KAHALAGAHAN NI EBA

882
Ang Pagmamahal ng Diyos sa Mga Kababaihan

Isa sa pinaka sikat na question and answer sa Miss Universe Pageantry ay ng tanungin si Miss Univers 1994 ng “What is the essence of being a woman?” at ito din ang isa sa pinaka tumatak sa mga Pilipino, isa sa dahilan ay dito sa Pilipinas ginanap ng manalo si Sushmita Sen bilang Miss Universe noong 1994. Tumatak ang sagot niya sa patimpalak, na ayon sa kaniya ang pagsilang ng sangol ang kahalagahan ng pagiging babae, isang bagay na naipasok sa isipan ng maraming Pilipinong tulad ko na ang pagiging ganap na babae ay kung ako ay makapag luluwal ng sangol paglaon ng panahon. Ano ng aba ang kahalagahan ni Eba? may halaga ba s’ya?

Sa aking paglaki, nakita ko ang sobrang traffic sa Maynila, ang kahirapan sa buong bansa, ang kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino, at ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay hindi din ganoong katas. Napaisip ako, tama pa bang ang esensya ko bilang isang babae ay ang pagluluwal ng sangol? Sa lumolobong populasyon sa bansa at sa taas ng bilihin masasabi ko pa bang ang pagluwal ko ng sangol ay magiging isang biyaya o isang pasakit sa lipunang hindi alam kung makakabangon. Marahil problema ng pamahalaan ang pag-kontrol sa traffic, pero kung magdadagdag ka ng isa pang mamamayan sa bansang overpopulated malamang isa ka din sa dahilan ng sa traffic sa bansa. Sa dami ng problema sa lipunan naiisip kong ayaw ko ng dumagdag pa.

KAHALAGAHAN NI EBAPadami na ng padami ang populasyon sa bansa at ang malaking bahagi nito ay galing sa teenage preganancy, mga batang walang muwang, hindi alam ang kanilang ginagawa kaya ang ending walang maipakain sa anak. Mga babaeng inuna ang tinatawag nilang pagmamahal kaysa sa mag-aral ng mabuti, mga takot iwan ng kasintahan pag hindi ibinigay ang sarili. Nakakalungkot na ganito kadalasan ang kinahihinatnan ng mga kabataan ngayon, at hindi tama na ang obligasyon ng magulang sa anak ay ipapasa sa gobyerno. Hindi naman siguro makatarungan na ang pagkakamali mo ay ipapasa mo sa ibang tao.

Masasabi kong ang pagkababae ay hindi nasusukat sa pagluluwal ng sanggol. Ang isang babae ay magiging buo maag-luwal man ito ng bata o hindi. Magiging ganap na babae pa din kung ang isipin mo ay ang kapakanan ng mas nakakarami. Hindi isang pagkakamali ang magdesisyon nah wag mag-anak o ‘di kaya’y magplanong mag-anak sa tamang panahon. Ang sanggol ay isang biyayang galing sa Dios na dapat ipagpasalamat, ngunit kaakibat nito ang isang malaking responsibilidad at dapat pinag-iisipan ng lubos. Paano mo bubuhayin ang isang sanggol kung sarili mo hindi mo kayang buhayin. Hindi kayang pakainin ng pagmamahal ang kumakalam sa sikmura, at hindi nakamamatay ang pagiging single. Hindi kailangang pairalin angKAHALAGAHAN NI EBA pagmamahal, dahil lahat ng bagay ay iniaayon sa tamang pamamaraan at pagkakataon. Ikaw, what is your essence of being a woman?

 Just being a woman is God’s gift.The origin of a child is a mother, a woman. She shows a man what sharing, caring, and loving is all about. That is the essence of a woman.”

– Sushmita Sen of India, Ms. Universe 1994

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here