Isyu 251: Ang kahulugan ng red dress na may perlas

2
62
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 251 ang panaginip ni Janice tungkol sa “kulay pulang dress, blouse at short, nabasag na cell phone kaya pinalitan iyon ng kanyang boss

 

 

Dear Maestro,

 

Nanaginip po ako, Maestro, na nagbibihis daw po ako dahil papasok daw po ako sa iskul. Tapos nasa harap daw po ako ng malaking salamin at naisipan ko raw po na ang isuot ko ay ang pula kong na may dekorasyong perlas. Kaya naman po, iyon po ang isinuot ko. Nakita ko po sa salamin na napakaganda ko, walang kasing ganda, dahil sa suot kong dress. Pero bigla ko raw naisipan na hubarin na lang at palitan ng blouse at short na maong  dahil Friday naman nu’n. Kaya parang sayang naman daw kung magsusuot pa ako ng magarang damit. Tapos napatingin po ako sa relo ko at mag-aalas otso na pala male-late na po ako kaya nagmadali na ako. Tapos nakita ko sa kama ang kabayo ng plantsahan  kaya kinuha ko po at itinayo  sa gilid ng pinto. Umalid na daw po ako. Tapos nanaginip uli ako, nabagsak po ng lalaki ang cell phone ko kaya nabasag at nasira daw po. Tapos noong malaman daw po ng boss kong babae ang nangyari ay binilhan niya  bagong cell phone. Kaya tuwang-tuwa raw po ako dahil may bago na akong cell phone. Sana po mapansin nyo ang panaginip ko at malaman ang kahulugan nito.

KASAGUTAN:

Kapag nanaginip ka ng nagsuot ka ng damit na kulay pula, ito ay nagbabadya ng isang napakagandang kapalaran ang nakatakdang dumating sa iyo sa susunod na mga araw. Ang problema nga lamang sa iyong “red dress” na isinuot mo sayong panaginip ay may “perlas na dekorasyon” kung saan, sa Makalumang Kahulugan, ang perlas sa panaginip ay nagbabadya ng pagluha at kalungkutan.

Ngunit ang nakatutuwa sa panaginip mo Janice ay nang hinubad mo ang dress na kulay pula at pinalitan mo ito ng “blouse at short na maong”. Ibig sabihin, magkakaroon ka ng isang napakagandang kapalaran pero bago mangyari ito, may pagluha at kalungkutan kang mararanasan at puwede ring “vice-versa” matapos kang magkaroon ng magandang kapalaran may kalungkutan at pagluhang kakatok sayong karanasan, subalit sa bandang huli, babalik ka uli sa isang “simple lang na buhay” na ang “simpleng buhay palang ito ang tunay at talaga namang magpapasaya sayo.

Samantala, ang “nasirang cell pone at pinalitan ng bago ng boss mo” ay halos kasing kahulugan din ng panaginip mong nagsuot ka ng “dress na pula” at pagkatapos ay pinalitan mo ng “blouse at short na maong” na nangangahulugang bagamat darating sa buhay mo sa malapit na hinaharap ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran, uunlad ka at yayaman pero hindi ka magiging masaya sa mga materyal na achievement na ito. Sa halip, darating ang panahong mas pipiliin mo ang isang simpleng buhay na tulad ng nasabi na sa simpleng buhay na higit kang magiging masaya at habang buhay na liligaya.

Pero kahit piliin mo ang “simpleng buhay” wala kang magagawa sa takdang kapalaran, siguradong darating at darating ang panahong ika’y  “uunlad at yayaman. Kapag mayamang-mayaman ka na, tulad ng perlas sa iyong mga damit, doon mo matutuklasang hindi rin pala lubusang matagumpay at maligaya ang buhay ng isang mayaman,” kaya nga tulad ng paulit-ulit na nasabi na, “ipapasya mong bumalik uli sa isang simple pero mas masayang karanasan habang buhay.”

Salamat sa pagbasa sa Isyu 251.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

2 COMMENTS

  1. Dear maestro
    Magandang araw po . Pakitago nalang po ng identity ko ,
    Feb 19,1983 birthday kopo,
    gusto kopo ikonsulta ang panaginip ko
    Tungkol sa aking asawa (Nov.23,1981 birthday niya at ofw po )
    Na meron scene sa panaginip kona sila ay may intimate na na gingwa , pangalawang beses konapo ngayon na napanaginipan.
    At gusto kopo sana malaman kung ano ibig sabhin po nito.
    Maraming salamat po
    And more power and God bless.

  2. Maraming Salamat Po Maestro. Talagang inabangan ko po etong sagot mo. Maliwanag na sa akin ang lahat. Hanggng sa muli po… Pagpalain po kau ng Poong Maykapal at ingat po. Salamat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here