It’s Showtime April 17: Vicekie Muling Nagpakilig

Sa It’s Showtime April 17 ay muli nating nasilayan ang matatamis na ngiti ni Jackie dahil sa mga biruan nila ni Vice Ganda. Isa ako sa mga kinikilig sa kanilang tambalan. Kahit alam naman natin na biruan lang lahat at maaaring scripted na rin ang mga sinasabi nila sa isa’t-isa ay naroon pa rin ang kanilang chemistry. Yung mapapaniwala ka talaga na totoo sa puso nila ang mga lumalabas na kataga. Maganda si Jackie at napaka-charming kaya hindi imposible na magustuhan siya ni Vice kung isa lamang itong ganap na lalaki. Mukhang naguguluhan na nga rin si Vice. At mukha rin namang bet na rin siya ni Jackie. Sana magkaroon sila ng movie, isang magandang movie na magbibigay ng break kay Jackie para mas makilala pa ng mga tao. Sigurado ako na pipilihan din mga manonood ang kanilang pelikula. Tingin ko kasi ay hahatak rin ng fans si Jackie. Napakasarap titigan ang mukha nito na may gandang hindi nakakasawa.

Kung naaliw ang marami sa kanilang kiligan portion ay siguradong naaliw rin ang mga beki sa mga nakakatuwang contestants sa  Miss Q and A. Kanya-kanya ng pasikat ang mga ito lalo na si number two na nagpakita ng talento sa panggagaya sa mga tunog ng hayop mapamalambing man o wild na hayop. Sayang nga ang at hindi siya nakapasok sa 2nd round dahil sumasagot na siya nang di pinapatapos ang tanong.

Sa Tawag ng Tanghalan naman ay na-touch tayo sa pagiging super mom ng contestant na si Lorilyn May. Ang anak kasi niya ay may pinagdadaanang kondisyon na kung saan ay mabagal ang paglaki nito kumpara sa natural na edad. Magastos ang gamutan kaya nag-offer ng tulong sina Vice Ganda, Anne Curtis at ang punong hurado na si Mr. Gary Valenciano. Basta usapang ina at anak talaga hindi maaring hindi tayo maaapektuhan. Lalo na kung makikita natin ang sakripisyo ng ina para sa anak.

Tuwang tuwa naman ako dahil wagi pa rin ang bet ko na si Zephanie. Hindi ko makalimutan kung paano niya kinanta ng tagos sa puso noon ang revival song ni Regine na The long and winding road. Kaya hinintay ko talaga ang pagbabalik niya sa tawag ng tanghalan.

Samahan nyo akong abangan ang mga susunod pang birit ni Zephanie at ang pakilig pa more ng Vicekie sa It’s Showtime.

More Tanong mo Sagot ko

More Vice Ganda

Vice Ganda Bio

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here