Kahulugan mga Panaginip 25

708

Pamela
Gudafternun poh…aq poh c pamela,may gusto lng poh sna akong itanong.Kc poh dumalaw kmi sa puntod ng anak ko na bunso at nagsindi kmi ng limang kulay ng kandila sa puntod nya.Ngayun poh ung apoy ng mga kandila nya ay patulis o patirik ang sindi.Ano poh ba ang ibigsabihin nun pag ganun?

  •           Ito ay nangangahulugan ng kapayapaan at pagiging ligtas. At dahil patusok ang hugis nito, kung iyong iisipin, ang kapag patusok ay tumuturo ito sa itaas. Kaya naman ang simbulo ng patusok na sindi ng kandila ay gabay at bantay. Nagpapahayag lamang ito na kahit wala na siya ay palagi pa ring babantayan at gagabayan ang iyong pamilya.

See more

Cho degano

Hi po, gusto ko lamang po malaman kung ano ibig sabihin nito
Pauwi napo kmi ng kaibigan ko noon ng bigla na lang may sumaksak sa kanya at dahil nagalit ako kinuha ko ang ballpen ko sa bulsa at sinaksak ang salarin. Paulit ulit ko syang sinaksak at gnon din ang kaibigan ko.. sa di malamang dahilan itinakbo ko ang kaibigan ko at binuhat, humingi ako ng tulong sa may bandang kaliwa namin ngunit sinabi nila na mrami silang ginagawa kaya hndi kmi mtutulungan. Nagkataon noon na nagpasundo nako sa papa ko bago mangyari ang insidente, may nakita akong tao tawagin nalang ntin sa pangalan na nay niks, bakla po sya.. sya ang tumulong sa amin noon pra sa project sa school.. sa lugar din po nya nangyari ung pagsaksak, tas tinulungan nya po kmi at isinakay sa taxi ang kaibigan ko at dumating na ang papa ko ngunit sinabi ko na kay nay niks nalang ako sasabay at pgdating sa hospital, hndi agad naasikaso ang kaibigan ko, kaya nagtanong tanong ako don at yun na nga kinuhaan sya ng dugo isang pack din un at ibinigay sakin dugu duguan na ang kaibigan ko non.. at don na nagtapos…

  •           Ang maaaring kahulugan ng panaginip ay nakadepende sa kung anong nararamdaman mo sa pananaginip mo. Konektado ang nagyayari sa panaginip mo at sa kung anong emosyon mo sa oras na nananginip ka. At sa iyong panaginip, posibleng nakararamdam ka ng galit sa isang taong nanakit o mananait sa iyo at sa iyong kaibigan. Maaaring ang taong ito ay hindi ka gusto at ang iyong kaibigan.
              Posibleng ang ipinahihiwatig rin nito ay kung sino ang dapat mong pinagkakatiwalaan sa iyong buhay, na dapat ay kilalanin at kilatisin mo nang mabuti. Samantala, iyo rin dapat na maunawaang maraming taong dadaan sa buhay ninyo nang kaibigan mo ngunit hindi lahat ay may balak tumulong sa iyo.

See more

Mae
In reply to Bagelyn justo.

Hello po, nais ko po ipainterpret yung panaginip ko na ikinakasal daw ako, prang totoo talaga. Ikinakasal daw ako sa best man ng kapatid ko nung ikinasal siya ng time n yun, tapos sabi p ng mama ko” iingatan mo ang anak ko” iyak na iyak ako sa harapan ng mama ko d ko alam kung ano yun lungkot ba o tuwA masaya nmn ako pero malungkot dahil mahiwalay n ako sa poder ng mama ko, at ngayun sa huli nanaginip n naman ako yung kaptid ko raw ikinaksal samantala eh kasal n yung kuya ko sa totoong buhay at ako ang brides maid tapos iba na man yung babae pinaksalan niya sa panaginip ko,tapos yung best naman ng kuya ko yung partner ko sa kasal niya,ay ikinasal na last may2019at sa panaginip ko siya ang groom ko., eh hindi nman kmi mgboyfriend dati .

