ITANIM ITO SA PALIGID O HARAPAN NG BAHAY KUNG KAYO AY MAY TOXIC NA KAPITBAHAY PARA HINDI KAYO MALASIN

1591

Suwertihan talaga kung ikaw ay magkakaroon ng mga kapitbahay na mahusay makisama. Ngunit kung ikaw ay mamalasin, humanda nang mapundi sa mga kapitbahay na nakayayamot dahil maiingay, bastos, at hindi marunong makisama. Ang mga ganitong uri ng kapitbahay ay source ng negative vibes.

        Malaki ang epekto sa sariling tahanan ng negatibong enerhiya na nagmumula sa mga bad neighbor.  Ang kanilang unfriendly energy ay lubha namang nakakasama ng pakiramdam.

Kung kayo ay dumaranas ng bad feng shui mula sa kalapit bahay, ang pinaka-epektibong feng shui remedy ay ang patatagin ang force shield ng inyong bahay upang ma-block ng negative energy. Magtanim ng mga halaman na may malalapad na dahon sa paligid ng inyong bahay. Sasalain ng mga ito ang negative vibes, bukod sa nakapagpu-purify rin ng hangin.  Maaari ring gumawa ng isang mini rock garden sa harap ng inyong bahay, o sa spot kung saan nagmumula ang negative vibes.

Additional remedy: Magsabit ng metal wind chime sa area na kaharap ng inyong negang kapitbahay bilang protection charm.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here