Jerikasho, Isinusulong Ang Kagandahan Inside and Out

0
99

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

July 20,2019 ay maluwalhating naidaos ang product launching ng Jerikasho Best of Beauty sa Regalia Tower. Ito ay sa pangunguna ng beauty and brain president ng Jerikasho trading na si Ms.Mina Nakata. Naging emosyonal siya sa gabing iyong dahil sa mainit na pagtanggap ng mga press gayundin ang presensya ng kanyang anak na si Erika na siya niyang pagpapasahan ng kanyang korona para pamahalaan ang kanilang business. Ang JERIKASHO ay mula sa pangalan ng tatlong magkakapatid na sina Jerich, Erika at Sho at ang founder naman ay si Mr.Jun Nakata.

Layunin ng Jerikasho na maipalaganap ang kagandahan hindi lamang sa panlabas kundi maging sa panloob din. Para sa buong team ng Jerikasho mahalaga ang panlabas nating anyo subalit hindi dapat maisasakripisyo ang ating kalusugan kaya naman ang kanilang mga produkto ay tinitiyak nilang safe at organic.

Kasamang nagpaningning ng gabi ang magician, comedian, host na si Mr. Ruther Urquia, Chino Hansel Philyan (Asian TV Network) LM Mercado (Singer performer) Susan Cailo, Jigz Verosil at Atorni Ton (DZRH). Naroon din ang PMPC President na si Sandy Es Mariano.

Umaasa ang Jerikasho na sa paglawak ng kanilang negosyo ay kasabay din nitong lalawak ang kanilang mga matutulungan. Nais nilang makatulong sa mga nangangailangan bilang pagbabalik sa kanilang tagumpay. Looking forward din sila sa posibleng maging endorser ng kanilang produkto na ang bet ni Atorni Ton ay ang down to earth na si Alden Richards. Well good luck and God bless Jerikasho! Ang tagumpay nyo ay tagumpay din ng mga nagnanais ng healthy lifestyle.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here