Iwasan ang Katakawan Para Di Mapahamak

Ang pinakamasaya yatang gawin sa buhay ay ang kumain. Biro mo ba naman, kapag nakakain mo ang gusto mo ay para kang nagkakaroon ng kapanatagan. Nagagawa mo pa ang lahat ng gusto mo. Siyempre, mayroon kang lakas. Makapag-iisip ka nang maayos. Magiging maganda ang disposisyon mo dahil nakakain ka ng tama. Sapat na iyon para maging okay ka sa buong araw o hanggang hindi natutunaw ang iyong kinain.

Ngunit, kahit naman importante ang pagkain, kailangan naman ay kontrolin mo ang katakawan dahil baka naman mamaya ay maging lumba-lumbaka. Gindi mo naman siguro gugustuhing maging mataba o tumaba ng husto ang partner mo dahil baka pag-awayan n’yo lang ‘yan. Gayunman, naniniwala ako na kung talagang mahal ninyo ang isa’y isa ay hindi magiging hadlang ang sukat ng inyong mga katawan.

At may isa pa nga ala akong babala sa;yo. Huwag mo pairalin ang katakawan mo kapag nasa kamay ka. Okay lang na sa pinagbuburulan ka kumain nang kumain ngunit huwag na huwag kang magkakamali na mag-uwi ng pagkain dahil susundan ka ng kaluluwa ng namatay o maaai rin namng may ibang nilalang na sumunod sa’yo. Basta ang tiyak ay hindi ka magkakaroon ng katahimikan.

O, hindi mo naman gugustuhin na mangyari iyon, hindi ba? Kaya, makabubuti rin talaga kung maghinay-hinay sa pagkain para hindi masyadong matukso sa huli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here