Job hunters, pinag-iingat ng POEA sa scammers, illegal recruiters sa Facebook at iba pang social media

0
691

Naglabas ng warning ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa naglipanang fake overseas job offers sa Facebook at iba pang job portals. 

Dahil Facebook ang ‘official’ tambayan ng milyon-milyong Filipinong nasa bansa at maging ng mga OFWs kung kaya nagsulputan ang mga Facebook page ng scammers at illegal recruiters para ma engganyo ang mga aplikante.

Isang pang-akit ng mga scammers sa desperadong Pinoy na gustong mag-OFW ang diumano’y iba’t ibang klaseng trabahong naghihintay sa Canada, United States, New Zealand, Japan, Australia, United Kingdom at iba pang mauunlad na bansa. (Bagamat matagal nang nababalita ang pagbukas daw ng China sa mga OFWs at English teachers, may mga pag-uusap pang ginagawa bago masimulan ito). Gayunpaman, naglipana na sa job portal at social sites gaya ng Craigslist ang mga ‘English teachers wanted in China”.

Siyempre pa, ipapangako ng mga nasabing scammers ang mataas na pasahod at overtime pay, libreng pamasahe, pagkain at accommodation, vacation leave at iba pang benepisyo. Pero ang siste, kinakailangang magbayad ang aplikante ng processing fee para maisaayos kuno ang mga dokumento gaya ng visa or work permit. 

Isa sa mga tinutukan ng POEA ang Facebook page na “Now Hiring Work Abroad 2018.” Naalarma ang nasabing ahensya dahil sa natanggap nilang feedback mula sa mga job applicants.

(In a way, maganda naman at natututo na ang ating mga kababayan. Pag may duda, magtanong. When in doubt, it won’t hurt if the applicant verifies or confirms before taking the plunge.)

Ayon sa isang netizen na kumagat sa scam ng nasabing FB page, nakatanggap siya ng email na nagsasabing nakalusot ang kanyang job application sa United Kingdom. Yung nga lang, kailangan niyang magdeposito agad agad ng Php9,800 sa isang Philippine bank sa loob ng dalawang araw para sa visa fee.

Kung tutuusin, common sense lang ang kailangan ng mga naghahanap ng trabaho gaano man ka desperado ang mga ito na mag-OFW. Una, ang paghahanap ng trabaho, lalo na at overseas, ay palaging may proseso at may ayos. Mabusisi. Kailangang may mangyaring interview at nangyayari ito sa isang opisina. Hindi sa isang kainan, fastfood, o mall. May skills or language training pa nga. May specific na trabahong alok, hindi yung ‘various positions’. Example: Mga nurses ang kasalukuyang in demand sa Japan, Germany, Saudi Arabia, at iba pa. Kinakailangang magpunta ang aplikante sa POEA para malaman kung sinong licensed, accredited recruitment agency ang may job order tungkol sa trabahong ito sa ganito o ganyang bansa. May mga usual documents na kailangang ipasa at iba pang requirements. May fee pero may proper documentation at official receipts na katumbas. At lalong HINDI NALALAMAN agad ng aplikante kung pasado ba sya sa work mula lang sa isang email or FB message.

Sabi nga ng POEA, anumang alok na trabaho na idinaan lang sa email or Facebook o anupamang portal at basta nanghihingi agad ng bayad para sa seminar, processing at iba pa ay malinaw na SCAM.

Ingat tayo, mga kabayan!

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here