Jacob Ang, champion sa Asian, Karting Open Championship

0
33
Ang dominates Asian Karting Open Championship. Jacob Ang of the Philippines holds his overall championship trophy in the Formula 125 Sr. Open at the close of the Asian Karting Open Championship (AKOC) in Macau recently. Ang, backed by San Miguel Corporation and Eagle Cement, also ruled the X30 SR class. He is flanked in this photo by fellow Filipino John Dizon (left) and Haopang Zhang of China.

BAGO matapos ang taong 2017, nakapagtala ng record at nag-iwan ng magandang alaala sa mga Filipino para sa Year of the Rooster na magtatapos sa Pebrero 15, 2018 ang Filipino kart racer na si Jacob Ang.

Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Ang, dahil sa pagkakapanalo nito sa mga kompetisyon sa Formula 125 Sr. Open at X30 SR ng Asian Karting Open Championship sa Kartodrome de Coloane Circuit sa Macau, China.

Nakapagtala si Ang ng 142 points sa apat na yugto ng kart racing na idinaos sa Macau noong Hunyo 10 at 11, sa Pilipinas noong Agosto 26 at 27 sa Thailand noong Nobyembre 2 at 4.

Sa pagbalik ng karera sa Macau noong Disyembre 9 at 10 umarangkada para sa Formula 125 class si Jacob at nakuha ang 142 points kung saan tinalo nito ang kapwa Filipino na si John Dizon (69 points) at Haopeng Zhang ng China (67 points).

Bukod dito, humarabas din ang Pinoy karter sa X30 SR class na nagtala ng 137 points, si Ang, na sinuportahan ng San Miguel Corporation at Eagle Cement ay nangibabaw sa mga kababayang sina Mikey Jordan (70 points) at John Dizon (68 points).

Sa Macau leg X30 class, second runner up si Ang kina Eshan Pieris at Royce Yu, samantalang sa Formula 125 Sr Open, si Jacob ay 1st runner up ni Royce Yu.

Sa ginanap na kart racing, ang iba pang overall winners sa bawat dibisyon ay sina Eduardo Coseteng (Formula 125 Jr. Open at X30 Jr), Zach David (Minirok) at Leung Pui Chiu (Formula 125 Veteran Open).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here