JESUS CHRIST, BABALIK RAW SA TAONG 2050

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Si Jesus, tinatawag ding Mesiyas at Cristo ang siyang pinakabantog na taong nabuhay dito sa lupa. Nangaral ng mabuting balita, namatay at muling nabuhay— at ngayo’y nasa langit na. Sinasampalatayan ng mga Cristiano na muling babalik si Cristo sa lupa at kjapag naganap na ito, saka naman magwawakas ang sanlibutan o tinatawag na ‘Araw ng Paghuhukom’.

Ngunit, sa oras at araw ng kanyang muling pagparito, walang nakaaalam. Pero, may ilang grupo at institusyon na hinulaan ang kanyang muling pagbabalik. Ngunit, may ilang mga Amerikano ang nagpahayag na 30 taon mula ngayon, mangyayari ang tinatawag nilang ‘ Rapture’.

Ang Panginoong Jesucristo raw ay babalik sa taong 2050, ayon sa pahayag ng 40 porsiyento ng mga Americans. Ang mga naturang lahi ng tao ay masyadong optimistiko tungkol sa hinaharap. Ayon sa poll sa Pew Research Center for The People and The Press/ Smithsonian Magazine.

Sa mid century umano ng ika-21 siglo, 71 percent ang naniniwala na ang cancer ay magagamot na at 66 percent ang nagsabing ang artificial limbs ay gagana pa ng mas maayos sa mas totoo nito. 81 percent naman ang naniniwala na ang mga computers ay makakapagsalita na gaya ng mga tao.

Ngunit, ang mga Americans ay nahaharap sa major energy crisis at warming planet ayon sa survey. Mahigit sa half 58 percent ang nangangamba sa maaaring maganap na world war sa susunod na 40 taon. At 53 percent naman ay expect na magkakaroon uli ng terrorist attack laban sa United States gamit ang nuclear weapon. Pinapakita rin ng isinagawang poll na ginawa noong buwan ng Abril na kung saan ay kinapanayam ang 1, 546 na matatanda, ay ipinahay nila ang kanilang bisyon sa maaaring mamngyari pa sa susunod na 40 taon.

Ito ang mga sumusunod na nakalap sa isinagawang poll batay sa ipinahayag na prediksiyon.

–         68 percent sa edad 30 pababa ang nagpahayag na magkakaroon ng world war sa taong 2050.

–         53% ang nagsabing ang mga ordinaryong tao ay makakalakbay na sa space.

–         74% naman ang naniniwalang karamihan sa ating enerhiya ay manggagaling sa iba bukod sa coal, oil, at gas.

–         72 % naman ang naniniwalang magkakaroon ng worldwide energy crisis sa taong 2050.

–         66 % ang nagsabing ang mundo ay lalo pang iinit. 42 % naman ang nagsabing ang mga scientist ay maaari nang sabihin kung ano ang naiisip ng isang tao sa pamamagitan ng pag-iskan ng utak. Pero, 55% ang nagsabing imposible itong mangyari.

89% ang naniniwalang mailuluklok sa 2050 sa pagka-presidente ng bansa ang isang babae. 86% naman ang nagsabing magtratrabaho pa ang mga Americans sa edad na 70 taong gulang bago mag-retiro. 41% percent naman ang nagpahayag na magaganap ang muling pagparito ng Panginoong Jesucristo sa susunod na 30 taon.  

Pero, 46% ang nagsabing hindi raw iyon mangyayari. 63% ang nagpahayag na magwawakas na ang paper money, 61% ang nagsabing wala nang magse-send ng sulat sa 2050, at 31 percent ang nagpahayag na ang earth ay tatamaan ng isang asteroid.

SHARE
Previous articlePamahiin Basag na salamin: Kamalasan ang hatid
Next articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong January 22, 2020
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here