  •           Ang sinisimbulo ng kasal sa panaginip ay mga transisyon ng pagbabago sa iyong buhay. Ang kasal ay sumasalamin sa iyong mga issue pagdating sa commitment at kalayaan. Maaaring ito rin ay nagpapahiwatig sa sa iyong kasiyan o kabiguan sa pakikipagrelasyon.

Sa iyong panaginip ay may nabanggit ka na ikaw ay masaya kaya naman maaaring ang iyong panaginip ay konektado sa masayang pagbabago sa buhay mo. At nakadepende rin ang iyong panaginip sa kung anong emosyon ang dumadaloy sa iyo sa mismong oras na nananaginip ka.

See more

 Lanie Cinco

Hello po Maestro pnaginip ko po nanganak aso ko po ung spin po nla na kumot pg tinaas ko o pinagpag nddagdagan ung mga tuta at kulay nila puti po eh pg nganak po un mga itim bkit po puti at ang ccute nla kc bagong panganak lang

  •           Ang kadalasang pinapahiwatig kapag ikaw ay nagkakaroon ng panaginip na tungkol sa mga aso ay ‘kaibigan o miyembro ng pamilya na pinkamalapit sa iyo. Kaya naman ang posibleng ipinahahayag ng iyong panaginip ay mga bagong kaibigan na dumating o magpapakilala pa lamang sa iyong buhay.

See more

Cresilda Villanueva

Nanaginip po ang aking asawa na nilunok po ako ng buhay nang malaking ahas. At hindi na niya nakita yung ahas na lumunok sa akin.

  •           Ang kahulugan ng ahas sa panaginip ay negatibo o malas kung minsan. Pagiging traydor at taksil ang simbulo ng ahas sa panaginip, maaaring ihalintulad rin ito sa tukso. Kaya naman ang maaaring maging kahulugan o interpretasyon sa panaginip mo ay pagdating ng kamalasan o katrayduran ng isang taong malapit sa iyo at mahusay magbalat-kayo. Hindi mo mamamalayan ang pagtira nito sa likod mo sapagka’t maaaring sobra ang tiwala na ibinagay mo.

See more

sophia

magandang gabi po. nanaginip po ako ng puro ahas kagabi, sobrang daming ahas nakapulupot sa paluko ng bahay nmin maging sa bumbilya ng ilaw ng kwarto nmin. sobrang dami pong ahas sa loob ng bahy nmin maski saan ako tumingin may ahas akong nakikita ,magkakaiba ang laki, at may nkita akong parang bayawak naggagapang sa paluko ng bahay nmin, malaking bayawak ,kasama ng mga ahas na ibat ibang klase at ibat iba ang laki.. kitang kita ko po ung mga ulo nila sobrang nkakatakot. nasa loob po kmi ng kulambo kasama ang mga anak ko. sabi ko ay isanib n mabuti ang kulambo dahil baka makapasok ang mga ahas, pagtingin ko sa ulunan ko isang malking ahas ang malapit ng makapasok kaya napasigaw po ako sabay nagising.. ano po ba ng ibig sabhin nun? lagi po akong nkakapanaginip ng ahas pero ngaun lang ako nanaginip ng ganun kadami. hindi ko po mabilang. salmat po sa inyong magiging sagot.

  •           Tulad ng ibang mga panaginip tungkol sa ahas na iisa lamang madalas ang simbulo, ito ay nagpapahayag ng negatibo sa buhay mo. Kataksilan o pagiging traydor ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip, kaya naman ang maaaring interpretasyon sa panaginip mo ay mayroong mga taksil sa mismong bahay nyo, posibleng ito ay malapit sa iyo. Maaari rin na ikaw ang tipo ng taong mabilis magtiwala. Kung ang ahas ay nasa labas, maaaring hindi mo pamilya o kamag-anak ang may pagtataksil sa iyo.

