊😊😊

  36. Maestro

    Nanaginip po aqho Na madami daw po buhok s bibig qho.. pang 2 beses qho n po napapanaginipan to, kung Di aqho nag kakamali Mag kasunod n gabi qho napanaginipan to at parehas lang Na may mga buhok sa bibig qho.. tapos pag parang masusuka Na aqho dun Na aqho magigising…tapos feeling qho pag gising qho parang totoong nag roon aqho ng buhok s bibig.

  37. Mahaba po buhok ko hanggang bewang. Nanaginip po ako na nagpagupit daw ako ng maikli at nagpa bleach ng buhok, pero di ko nakita ang itsura, feel na feel ko daw ang iksi ng buhok habang namamasyal, hanggang sa nagsalamin ako sa isang CR sa mall. Ang pangit pala ng buhok ko parang bunot ang pagkagupit. Parang mangkok sa ulo ganun itsura. Hiyang hiya daw ako at iniba ko pagkaayos nya.
    Wala po ako boyfriend o asawa. Yaya po trabaho ko. Ano po ibig sabihin ng panaginip na un?

  38. Good day Maestro..ang akin nman poh ay hnd buhok kundi bangka na malaki..

    Ganito poh kc panaginip ko,,una nkasakay kmi ng mga anak ko sa bangka,,sumasabay sa agos ng tubig na madumi(kulay lupa) na ilog..tpos poh maya-maya,binuhat ko ung malaking bangka na halos kinaya ko lng dw na prang d ako nabibigatan,binuhat sa galing sa ilog na lumalakad sa isang daanan na madamo,,tpos paakyat ung daanan pro pgdating ko dw sa my pg akyat na mismo,napasigaw na ako sa pghingi ng tulong sa isang lalaki,at tinulungan dw ako pro akoy bgla nang ngising…

    Need ko poh ang sagot nyo maestro asap…
    tnx poh tlga ng marami sa pgsagot..

  39. Ako din po una napanaginipan Ko Naglulublob ako as Putik tapos Nung pag ahon ko nanlagas buhok ko sobrang dami sa brush ko tapos po ngising naq.

  40. Nanaginip po ako na nalalagas ang buhok ko at meron akong na kita aswang at na sasak ko po cya at na kita ko ren ko ang tiyahin ko na higit nang 1year na patay sabay sabay ko po na panaginipan yan masama ba o hindi

  41. good day po maestro anu po bang ibig sabihin ng panaginip ko na mahaba ang buhok ko basang basa sinuklayan ko daw n may nanglagas s buhok ko tapos may mga kuto n maliit at malaki pinatay ko daw tapos suklay nmn ako uli yun last suklay ko nakita ko s suklay dami nanglagas anu po iyon kahulogan maestro maraming slamt po hintayin ko po sagot nyo godbless po s ating lahat

  42. Hello tanung ko lang po.nanaginip po ako na my kausap ako sa kuarto ko,then pagtingin ko sa bed ang daming buhok na nakakalat,akala mo sahig ng beauty parlor.tapos tinanong ko kausap ko sabi ko kaneno buhok yan,sabi nya sa kanya de nag gupit xa.ano po ba ibig sabihin nun?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here