James at Nadine, obyus na magka-live in

786

Hindi man tuwirang sinagot ni Nadine ang tanong ni Boy Abunda kung talaga ngang nagli-live in na sila ng boyfriend at ka-loveteam niyang si James Reid, sinabi naman niyang ‘sa amin na lang po muna iyon.’ Kung pakakasuriin ang salita niyang ito, ibig lang niyang iwasan ang katanungan na iyon ni Tito Boy.  

Kunsabagay, bakit pa ba natin gugustuhing sumagot si Nadine ng ‘opo, nagli-live in kami ni James’ gayung ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay na-ambush interview rin si Nadine? Tinanong kung nagli-live in na nga ba sila ni James. At ang sagot niya,  

“I mean, if that was true, so what? Hindi ba? It’s not new anymore. There are younger couples — mas young pa sa akin [who are already living together]. It’s normal na eh. Come on, guys, it’s 2017!” 

Kaya, kung iyon ang paniniwala ni Nadine noong 2017, bakit iisipin pa natin na mababago iyon? Nadagdagan pa nga ang tanong kaya mas magiging agresibo sa pagdedesisyon ang mga kabataan.  

Sina James at Nadine, bagama’t nasa tamang edad na, marami pa rin ang umiidolo sa kanila kaya kung aamin talaga sila na nagli-live in sila, tiyak na marami na naman ang mati-turn off sa kanila. Kung matatandaan ninyo, marami nga ang na-turn off kay Nadine noong sagutin niya ang live in issue na ibinabato noon sa kanila ni James.  

May mga pagkakataon pa noon na nadudulas si Nadine nang mag-host siya sa It’s Showtime kung saan nasabi niya na araw-araw na lang ay corned beef ang paboritong ulam ni James. Kung iisipin mo, hindi naman niya masasabi iyon kung hindi sila magkasama ni James sa iisang bahay.  

Kunsabagay, bakit pa ba natin iintindihin kung magka-live in sila ni James Reid. Magkarelasyon naman sila at sabi nga noon ni Nadine, ‘Come on, guys, it’s 2017’. Kaya, dapat lamang na tanggapin na natin na ang kasal ngayon ay hindi na masyadong pinahahalagahan. Nakakalungkot man pero wala naman tayong magagawa. Ganoon talaga ang buhay.  

Saka, mas maigi na rin namang alam ng fans ng JaDine, na tao rin naman sila. Kaya, huwag nilang isipin na ang magka-love team na ito ay hindi gumagawa ng ‘pagkakamali’. Kunsabagay, nagmamahalan naman sila kaya hindi pa rin naman maiku-consider na pagkakamali ang kanilang ginagawa. Iyon nga lang, sa mata ng Diyos at batas, maling-mali iyon.  

Kaya, huwag na kayong magtaka madlang pipol kung hindi man tuwirang inaamin nina James at Nadine ang kanilang pagli-live in. Alam kasi ng marami na maraming mapanghusga riyan.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here