Kahirapan ang naging hamon niya upang magtagumpay…

77

GERALD MIER, Top 2 sa Electrical Engineering Board Exam!

Pinatunayan ng 21 anyos na si Gerald Magalona Mier na taga Legazpi City, Albay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad niya sa kanyang pangarap. Bagkus, ang hamon ng kahirapan pa ang lalong nagtulak sa kanya upang magpursiging makatapos sa pag-aaral at ngayon nga’y maging ganap na electrical engineer.

Pero hindi lang basta engineer ang binatang si Gerald, dahil bukod sa pagpasa sa Electrical Engineering Board Exam, nag top 2 pa siya sa nasabing pagsusulit sa markang 92.05.

Mula sa mahirap na pamilya, isang electrician at manikurista ang mga magulang ni Gerald na sa kabila ng kahirapan ay nagawang itawid ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Isa silang tipikal na pamilyang Pilipino na sa pang-araw-araw ay lumalaban sa buhay at nagsusumikap upang makaahon sa kahirapan.

Aminado ang binatang si Gerald na ang kanyang ama ang kanyang naging inspirasyon na maging electrical engineer. Dahil maraming pagkakataon noon na isinasama siya ng kanyang ama sa trabaho nito kaya naman maaga siyang na-expose sa trabaho ng ama at nagmistulang mitsa ito sa kanyang pangarap.

Kaya naman kahit noong nag-aaral pa lang mula sa elementarya hanggang kolehiyo ay talagang tumutok sa pag-aaral si Gerald. Maraming sakripisyo siyang dinanas tulad na lamang ng mga pagkakataong halos wala na siyang maipambaon sa eskwelahan o kaya naman ay ang pag-iwas sa anumang paglalakwatsa. Ang lahat ng ito’y kanyang ginawa upang magpokus sa kanyang pag-aaral at naging dahilan naman upang siya ay maging consistent dean’s lister at nagtapos naman bilang Cum Laude sa Bicol University.

Fresh pa rin sa isipan ni Gerald na kahit noong nagre-review siya para sa pagkuha ng Board Exam ay may mga pagkakataong halos wala na siyang pera sa wallet na kanyang panggastos, mabuti na lamang at sa pagtutulungan ng kanyang pamilya ay nagagawan nila ng paraan upang maipagpatuloy ng binata ang pagri-review nito.

Kaya naman ang kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang mga magulang ay labis ang pasasalamat at tuwa nang malaman nila na hindi lang nakapasa, bagkus ay nag top 2 pa sa Board Exam.

Maging ang napaka-humble na si Gerald ay nagsabing hindi rin niya inaasahan na mag-top dahil talaga daw na mahirap ang exam. Pero talagang labis-labis ang kanyang pasasalamat sa blessings na tinanggap niya. Ngayon ay batid niyang siya naman ang magsusumikap sa pagtatrabaho upang suklian ang napakalaking sakripisyo ng kanyang mga magulang.  Saludo kami sa iyo, Gerald Mier! Mula sa PhilippineOne.com hangad naming ang iyong tagumpay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here