It’s More Fun in the Philippines, sabi ng Chinese Illegal Workers

Ilan sa atin ang tapat na nagtatrabaho para sa ating mga pamilya? Ilan sa atin ang nagtatiyaga sa kakarampot na sweldo na mapupunta pa minsan sa pagbabayad ng tax? Ilan sa atin ang tapat na sumusunod sa mga batas na umiiral sa ating bansa?

Lahat ng yan, natural na ginagawa natin bilang pagsunod sa batas ng ating minamahal na bansang Pilipinas.

Paano kung sabihin ko sayo na mayroon rin rito sa bansa nating nagtatrabaho na hindi nagbabayad ng tax? Paano kung sabihin ko sa iyo na mayroon rito sa bansa nating nagtatrabaho na mas malaki pa ang sweldo sa iyo sa ilegal na paraan at walang takot dahil hindi naman makukulong?

Tama ka kaibigan, welcome to the Philippines! Mula pa man noong 2016, nagkaroon ng matinding pagtaas sa bilang ng mga Chinese nationals na dumarating dito sa ating bansa upang manirahan at mag trabaho. Karamihan sa kanila, nakukuha na ang mga trabaho na para sa Pilipino. Nakakasama ng loob na hirap na nga ang tipikal na Pilipino sa paghahanap ng source of income ay hahaluan pa ng kung sino sino na wala namang inaambag sa gobyerno.

Gising naman kayo na in-charge sa bagay na iyan. Hinahayaan ninyong sakupin tayo ng dayuhan at kunin ang prebilehiyo na dapat sana ay para sa kapwa Pilipino.

Tingnan niyo nga yung balita, gumising gising naman sana ang gobyerno sa bagay na ito.

Kamakailan, mayroong nahuling mga Chinese nationals na sangkot sa illegal gambling, investment scams, illegal and overstaying aliens.

Sa kabuuan, 270 na nga ang mga Chinese nationals na ide-deport. Ilan lamang ito sa napakaraming manggagawang dayuhan na naghahari-harian sa bansa natin at nagkalat sa Ortigas area, Makati at Paranaque.

Magagawa ba ng Pilipino ang ganito pag nasa ibang bansa tayo? Makakalusot ba tayo sa ganitong sistema kung ilagay natin ang sitwasyon nila sa atin pag nasa dayuhang lupa ang Pilipino?

Nakakalungkot, nakakagalit dahil hindi tayo patas sa pagta-trato. Kung paanong ang sariling mamamayan ay hinihigpitan ninyo (ma-late ka nga lang sa pagbabayad ng tax, katakot takot na penalty hindi ba?), ay siya namang gaan ng pag-handle ninyo sa dayuhan lalo na sa mga Tsino.

Ano ito, may special treatment bang nagaganap sa lipunan natin? Isa lang ito sa napakaraming nakakapangkulo ng dugo na kwento ng patuloy na pang-aapi sa kababayan natin, mula sa mga taong hindi natin kadugo dito mismo sa sariling bansa natin.

Nakakaawa ang kalagayan natin, magtitiis na lamang at hihintaying ang nakatataas ay makita ang tunay na sitwasyong pilit kayong nagbubulag-bulagan.

It’s More Fun in the Philippines, iyan ang sabi ng mga Tsino. Sana sa susunod, tayo na mismo ang mahalin, pahalagahan at itrato ng maayos, tayo, ang mamamayang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here