Judy Ann Santos: Hindi Lang Teleserye Queen Kundi Charity Queen Din

838

Ipinanganak si Judy Anne Lumagui Santos noong May 11, 1978. Nagsimula siya bilang child actress at nagkaroon ng kanyang professional television debut sa Kaming Mga Ulila noong 1986 bago ang kanyang big screen debut sa Silang Mga Sisiw Sa Lansangan noong 1988. Naging bahagi rin siya ng That’s Entertainment pero nakatanggap siya ng media recognition sa television series na Mara Clara. Iyon na ang naging simula ng kanyang mga top-rated shows tulad ng Esperanza, Basta’t Kasama Kita, Sa Piling Mo at Ysabella.

Lumabas din siya sa mga commercially successful films noong 1990s. Lalo pa siyang naging successful nang maipareha kina Wowie de Guzman, Rico Yan, at Piolo Pascual.

Ang kanyang performance sa Sabel noong 2004 ay nakatanggap ng critical acclaim. Ang pelikulang iyon ang nagbigay ng Gawad Urian for Best Actress para kay Judy Ann. Nanalo rin siya ng Metro Manila Film Festival for Best Actress, PMPC Star Awards for Movies Lead Actress at FAMAS Award for Best Actress para sa Kasal, Kasali, Kasalo na nakakuha rin ng critical at financial success. Lumabas din si Judy Ann sa mga ilang notable films tulad ng Till There Was You, Don’t Give Up On Us, Ouija, Sakal, Sakali, Saklolo at My Househusband.

Sumubok na rin sa pagpo-produce si Judy Ann sa pamamagtan ng pelikulang Ploning na naging entry ng Pilipinas sa Academy Award for Best Foreign Language Film. Nakatanggap din ang pelikula ng international acclaim at ipinalabas sa Palm Springs International Film Festival at Newport Beach Film Festival.

Malaki ang utang na loob ni Judy Ann sa masa na walang sawang tumatangkilik sa kanya kaya naman ibinalik niya sa mga ito ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito. Kahit noong kanyang early days pa lamang sa showbusiness ay nagsimula na siyang tumulong sa Elsie Gaches, isang village sa Muntinlupa City na nagbibigay ng tulong at comfort sa mga mentally-challenged people. Noong 2016, si Yohan Agoncillo, ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo ay ipinagdiwang ang kanyang 12th birthday sa Elsie Gaches Village kung saan ay nakisaya ang buong pamilya Agoncillo sa mga kabataan doon.

Ang kanyang pagtulong ay umabot na rin sa mga indigenous people. Noong 2004, sinimulan niya ang Touch-A-Heart Foundation na naglalayong ibigay ang educational at agricultural needs ng komunidad ng mga Aetas sa Bataan. Dinala ni Judy Ann ang kanyang advocacy sa small screen noong 2001 nang gumanap siya bilang Aeta sa Maalaala Mo Kaya episode na may titulong “Basket” upang makalikha ng awareness tungkol sa paghihirap ng mga Aeta groups sa bansa.

Solid din ang pagsuporta ni Judy Ann pagdating sa kanyang mga kasamahan sa industriya. Kasama ang direktor na si Dante Nico Garcia, sinimulan nila ang Ploning Foundation noong February 2009 na naglalayong mag-inspire ng filmmakers na gumawa ng quality projects na maipagmamalaking ipanood sa global audience. Nabalita rin na plano ni Judy Ann na tumulong sa pagre-revive ng careers ng veteran actors, small-time comedians at action film sidekicks.

SOURCES (ARTICLE):

http://www.pinoystop.com/bio/celebrity-profile/745/judy-ann-santos-biography

https://en.wikipedia.org/wiki/Judy_Ann_Santos

https://www.smartparenting.com.ph/celebrations/party-planning/have-a-birthday-party-for-a-cause-just-like-these-young-celebrities-a1162-19011214

http://beta.philstar.com/entertainment/2007/06/04/4142/judy-ann-adopts-aeta-community

https://www.spot.ph/entertainment/entertainment-peopleparties/46009/10-most-charitable-filipino-celebrities

 

SOURCES (IMAGE):

http://thechicka.com/judy-ann-santos-soap-opera-queen/judy-ann-santos-2/

http://www.manilatimes.net/judy-ann-santos-the-happy-queen/5912/

SHARE
Previous articleJames at Nadine, obyus na magka-live in
Next articleHoroscope, Enero 23, 2018
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here