Kadenang Ginto: Buking na ni Romina si Robert Mondragon

Lagpas isang taon na ang teleseryeng Kadenang Ginto na pinagbibidahan nina Francine Diaz (Cassie Mondragon), Andrea Brillantes (Marga Mondragon Bartolome), Beauty Gonzales (Romina Andrada-Mondragon), Dimples Romana (Daniela “Dani” Mondragon-Bartolome) at Albert Martinez (Robert Mondragon) ngunit hanggang ngayon ay inaabangan ko pa rin ito dahil naman kaabang-abang ang bawat eksena.

Iyon nga lang, lahat ng kuwento ay mayroong katapusan kaya alam kong malapit na ang pagtatapos nito dahil nalaman na ni Romina na si Robert ang humalay sa kanya. At kanina nga ay sinumbatan na ni Romina si Robert para ipagsampalan dito ang kanyang nalaman. Magaling na artista si Beauty kaya naman nai-deliver niya ng husto ang kanyang dialogue. Nakakatuwa ring pagmasdan ang paglakad niya ng nakagintong gown.

Medyo nakulangan lang ako sa kanyang dialogue. Parang kulang pa sa emosyon. Oo, nag-back story siya, sinabi niya iyong mga nangyari sa nakaraan pero parang hindi matibay ang mga salitang iyon para tuluyang madurog ang ating puso sa sobrang sakit na nararamdaman ni Romina. Medyo hindi ko rin gusto ang acting ni Albert Martinez na gumanap bilang Robert. Kahit kita naman sa mukha niya ang pagkabigla, hindi ko nakita roon na napahiya siya ng tawagin siyang rapist ni Romina.

Bagamat ngayong araw ay nakulangan ako sa emosyon na ipinakita nina Beauty Gonzalez at Albert Martinez, umaasa pa rin ako na sa susunod na araw ay babawi sila. Kailangan ay hundred percent pa rin ang emosyon na ipinapakita nila para sila ay mas panoorin at pag-usapan.

Kayo ba, anong masasabi ninyo sa Kadenang Ginto?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here