Sa programang The Good Son talagang kamumuhian mo ang karakter ni Jeric Raval bilang Dado. Masyado kasi siyang baliw sa pagmamahal kay Olivia (Eula Valdez) kaya naman lahat ng gusto nito ay kanyang sinunod, kahit pa ang pumatay. Ang gusto kasi niya ay mabuo ang kanilang pamilya. Higit sa lahat, makasama, maprotektahan at magpaka-ama kay Calvin (Nash Aguas).
Kung sa The Good Son si Olivia ang greatest love niya, sa tunay na buhay naman ay si Monica Herrera kaya naman ng magdesisyon ang bunso niyang anak kay Monica na mag-artista, todo ang suporta ang binigay niya rito. Ngunit, mariin din ang paalala ni Jeric sa bunso na huwag pababayaan ang sarili at huwag lalaki ang ulo.
Noong panahon ni Jeric, kilala siya bilang napakagaling na action star kaya huwag ka na magtaka kung bakit siya’y magaling umarte. Hasang-hasa siya sa pag-arte kahit na matagal din siyang huminto sa pag-aartista. Gayunpaman, di dahilan iyon para unti-unti siyang muling umangat. Mabuti na lamang at nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Sa muli niyang pagbabalik ay masasabi rin ni Jeric na malaki ang utang na loob niya kay Coco Martin. Kaya ngayon naman sa The Good Son ay malaki ang papel na kanyang ginagampanan.
Dahil sa nakasama na ngayon ni Dado ang kanyang mag-ina, nanahimik na rin ang buhay ni Dado. Iyon nga lang, hindi papayag si Olivia na manatili na lamang sa piling ni Dado. Gayunpaman, walang pakialam si dado sa katotohanan na iyon, basta ang importante sa kanya ay kasama niya ang kanyang mag-ina.
[metaslider id=”13184″]
Noong panahon ni Jeric Raval ay puro bida ang ginagampanan niyang papel kaya ngayon ay nakakapanibago dahil kahit may action scenes, hindi siya ang nangingibabaw saka suspence drama ang palabas. Ngunit, sabi nga ni Jeric sa kanyang anak na hindi dapat lumaki ang ulo kaya dapat lamang na hindi siya magreklamo. Iyon nga lang, nakakapanghinayang din namang hindi ganoong nakikita ang galing niya sa pakikipagbakbakan.
Pero, bravo pa rin naman ang galing na kanyang ipinapakita niya sa kanyang pag-arte. Nagagawa niyang takutin at galitin ang kanyang manonood. Siyempre, isa na ako roon. Para kasi sa akin, hindi naman tama na magpakabaliw sa pag-ibig lalo na kung hindi ka naman mahal ng mahal mo. Kaya nga lang, hindi naman natin magagawang turuan ang puso. Basta ang mahalaga lang sa kanya ay masaya siya sa piling ng kanyang minamahal.
Kaya, kailangan talaga nating malaman kung ano ang gagawin ni Dado kapag tinakasan siya ng kanyang mag-ina.
2017
Ang Panday
The Barker
The Good Son (TV Series)
Durugin ang droga
AWOL
Double Barrel
Luck at First Sight
2016
Vince & Kath & James
Working Beks
2015
Manila’s Finest
Col. Jimmy Tiu, MPD
1993-2015
Maalaala mo kaya (TV Series)
Salazar / Arnold
– Sketch Pad (2015) … Salazar
– Picture (2014) … Arnold
– Placement Fee (1993)
2014
The Firefighters: The Unsung Heroes
2013
Iskalawags
Husband of Ma’am Lina
2007
M.O.N.A.Y (Misteyks obda neyson adres Yata) ni Mr. Shooli
2003
Onse
2002
Lapu-Lapu
Maisug
Pistolero
2001
Eksperto: Ako ang Sasagupa!
Bagansya
Bala ko… bahala sa ‘yo
Anghel dela guardia
Sagot ko ang buhay mo
1999
Kapag kumulo ang dugo
Nikilado
1998
Alamid: Ang alamat
1997
Tawagin mo ang lahat ng santo
Atraso: Ang Taong may Kasalanan
1996
Melencio Magat: Dugo laban dugo
Ang Daigdig Ko’y Ikaw (TV Movie)
Suicide Rangers
1995
Bunso: Isinilang kang palaban!
Barkada walang atrasan
Nagmula ang Lupa (TV Movie)
1994
Biboy Banal: Pagganti ko tapos kayo
1993
Dalawa laban sa mundo: Ang siga at ang beauty
Beloy Montemayor Jr.: Tirador Ng Cebu
Victor Meneses: Dugong Kriminal
1992
Estribo Gang: The Jinggoy Sese Story
Boboy Salonga: Batang Tondo
Alyas Ninong: Huling kilabot ng Tondo
1991
Anak ng Cabron: Ikalawang Ugat
Onyong Majikero
1975
Nagmula sa lupa