Itim Na Pusa Na Nagbibigay Ng Suwerte

Malas ang itim na pusa, ito ang paniniwalang marami  kaya naman marami sa kababayan natin ang talaga namang nagtataboy ng mga itim na pusa dahil naniniwala sila na nagbibigay nga ito ng kamalasan sa kanila. Gayunman, masasabi ko na hindi naman lahat ng itim na pusa ay hindi kamalasan ang hatid. Talaga nga lang nakatanim na sa isipan natin na ang itim na pusa ay nagbibigay sa atin ng kamalasan.

Ang itim na pusa kasi ay makaagbibigay din ng suwerte sa atin at ang senyales na ito ay mangyayari kapag nilapitan ka ng isang itim na itim na pusa. Kaya, kung may ganoong mangyayari sa’yo ay huwag na huwag mong itataboy ang itim na pusa dahil para mo na ring itinaboy ang suwerteng darating sa’yo.

Sa katunayan nga, hindi naman talaga kamalasan ang hatid sa’yo kapag nakakita ka ng pusang itim kapag aalis ka ng bahay mo o kaya naman ay mayroong pusang itim na nahulog sa ibabaw ng sasakyan mo. Ang mga senyales na ito ay pagbibigay sa’yo ng babala na mapapahamak ka sa paglalakbay mo kaya mas maiging huwag ka na tumuloy pa. O, di naligtasan mo pa ang matinding kapahamakan.

Kaya, itaboy mo na sa isian mo na malas ang itim na pusa dahil kahit na ano pa ang kulay ng isang pusa ay makakatulong sa’yo para ikaw ay palarin. Basta ang payo ko, huwag na huwag kang mananakit ng pusa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here