Kahulugan ng Aborsyon Sa Iyong Panaginip

0
157

Bakit nga ba may mga babaeng nagpapa-abort ng kanilang sanggol? Maaaring sa takot sa magulang, takot sa responsibilidad o napipilitan dahil ito ang kagustuhan ng kanilang kapareha? Obviously na isa itong hindi magandang gawain. Kaya naman ang mga gumagawa ng abortion ay hindi pinapayagan ng batas lalo na ng Diyos. Subalit patuloy pa ring ginagawa ng mga kababaihan na walang puso para sa kanilang isisilang sanang anghel.

Kung masama ang aborsyon, masama rin kaya ang kahulugan nito sa iyong panaginip? Minsan na rin akong nanaginip na ako ay nagpapa-abort at sa panaginip ko ay labis ang takot na aking naramdaman. Sa katotohanan ng buhay ay never ko pa itong naranasan at ni sa hinagap ay hindi ko makakayang gawin. Narito ang kahulugan nito na nais ipahiwatig sa’yo mula sa iyong panaginip.

Ang makapanaginip ng aborsyon ay isang hindi magandang pangitain. Ito ay nangangahulugan ng takot at kasawian. Halimbawa ikaw ay nag-aapply ng trabaho, kapag nanaginip ka nito, ito ay nagpapahiwatig ng napipintong kabiguan, ang ibig sabihin ay maaaring hindi ka matanggap o daraan ka muna sa butas ng karayom bago ka matanggap. Kung sa iyong buhay naman ay meron kang negosyo, ang managinip ng aborsyon ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo. Maaaring bumagsak ang iyong negosyo o mangangailangan ka ng karagdagang effort at bagong strategy para ito ay mapaangat pa. Maaari rin namang ikaw ay lihim na ninanakawan sa iyong negosyo kaya dapat kang maging mapagmatyag. Kung ito naman ay may kinalaman sa relasyon, ito ay nangangahulugan ng isang pagtataksil. Pwedeng ikaw o ang iyong kapareha.

Pero hindi lang puro negatibo ang nais ipahiwatig nito. Kung sa iyong panaginip ay malinis ang pagsasagawa ng aborsyon sa kabila ng iyong takot na naramdaman, ibig sabihin ay may problema kang masosolusyunan. Maaari rin na may negatibong pakiramdam kang mai-rerelease sa iyong katawan kung paano nai-release ang bata sa iyong sinapupunan sa panaginip. Halimbawa ay isang kinimkim na galit na iyo nang mapapakawalan dahil sa pagpapatawad.O paglimot sa isang bagay o pangyayari na dapat ng kalimutan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here