It’s Showtime March 28: Pag-asa para sa bawat pamilya

It's Showtime n PhilippineOne.com

Sa It’s Showtime March 28 ay isa na namang espesyal na kuwento ang kanilang inihandog. Bago yan ay isang espesyal na awitin muna ang inialay ni Jed Madela sa madlang pipol, ang “I will be here”. Kahit kalian ko talaga marinig ang kantang ito at kahit sino pa ang kumanta ay hindi maaaring hindi ako mata-touch. Nakakaiyak kasi ang kantang ito. Lalo na pag ginamit sa mga tele-drama. Ngayong araw ay nakilala natin si Willy. Akala niya ay ang asawa niya ang tinawagan at hindi siya kaya nasorpresa siya nang ang bigyang katuparan ng showtime ay ang kahilingan niya. Matagal na kasi niyang hindi nakikita ang pamilya niya, ang nanay at mga kapatid. At ngayon nga ay nasaksihan natin kung paano sila muling pinagbuklod ng It’s Showtime. Ang makapunta lang daw sa Showtime ay masaya na siya at bonus pa na nakita niya ang pamilya niya na hindi niya nakita sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon. Hindi siya makapaniwala na diringgin ng Diyos ang panalangin niya matapos ang lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Masayang Masaya rin ang nanay Agrepina ni Willy at mga kapatid niya. Tulad ng ibang naunang guest nila nitong Lunes at Martes ay hinandugan din nila ng awitin si Willy. Ang napakagandang awitin ng Apo Hiking Society ang “Pag-ibig”. Hindi lang sa pag-interbyu natapos ang kuwento ni Willy kundi binigyan din sila ng pagkakataon ng It’s Showtime na makapagbonding ng medyo matagal at mga regalong hindi nila inaasahan. Sa kuwento ni Willy ay napatunayan natin na walang imposible. Lahat ng ating mga panalangin ay magkakaroon ng tugon sa pagdating ng tamang panahon. Matuto lamang tayong maghintay at huwag mawalan ng pag-asa. Sa segment na ito ay ipinakita nila ang kahalagahan ng isang pamilya.

It's Showtime on PhilippineOne.comBukod sa nakakaantig na kuwento ng buhay ni Willy ay dalawa muling kuwento ang binigyang daan na pinamagatang “Senior Goals” at “Wang-wang” na parehong kinapulutan rin ng mga aral. Iyan ang Lenten Special na handog mula sa pamilya ng It’s Showtime.

 

More It’s Showtime

More TV Reviews

BIO Page

Vice Ganda Bio