JODI , PAASA KAY RICHARD YAP

1
528

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong pakiligin nina Maya ( Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap) sa kanilang tv series na Be careful with my heart na umere noong 2012 at nagtapos noong 2014. Nasundan ito ng mga pelikulang pinagsamahan pa nila subalit hindi sapat iyon para sa kanilang mga tagahanga. Ang muli silang makita araw-araw sa telebisyon ang matagal na pinanabikan ng kanilang mga followers. Kaya naman ang “SANA DALAWA ANG PUSO” ang naging tugon nila para sa mga ito na dinagdagan pa ng isang kakilig-kilig na Robin Padilla.

Sa umpisa pa lang ay paasa effect na si Lisa Laureano (Jodi Sta.Maria) kay Martin Co (Richard Yap) alang-alang sa kanilang negosyo sa payo na rin ng kanyang ama. Pero hindi nga ito nag-work dahil na rin sa mga hindi pagkakaunawaan regarding their business. Pero matapos ang muling pagkakasundo ng kanilang mga ama ay muli ring nabuhayan ng loob si Martin sa pag oo naman ni Lisa sa kanilang kasal. Hindi nga maipipinta ng sinumang magaling na pintor ang kasiyahan sa puso ni Martin at isinayaw sayaw pa niya ang kanyang ina. Kahit alam niya na walang pagmamahal sa kanya si Lisa ay patuloy pa rin siyang umaasa. Kahit pa muntik na siyang sumuko ay muli siyang napakapit sa pag-asa sa pagtanggap sa kanya ng dalaga bilang husband to be. Sa ngayon ay sapat na sa kanya ang sibil na pakikitungo sa kanya nito. Paasa lang ang peg ni Lisa, dahil ang totoo, ay ginagawa lang niya iyon para sa kanyang ama na sa tuwing maha-heart broken ay nagtatangkang magpakamatay.  Kaya naman kahit isakripisyo pa niya ang puso niya ay gagawin niya alang-alang sa ama. Mukhang unti-unti na ring nahuhulog ang loob ni Lisa kay Leonardo “Leo” Tabayoyong (Robin padilla) dahil paminsan minsan ay naiisip na rin niya ito at parang natitigilan siya. Hay, ang hirap naman ng kalagayan ni Lisa. Hindi biro ang magpakasal sa taong hindi mo mahal at hindi rin biro ang pag-aalala niya sa kalagayan ng daddy niya. Kaya abangan natin kung hanggang saan mapapanindigan ni Lisa ang kanyang naging desisyon.

Nakakaaliw panoorin ang balik tambalang ito nina Richard at Jodi pero mas inaabangan ko ang tandem nina Martin at Mona kasya kina Martin at Lisa. Mukhang mas exciting ang kanilang love story na meron pang Sharamdaram. Hindi rin naman pahuhuli sa pagpapakilig ang team Leo at Lisa, lalo pa’t hindi na mabura sa isip ni Leo ang magandang mukha ng dalaga. Kung sina Martin at Mona ay may Sharamdaram, sina Leo at Lisa naman ay may Tamtam (Elia Ilano) na namamagitan. Abangan pa natin sa mga susunod na episodes kung sinu-sino pa ang aasa at magpapaasa for the sake of so called LOVE.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here