Kadamay binigyan na ng Bahay, Demanding Pa!

0
445

Ang Katipunan ng Damayang Mahirap o Kadamay ay sinubukang iokupa ang mga pabahay o housing project ng National Housing Authority o NHA sa Pandi, Bulacan.

Dapat ang mga bahay na iyon ay ibibigay sa mga miyembro ng kapulisan o Philippine National police(PNP) at maging para sa mga sundalo.

Ngunit, matatandaang noong March 8, 2017 ay sinubukan nilang okupahin ang mga nasabihang mga bahay dahil diumano ay mga nakatengga lang naman ang mga ito at walang mga naninirahan.

Noon ding Abril 17, 2017 ay humingi sila sa gobyerno ng libreng pabahay.

Sa ganito pong kalagayan, nandito na po ‘yung krisis ng pabahay at nandiyan na rin ‘yung krisis ng kabuhayan at kawalan ng trabaho. Ang amin pong panawagan ay libre at pang-masang pabahay. Iyan ang saad ng Kadamay Chairperson na si Gloria Arellano  sa isang interview niya sa isang programa.

Kailangan talaga po ‘yung trabaho, magkaroon ng trabaho dahil hindi naman po mahirap magbayad ang mahihirap kung meron pong permanenteng trabaho at sapat na sahod. Ito ho iyong number 1 na problema talaga. Sinasabi nga ho naming negosyong pabahay ito dahil marami naman sa nag-a-apply ay hindi nabibigyan pero ang daming naka-tiwangwang,dagdag niya pa.

Matatandaang noong Abril 4 lamang ay ipinaubaya na lamang sa kanila ng Pangulong Duterte ang mga bahay sa Bulacan na sapilitan nilang tinirhan at inangkin.

“Ang iniiwasan po ng ating Pangulo ay magkaroon pa po ng kumprontasyon o dahas and we will follow the instructions of the Commander in Chief.Ito ang saad ni Senior Supt. Dionardo Carlos na tagapagsalita ng PNP sa isang press briefing.

“We are willing to sacrifice for the benefit of iyung pong grupo na ito(Pagtukoy niya sa Kadamay). At the end of the day, we are thankful to the president for also looking at the welfare of our police and soldiers by giving a better, bigger and comfortable housing units with electricity and water connection na titirhan mo na lang.Dagdag pa niya.

Ngunit, ayon naman sa Senado, bagaman pumayag na ang Pangulo na pa-okupahan ang mga nasabing bahay ay magsasagawa pa rin diumano sila ng kanilang imbestigasyon ukol sa illegal na pag-take over ng nasabing grupo, ayon kay Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chair na si Senator JV Ejercito.

Ngunit, kahit na pumayag ang pangulo na ibigay na lamang sa kanila ang ibang unit, noon lamang Hulyo sa isang pakikipagpulong ng Pangulo sa pamilya ng mga sundalo at kapulisan na namatay sa pag-atake sa Marawi ay nagbanta siya sa grupong Kadamay.

Don’t use poverty to create chaos. Don’t repeat what you did in Bulacan. I am warning you.. If you again force your way into government houses, my order is for government  forces to drive you away. Either they will strike you with clubs, or if you resist, I will have them shoot you down.

Ngunit, ang sagot naman ng grupo ay hindi sila natatakot sa banta ng pangulo.

Wala siyang programang pabahay, puro sa sundalo. Pero kami, nasaan ang serbisyo para sa maralita? Hindi niya kami kinakausap ng maayos. Puro siya pananakot, sanay na kami sa pananakot. Nakakalungkot na nakakarinig kami ng pang-aalipusta sa kanya, eh kami ay mahirap na mahirap na. Ang aming kinuha ay 5,270 plus pa lang na unit eh ang nakatiwangwang diyan 100,000 libo pa. Bakit hindi niya tinitignan ‘yun at hindi sinisita ang kahinaan ng ahensyang ito.Arogante pang saad ng Chairperson ng Kadamay na si Gloria “Ka Bea” Arellano.

Para naman sa ilan, isang malaking kalokohan hindi lamang ang mga pinaggagagawa ng nasabing grupo kundi maging ang mga pinagsasasabi nila.

Yung iba pinag-iipunan pa ‘yung ganito(bahay). Sila libre na lang, galit pa. Tax po namin ‘yan,” saad ng isang galit na netizen sa ginawang pag-okupa ng kadamay sa mga bahay sa Bulacan at pagkatapos ay nagreklamo pa na wala diumanong tubig at kuryente.

Ang aking suggestion lang sa mahal na Pangulo, ‘yang mga Kadamay na nabigyan ng mga bahay ay dapat na maging productive citizens at i-obliga na magbayad ng buwis. ‘Yun ang kapalit ng libreng bahay. Maghanap sila ng trabaho, pwedeng tulungan ng gobyerno na magkatrabaho at mamuhay nang marangal. Kasi kung hindi, paano naman kaming law-abiding, hard-working citizens na nagbabayad ng taxes na napupunta sa libreng pabahay ng mga mahihirap? Kami naman ang kawawa. GIVE and TAKE kumbaga. Magtulungan. ‘Yun lang po.

Marami pang netizen ang nagpahayag ng kanilang yamot sa nasabing grupo dahil na rin sa pagsisi sa gobyerno sa kanilang kahirapan.

Ika nga naman nila ay nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. Kahit gaano pang gawin ng gobyerno upang matulungan ang mamamayan ay mapupunta lang sa wala kung ang huli mismo ay hindi gumagawa ng paraan at nag-aantay lang na mahulugan ng grasya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here