Joshua Garcia

0
1314
Joshua Garcia (Joseph Reyes Buenavidez)

Si Joshua Espinel Garcia ay mas kilala bilang Joshua Garcia, ipinanganak siya noong October 7, 1997 sa Bauan, Batangas. Siya ay anak nina Geo Garcia at Marife Espineli. May dalawa siyang kapatid sa kanyang ina at tatlo sa kanyang ama. Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay tumira siya sa tiyuhin niyang pari.

Dahil sa salat sa salapi, napilitan siyang huminto sa kanyang pag-aaral. Gayunman, nagawa niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral nu’ng magkita silang muli ng kanyang ama. Sa ngayon nga’y nasa poder siya ng kanyang tatay kasama ang kanyang madrasta at 3 half brothers. Higit ding happy ngayon ang kanyang puso dahil sa relasyon nila ni Julia Barretto.

Nang sumali siya sa PBB All In Housemate noong April 27, 2014 siya ang tinaguriang “Tatay’s Boy ng Batangas”. Kung saan siya nakilala at nabigyan ng maraming oportunidad sa showbiz. Bukod naman kasi sa may mukha siyang maipagmamalaki, marunong din siyang umarte. Bukod pa rito, isa rin siyang dancer. Katunayan, kasapi siya sa Batangas Cultural dance group na tinatawag na Sining Kumintang. Tapos nagigitara rin siya at naglalaro ng basketball.

Sa ngayon ay miyembro siya ng Star Magic. At dahil nga sa masasabing magaling siyang artista, marami na rin siyang nagawang proyekto. Hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa pelikula. Naririto nga ang mga papel na kanyang ginampanan. Ikaw na rin ang magsabi kung karapat-dapat nga ba siyang magtagal sa mundo ng showbizness

ABS-CBN

NostalgiaTBA2017 – 2018

The Good Son Joseph Reyes / Joseph Buenavidez2017 to present

Maalaala Mo Kaya: BituinJohn Michael Española2016

The Greatest LoveZosimo “Z” Cruz2016

Ipaglaban Mo: LasonEmman2016

Maalaala Mo Kaya: PunoErnesto aka Barbie2016

Maalaala Mo Kaya: ItlogPablo2016

Luv UDionard (Guest) – 2015

Nasaan Ka Nang Kailangan KitaJoel Galvez2015

ASAPHimself – 2015 to present

Pinoy Big Brother: All In Himself/Housemate2014

 

Movie

2018JoshLia MovieTBA – Star Cinema

2017Unexpectedly YoursJasonStar Cinema

2017 Love You To The Stars and Back CaloyStar Cinema

2016Vince and Kath and James – Michael Vincent “Vince” ArcillaStar Cinema

2016 Barcelona: A Love UntoldTonyingStar Cinema

2015You’re Still The OneJason – Star Cinema and Regal Films 

 

Awards

2014 – Star Cinema Online Awards – Most Promising Actor – Himself

2017 – 48th Box Office Entertainment Awards – Most Promising Movie Actor of the Year- Vince & Kath & James

2017 – 33rd PMPC Star Awards for Movies – New Movie Actor of the Year – Vince & Kath & James –

2017 – 31st PMPC Star Awards for Television – German Moreno Power Tandem Award

JoshLia (Himself with Julia Barretto)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here