Kahulugan Ng Aklat Sa Panaginip

0
159

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Mahilig ka ba magbasa? Kung isa kang tao na palabasa ng libro, malamang ay may mga pagkakataon na rin na napapanaginipan mo ito. Kung dumaraan sa iyong panaginip ang mga aklat, ito ay may nais ipahiwatig sa’yo na may kaugnayan sa iyong buhay. Ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang kahulugan ng aklat sa iyong panaginip.

BAGONG AKLAT

Kung sa iyong panaginip ay nakakita ka ng mga bagong aklat o libro, ito ay nangangahulugan ng mga bagong oportunidad na paparating. Nanangahulugan din ito na masidhi ang iyong pagnanais na madadagan ang iyong kaalaman hingil sa isang partikular na bagay. Matindi ang iyong kagustuhan na matuklasan ang ilang bagay sa iyong paligid at ito rin ay paghahangad ng isang pagbabago.

SIRANG AKLAT

Kung ang napanaginipan mo namang aklat ay sira sira at gula gulanit , ito ay indikasyon ng isang samahan na masisira. Maaaring pagkakaibigan, relasyon o sigalot sa pamilya. Ang sirang aklat ay nangangahulugan din na ikaw ay makararanas ng depression.

BASANG AKLAT

Kung sa panaginip mo naman ay hinawakan mo ang isang aklat na basa, ang ibig sabihin, ikaw ay magkakaroon ng isang maling pagdedesisyon. Kapag naman ito ay kasamang inaanod sa ilog o nakalutang sa baha, may tao na mangangailangan ng iyong tulong at atensyon.

AKLAT NA MAY PUNIT

Kung ang aklat naman na napaniginipan mo ay may punit lamang at hindi pa totally damaged,kakailanganin mong bigyan ng panahon ang isang mahalagang tao bago pa man ito mawala sa’yo. Mas malaki ang posibilidad na ito ay may kinalaman sa iyong personal na relasyon sa taong minamahal at pinagkakatiwalaan mo.

AKLAT NA MAY MALABONG MGA LETRA

Kung ikaw naman ay nagbabasa ng aklat sa iyong panaginip at ang mga letra nito ay hindi mo mawawaan o maintindihan dahil sa malabong pagkakaimprenta, ikaw ay naguguluhan sa iyong buhay at naghahangad na baguhin ito pero hindi mo magawa dahil sa mga nakahadlang sa’yo.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here