See more

maria luisa tecson

pahula po ng future ko…
salamat po.

  •           Hindi natitiyak sa interpretasyon lamang kung ano ang magiging hinaharap mo. Ikaw pa rin ang makakahihinuha at makapgsasabi nang kung ano ang mangyayari sa future mo. Kung anong magiging kapalaran mo sa career, love life at kalusugan ay nakadepende sa kung paano mo patatakbuhin ang gulong ng buhay mo.

See more

 flordeliza bonaobra

paano po kung ang panaginip ko ay nanonood ako sa mga sumasayaw..kumakain din kme ng mga kaibigan ko sa isang kainang…basta laging may involved na pagkain sa panaginip ko at mga nagiinoman pro ako hnd naman umiinom sa panaginip..

  •           Ang sinisimbulo ng pagsayaw sa panaginip ay energetic life, passion mo sa iyong career at iba pang mga malalalim na damdaming hindimo mailabas. Sumisimbulo rin ito sa galaw at entablado ng iyong buhay. Madlaas ito ay nagpapahiwatig ng kasiyahan at nagbabadyang tagumpay. At kung ikaw ay nanaginip nang tungkol sa pagsayaw, ito nangangahulugan ng masayang pangyayaring parating sa buhay mo.

See more

Glenn

Good day, Maestro Honorio Ong!

“Dumudumi po ako sa inidoro tapos bubuhusan ko na po kasi tapos na po ako nang nasa kalagitnaan na po ako ng pagbuhos ng tubig at paubos na yung tubig sa timba na ibinuhos ko ay biglang may bumubuwelta na malakas na puwersa sa inidoro at biglang may lumabas po na isang malaki at light blue na ahas mula sa inidoro.”
Lalabas po ba ang unconscious power ko? Kasi po mga ilang araw na po ang nakalipas eh nag-try po akong mag-training ng opening the 3rd eye techniques may kaugnayan po ba iyon?

  •           Ang iyong panaginip ay nangangahulugan ng pagtatanggal mo nang mga iba’t ibang negatibong enerhiya sa katawan mo, pag-aalis ng mga damdaming hindi mo naman kakailanganin. Maaring ang ipinahahayg ng panaginip mo ay noong nais mo nang tuluyang alisin sa katawan at paligid mo ang mge negatibong ito ay may kung anong pumigil sa iyo at maaari rin na may importante kang bagay na hindi mo nais ilahad, bagay na nais mong isikreto o bigyang proteksyon.

Maaaring wala mang koneksyon ang pagbubukas mo ng iyong 3rd eye ngunit hindi ito tiyak o maiinterpreta, ikaw lamang rin ang makakaalam niyan sa iyong sarili.

See more

Michael Pusag
Pano po Kung pintuan KATAPAT ay pintuan ng cr Pero sa Labas po ng bahay
NASA Labas po kc cr nmen pagpasok po nmen makita agad pintuan ng cr.pero ung pintuan ko pO na to ay pintuan ng kusina nmen sa Labas. Hindi po ito pintuan papasok ng sala.bago sala pintuan Muna sa Labas tapos Gawing Kaliwa un ung main door ng Pinaka loob ng bahay.malas sun po ba yon.tapat sya ng cr nmen Pero Malayo nman

  •           Hindi naman matitiyak ang swerte sa kung paano ang naging pwesto ng pintuan. Bagama’t hindi tiyak ay marami namang pinaniniwalaang araan para magkaroon ng swerte o mawelcome ang suwerte sa iyong tahanan. Maaari kang humingi ng payo sa isang feng-shui expert o di kaya ay manood sa youtube nang tungkol rito, maraming mumunting gawain ang maaaring mong maging suwerte at tandaan na ang tunay na swerte ay iyong makakamit sa tulong ng sipag at tiyaga.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here